Kabanata 24

48 3 0
                                        

- Third Person POV -

"Yiiiieeee! May kasama nako! Hihihi!" Bungad ni Kaelyn kay Cossette

"Tss. Pumayag pa kasi akong pumasok eh. Nakakatamad." Nasa isip-isip ni Cossette.

"Lagi ka namang may kasama kahit wala ako eh." Sa sobrang friendly at kakulitan ni Kaelyn, halos lahat ng tao ay kakilala at kaibigan niya.

Hindi na niya kailangan si Cossette para lang magkaroon siya ng kasama.

"Ehhhh! Iba pa din pag kasama mo ang bestfriend mo. Tayong dalawa na nga lang ang natira dito sa MCU tapos iiwan mo pako ng mag-isa. :(" Sagot ni Kaelyn sa kaniya.

"Drama mo." Plain na sabi naman ni Cossette.

Habang naglalakad si Cossette at Kaelyn ay nakasalubong nila si Leo.

"Eyyyyy! Cossette! Ok ka na?" Biglang sabi nito sa kaniya habang inaakbayan siya.

"Ay! Ay! Nakaka-OP naman!" Pabirong sabi ni Kaelyn sa kanilang dalawa.

"Tss. Ayan na yung CR oh, umihi ka na. -_-" Sagot ni Cossette sa kaniya.

"Ehhhhh! Samahan mo ko!" Pagaaya naman ni Kaelyn sa kaniya.

Bago pa man maka-sagot si Cossette ay hinila na siya ni Kaelyn sa loob ng CR. Naiwan naman si Leo na naghi-hintay sa labas.

Biglang naman nakita ni Leo si Natalie na naglalakad papunta sa CR.

"Nako, mukhang malaking gulo to." Mahinang sabi niya sa kaniyang sarili.

"Sure ka bang ok ka na?" Tanong ni Kaelyn kay Cossette.

"Eh? Pinapapasok niyo ako tapos tatanungin mo kung ok lang ako?" Nagta-takang tanong ni Cossette.

"Eh kasi baka mamaya hindi mo pa kaya tapos bigla mong makita yung bruhang Natalie na yun tapos magkagulo pa." Kinakabahang sagot ni Kaelyn sa kaniya.

"Speaking of which." Dagdag pa niya.

Napatigil bigla si Cossette sa paghu-hugas ng kamay at sinundan ang tingin ni Kaelyn.

"Oh, hello." Pagbabati ni Natalie sa kanilang dalawa.

Nanigas si Cossette sa kinatatayuan niya at sinusubukang pigilan ang kaniyang inis.

"Aalis din yan. Wag mo pansinin." Sabi ni Cossette sa kaniyang isip.

"Oh come on, no need to be awkward. We're all friends here." Dagdag ni Natalie nang hindi nila sinagot ang pagbati nito.

"Friends? Hmpf. Wala akong kaibigan na ahas!" Inis na sagot ni Kaelyn sa kaniya.

Biglang napatigil si Natalie sa pagli-lipstick at hinarap sila Cossette.

"Mukhang masaya to' ah." Isip-isip ni Natalie sabay smirk.

"Atleast swerte ang ahas. Eh ikaw, anong klaseng hayop ka ba? Hmm... Hulaan ko. Baboy ramo? Elepante? O baka naman ipis? Ay wait, insekto pala yun. Tama, peste ka nga pala. Pare-parehas kayo ng mga kaibigan mo." Sagot nito kay Kaelyn.

Kumulo na ang dugo ni Kaelyn pero hindi na ito nakasagot, dahil ang galit niya ay biglang naging takot.

Sinuntok ni Cossette ang salamin sa loob ng restroom.

"Ikaw lang ang peste dito, Natalie." Nanggigigil na sagot ni Cossette sa kaniya.

---------------------

My Badass GirlfriendMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon