Kabanata 12

41 2 0
                                    

- Aizekiel's POV -

Pupunta kami ngayon ng EK. Medyo matagal-tagal na kasi kaming hindi nakakalabas ng magka-kasama. Naging busy kasi sa School Festival tapos sila Cossette naman naging busy sa mga Clan War nila. Kaya habang free kaming lahat ngayon, nag-aya kaming pumunta ng EK.

"Sorry, late kami." Hinihingal na sabi sa amin ni Cossette. Kakarating lang nila. Tss. Bakit ba nandito yang lalakeng yan?

"Uyyyyyy! Kasama ka pala!" Sabi ni Cossette nang makita niya si Sadie.

"Oo, sayang nga may klase si Meisha eh. Kumpleto sana tayo." Sagot naman sa kaniya ni Sadie.

"Kanina pa namin kayo hinihintay! Bakit ngayon lang kayo?" Pag-singit ni Kaelyn sa kanila.

"May Clan Meeting pa kasi kami eh." Sagot ni Leo sa kaniya.

"Kasama siya sa Clan Meeting?" Tanong ko kay Cossette habang tinuturo si Leo.

"Malamang, magka-clan mate kami eh." Diretsong sagot niya sa akin.

"Hmmppff! Nagse-selos na ako ah. >:|" Patampo kong sabi kaniya.

Bigla niya akong inakbayan habang nilalapit niya ang kaniyang labi sa aking tenga.

"Edi sumali ka sa Clan namin." Mapanlokong sabi niya. Nilayo na niya ang kaniyang labi at nakita ko ang namumuong smirk sa kaniyang mga labi.

Pinagmasdan ko siya habang nakaakbay pa din sa akin. Tinitignan niya kung sino ang mga kasama namin. Nandito na sila Kaizer, Ace, Connor, Sadie at Kaelyn.

Napansin ko na bigla siyang napatingin kay Natalie na saktong-sakto namang nakatingin din sa kaniya.

"Ah, si Natalie nga pala. Kaibigan ko." Pangunguna ko na bago pa mag-salita ng kung ano-ano si Cossette.

"Hello! Nice to meet you!" Lumapit si Natalie sa kaniya at binati siya habang inaabot ang kaniyang kamay upang makipag-handshake.

"Likewise." Malamig na sabi ni Cossette habang tinatapik si Natalie sa kaniyang balikat. Hindi niya inabot ang kamay nito.

"Ahmm... Tara na! Kumpleto na naman na tayo." Sabi ko sa kanilang lahat. Napansin ko kasi na hindi na maganda ang pagtitig ni Cossette kay Natalie.

Mukhang hindi ata tama na inimbita ko siya dito.

"Wait lang, wala pa si Ca-----" Bago pa man matapos ni Kaizer ang kaniyang sasabihin ay pinutol na siya ni Connor.

"Ayan na si Cameron!" Sigaw ni Connor. Napalingon kaming lahat dahil matagal na namin siyang hindi nakikita.

"Bro! Musta? Long time no see ah." Panganga-musta ni Kaizer sa kaniya nang makalapit na siya.

"Eto, medyo ok na." Sagot naman niya. Nakipag-kamustahan din siya kanila Ace at Connor bago manga-musta sa akin.

"Eyyy! Nakauwi ka na pala? Tagal mo din dun ah. It's been like what? 2 years?" Tanong ni Cameron sa akin.

"4 years bro." Sagot ko. Pagka-tapos nun ay medyo nag-kamustahan pa kami ng onti.

Pagka-tapos ng onting kamustahan ay isa-isa na kaming pumasok sa van. Habang pumapasok sila Kaelyn at Sadie ay nadaanan nila si Leo na katabi si Cossette. Ngayon ko lang napansin na umalis na pala siya sa tabi ko.

Naka-titig lang siya ng masama kay Cameron. Ngayon ko lang naalala na galit nga pala siya dito.

Nilipat niya ang kaniyang tingin sa akin bago pumasok sa sasakyan.

Ano na naman ang ibig sabihin ng tingin niyang yun sa akin?

------

Habang bumibiyahe kami ay patuloy lang na nagke-kwento sa amin si Cameron, pero hindi ko na naririnig ang mga sinasabi niya. Naka-focus na lang ako sa dalawang tao na nakaupo sa harapan namin.

Naka-headset si Cossette pero patuloy siyang kinukulit ni Leo.

Hindi kami nakapag-tabi ni Cossette dahil gusto ni Cameron na makipag-kwentuhan sa amin, kaya nandito kami nila Kaizer at Connor sa pinaka-likod. Hindi naman makasama sa kwentuhan namin si Ace dahil siya ang nagda-drive. Katabi naman niya sa harapan si Natalie.

Makikipag-kwentuhan din dapat ako sa kanila kaso hindi naman ako makapag-focus dahil busyng-busy ako sa pag-bantay sa girlfriend ko.

Nagulat ako dahil biglang tinanggal ni Cossette ang kanan niyang headset at sumigaw kay Ace.

"Stop over nga muna tayo nang masapak ko tong bulateng katabi ko. Di mapakale eh, kanina pa ako kinukulet eh." Sabi niya at nilingon si Leo.

Nag-tawanan lang sila habang nginingitian naman ni Leo si Cossette.

-------

"Oh, san muna tayo?" Pagta-tanong ni Connor nang maka-pasok na kami ng EK.

"Anchor's Away muna tayo!" Masayang sagot ni Sadie at tumakbo na papunta sa ride na yun. Sumunod naman kami sa kaniya.

Pagka-tapos namin dun ay sumakay naman kami sa EKstreme Tower at dumiretso na sa Rio Grande Rapids para kumain muna ng lunch.

"Ok ka lang, Cossette?" Napalingon kaming lahat ng itanong yun ni Sadie sa kaniya.

Kakatapos lang kasi naming kumain at nagla-lakad na kami pabalik sa mga rides.

"Bakit, anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na medyo namumutla pala siya.

"Wala, medyo pagod at nahihilo lang ako." Matamlay na sagot niya sa akin.

Ang weird. Bihira lang kasi makaramdam ng pagod si Cossette.

"Gusto mo uwi na tayo?" Tanong naman ni Connor sa kaniya.

"Nahilo lang yan sa mga rides!" Pabirong sagot ni Kaelyn sa amin.

"Tama! Eh puro nakakahilo ba naman lahat ng sinakyan natin! Hahaha!" Natatawang dagdag naman ni Sadie.

"Sige, una na kayo. Kami na bahala dito kay Cossette. Sunod na lang kami mamaya. ^_^" Sabi ni Kaelyn sa amin.

"Oh, inumin mo na toh. Para mawala na yang nararamdaman mong hilo." Sabi ni Leo sa kaniya habang may inaabot na gamot.

"Pero---" Naputol yung sasabihin ko nang bigla akong titigan ni Cossette ng masama.

"Sabing okay lang ako eh! Susunod na nga lang kami dba?" Medyo pasigaw niyang sagot sa akin.

"Bro, hilo lang daw. Ok na din yan mamaya. Tara na!" Sabi sa akin ni Cameron.

Hinila na nila ako at iniwan na namin sila Kaelyn at Leo para samahan si Cossette.

Lumingon ako habang nagla-lakad kami papalayo sa kanila.

Pinagmasdan ko lang si Cossette.

May iba sa kaniya. Hindi ko lang alam kung ano, basta may biglang nagbago sa kaniya.

My Badass GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon