- Aizekiel's POV -
"Oh nasan nga pala si Cameron? Absent na naman?" Ngayon lang siguro napansin ni Connor na kulang kami.
"Naglalasing na naman siguro. Hindi pa rin nakaka-move on eh." Si Autumn ay kaibigan ni Cossette. Wala ako dito nang mangyari yun kaya hindi ko alam ang buong storya. Basta ang alam ko ay gumawa sila ng dare para kay Cameron. Dare na dapat maging sila ni Autumn. Kaso ang nangyari ata ay nagustuhan na talaga ni Cameron si Autumn, at nalaman bigla ni Autumn ang tungkol sa dare. Pagkatapos nun ay umalis siya at pumuntang Europe kung saan nandun yung parents niya.
Kaya siguro hindi pa nakaka-move on si Cameron dahil wala silang matinong closure. Simula kasi nang malaman ni Autumn ang tungkol sa dare ay hindi na niya kinausap si Cameron. Nakipag-break na lang siya tapos wala na, hindi na nakapag-explain si Cameron.
"Gago kasi eh. Kung hindi ba naman niya ginawa yun, edi malamang sa malamang ay hanggang ngayon nandito pa rin si Autumn at sila pa ring dalawa." Singit naman ni Cossette sa usapan. Nagalit kasi siya nang malaman niya ang ginawa sa kaibigan niya. Kaya ayun, napaglabasan niya ng galit. Hindi pa rin sila nagkakabati ni Cameron kaya iniiwasan na lang nila ang isa't isa para hindi na magkagulo.
"Hindi naman sila magkakakilala kung hindi dahil sa dare eh." Sagot naman ni Kaizer kay Cossette.
"So ano? Dapat pang mag-thank you si Autumn kasi nangyari yung dare? Gago ka ba?" Tumayo si Cossette at handa nang sugurin si Kaizer. Pinigilan namin siya ni Connor at Ace bago pa niya ito malapitan.
"Wooaaaah! Kalma! Ayan ka na naman eh." Pinaupo siya ni Connor at sinubukang pakalmahin.
"Kalma naman ako ah. Kung hindi ako kalma hindi niyo ko makakayang pigilang tatlo." Naiinis na sagot ni Cossette sa kanya.
Oo, totoo yun. Kalma pa talaga si Cossette. I've seen her very mad, and that's a sight na you don't wanna see.
"Oh sige na, mag-peace na kayo." Sabi ko kay Cossette at Kaizer. Tama na yung isa lang ang kaaway ni Cossette sa barkada namin. Hindi na yata namin makakaya pag naging dalawa pa sila.
"Sorry." Sabi ni Kaizer kay Cossette, tumango lang ito sa kanya. Ibig sabihin nun ay ok na ang lahat, bati na sila.
Naging masaya na ulit yung usapan, nagtatawanan na ulit ang lahat.
"Oh? Bakit? Ah... Oh sige, papunta nako diyan." Sumagot ng tawag si Cossette at napatahimik kaming lahat.
"Sino yun?" Pagtatanong ko nang ibaba na ni Cossette ang phone niya.
"Yung leader namin. May Clan War daw." Oo, kasali si Cossette sa isang Clan. Madalas silang magkaroon ng kalaban, at kailangan nilang protektahan yung Clan nila.
"Ano?! 10:30 na ng gabi tapos may war pa din kayo? Ibang klase!" Singit naman agad ni Ace.
"Wag ka na kasing sumali sa mga ganyan. Mamaya mapahamak ka pa eh." Tinitigan ko si Cossette. Nagpipigil ng tawa ang mga kasama ko. Paano kasi, mas lalake pa kumilos si Cossette kesas sa akin. Parang nga siya yung lalaki sa aming dalawa eh.
"Hindi yun mangyayari. Kaya ko ang sarili ko." Kumuha siya ng isang bote ng beer at umalis na.
Nag-kamot ako ng ulo. Haaaay! Lagi akong kinakabahan tuwing makikipagaway siya. Lalo na pag nagkakaroon sila ng War. Halos magpatayan na kasi sila tuwing may Clan War eh.
"Hay nako bro. Kung ako kasi sayo, humanap ka na ng iba habang maaga pa. Ang dami pang ibang sexy at maganda diyan sa tabi-tabi na handang-handang ibigay ang buong katawan nila para sayo! Hahaha!" Pagsu-suggest sa akin ni Kaizer.
"Tss. Wag mokong itulad sayo. -_-" Si Kaizer lang ang mahilig sa ganyan, hindi ako katulad niya. Siya lang ang playboy sa grupong ito.
"Hahaha! Ikaw bahala." Hinding-hindi ko magagawang ipagpalit si Cossette sa kahit sino mang babae. Siya lang ang mahal ko at mamahalin ko. Hindi ko siya magagawang saktan, ayoko siyang masaktan. Kahit ano pang mangyari, poprotektahan ko siya hanggang sa aking makakaya. I'll protect her in every way possible.
-------------------
Author's Note:
Kung gusto niyo malaman ang story nila Autumn at Cameron, basahin niyo ang story kong Truth or Dare?
Sorry, nag-plug pa ako. WAHAHAHA! XD

BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomanceA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...