Kabanata 10

42 3 0
                                    

- Aizekiel's POV -

"Hey." Pagbati ni Cossette nang makalapit siya sa amin.

"Ang Galing mo pala kumanta, Cossette." Pagpupuri ni Connor sa kaniya.

"Thanks." Cold na sagot niya.

"May itatanong pala ako sa---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kay Cossette dahil may lalake na biglang nakisali sa amin.

"Hi Cossette!" Sabi niya sabay akbay kay Cossette.

"Leo? Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ni Cossette habang nanlalaki ang mga mata.

"Kaka-transfer ko lang, dito na ako maga-aral. Hindi ka ba natutuwa na makita ako?" Masaya at pabirong tugon nung lalake sa kaniya.

"Bakit naman ako matutuwa?" Malamig na sagot ni Cossette sa kaniya.

"Kasi nandito na ako para lagi kitang nakikita. ^__^" Sabi nung lalake kay Cossette.

Ahmm... Excuse me, nandito kaya yung boyfriend niya.

"Tss. Ewan ko sayo!" Painis na sagot ni Cossette sa kaniya habang tinatabig ang braso nung lalake na nakaakbay sa kaniya.

"Pakilala mo naman ako sa mga kaibigan mo." Pagre-request nung lalake kay Cossette.

"Ampff." Sambit ni Cossette bago kami ipakilala isa-isa.

"Kaizer, Connor, Kaelyn, Ace.." Isa-isang turo ni Cossette sa kanila. Nakipag-kamay naman yung lalake sa kanilang lahat.

"...at Aizekiel, boyfriend ko." Pagpapatuloy ni Cossette.

Nang marinig nung lalake na boyfriend ako ni Cossette ay napa-tigil siya at nag-smirk bigla.

"Nice to meet you." Pakikipag-kamay niya sa akin.

"May boyfriend ka pala, Cossette." Mapag-birong sabi nung lalake kay Cossette.

"Anong pake mo?" Painis na sagot ni Cossette sa kaniya.

"Haaaaay! Akala ko pa naman may pagasa ako sayo." Sabi niya habang pinapatong ang likod ng palm niya sa kaniyang noo.

"I guess I'll have to steal you away from him." Pagpapatuloy niya sabay tingin sa akin.

"Sino ka ba?" Naiiritang tanong ko sa lalake.

"Ay, hindi pa nga pala ako nagpapakilala." Sabi niya sa aming lahat.

"Ako nga pala si Leo Masson Crevier, ka-clanmate ni Cossette." Pagpapakilala nung lalake sa aming lahat habang nagbo-bow ng kaniyang ulo. Yung pagbo-bow niya ay katulad nung ginagawa nung mga proper men na bumabati sa mga babaeng nagcu-curtsey.

"Crevier? As in yung may-ari ng mga Crevier Mall?" Namamanghang tanong ni Kaelyn sa kaniya.

"Ah, yes. I own 40% of the Crevier Malls na meron dito sa Pilipinas. 60% of it is still owned by my dad." Sagot niya kay Kaelyn.

Pagka-tapos nun ay pinagka-guluhan na nila si Leo.

Sa gitna ng kanilang pagi-interview sa kaniya ay biglang tumunog ang cellphone ni Cossette.

"May Clan War daw." Sabi niya kay Leo.

Umihip si Cossette ng isa pang beses sa kaniyang sigarilyo bago ito pitikin palayo kasabay nang kaniyang pagbuga sa usok nito.

Nagpaalam na sila sa aming lahat.

"Bye." Sabi ni Cossette sa akin habang tinatapik ako sa balikat.

"Bye babe!" Mapag-birong sabi naman sa akin ni Leo at sumunod na kay Cossette.

"That dude is bad news." Bitter na pagkasabi ko sa mga kaibigan ko habang nakatitig sa Leo na yun na tumatakbo palayo.

"Oooooooh! Jealous?" Pangaasar sa akin ni Kaelyn.

"Hindi ah!" Mabilis na sagot ko sa kaniya.

"Eh bat namumula ang tenga mo?" Natatawang tanong ni Connor sa akin.

"Aminin mo na kasi bro." Pakikisali naman ni Kaizer sa pangaasar sa akin.

"Tss! Ewan ko sa inyo!" Sagot ko sa kanila at umalis na lang.

Sa gitna ng aking paglalakad papunta sa roof deck ay may biglang tumawag sa aking pangalan.

"Aizekiel!" Sigaw nito sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso lang sa aking paglalakad.

"Aizekiel!" Tinawag niya ako ulit pero ngayon ay lumapit na siya sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Oh, Natalie. Ikaw pala." Plain na sabi ko sa kaniya.

"Ok ka lang?" Pagta-tanong niya sa akin pero tinignan ko lang siya.

"Tara kain tayo, kwento mo sa akin ang lahat." Sabi niya sa akin. Pumunta kami sa canteen kung saan binilhan niya ako ng pagkain at umupo kami sa isa sa mga lamesa.

"Oh sige, ano bang problema? I'm all ears." Sabi niya sa akin. Tinitigan niya lang ako at hinintay na mag-salita.

Bumuntong-hininga ako at nag-kwento na.

"Naiinis kasi ako dun sa Leo na yun eh, akala mo kung sino." Pagsi-simula ko.

"Sino yun?" Nagtatakang tanong ni Natalie sa akin. Hindi niya nga pala kilala yun.

"Yung lalake na ang lakas ng loob na sabihan ako na aagawin niya daw yung girlfriend ko." Sagot ko habang naiinis pa din.

"Tss. Kakapang-init ng dugo eh." Mahinang sabi ko sa aking sarili.

"Hmm... So kaya pala namumula yang tenga mo, kasi nagse-selos ka." Sagot niya sa akin bago kumagat sa burger na hawak-hawak niya.

"Haaay! Ganun ba kahalata yung pagse-selos ko?" Nilublub ko ang mukha ko sa lamesa.

"Anong gagawin ko?" Pagpapatuloy ko.

"Edi pa-selosin mo siya." Diretsong sagot sa akin ni Natalie. Inangat ko ang aking ulo at tinitigan lang siya.

"Si Cossette? Pase-selosin ko si Cossette?" Pagta-tanong ko sa kaniya.

"Oo, ganun na nga." Sagot niya sa akin na parang wala lang sa kaniya ang kaniyang sinasabi.

"Seryoso ka ba?" Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Hindi ba ako mukhang seryoso?" Sagot niya at tinitigan lang ako.

Hindi ko maunawaan kung bakit si Cossette ang pase-selosin ko.

"Hindi ko yun magagawa sa kaniya." Sabi ko habang matamlay na tumingin sa labas ng canteen.


My Badass GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon