Kabanata 20.5

28 3 0
                                    

- Aizekiel's POV -

Kring... Kring...

"The subscriber cannot be reached, please call again later."

"Wala pa din?" Sabi ko sa sarili ko nang marinig ko ulit ang message na yan.

Panglimang beses ko nang tumawag pero hindi pa din sinasagot ni Cossette ang tawag ko.

Nag-desisyon na lang akong pumunta sa bahay nila at katukin na lang siya dun.

Nag-park ako sa tapat ng bahay nila Cossette at bababa na dapat ng sasakyan nang makita kong nakatayo na si Leo sa labas ng gate nila.

Siya na naman?

"Tss. Wag na nga." Painis na bulong ko sa sarili ko at hinarurot na lang paalis ang sasakyan ko.

----------------

"Bro! Happy birthday!" Bati ko kay Kaizer.

Medyo kakasimula pa lang ng birthday niya pero madami na ang tao dito sa clubhouse.

"Tara, inuman tayo!" Pagaaya ko sa kanila.

"Wow! Aizekiel, ikaw ba talaga yan?" Nagtatakang tanong sa akin ni Connor.

Nagulat silang apat dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganitong bagay. Hindi ako sumasama sa mga inuman nila.

"Si Cossette pala? Bakit hindi mo kasabay?" Tanong ni Ace sakin nang mapansin niyang wala akong kasama.

Hindi ko din naman kasama si Natalie. Alam naman nila na inaya ko lang siya para subukang paselosin si Cossette.

"Naunahan nako ni Leo eh." Sagot ko habang nagka-kamot ng ulo.

"Ah, kaya pala nagaaya ng inuman!" Natatawang sabi ni Kaizer.

"Alam mo bro, ok lang yan. It's part of life." Pagco-comfort naman ni Connor sa akin.

Sakto naman at may biglang dumaan na waiter sa table namin kaya nakakuha na kami agad ng alak.

"Cheers!" Sabay-sabay naming sabi at nagsimula nang mag-inuman.

"Whooo!" Sigaw ko pagkatapos kong mag-shot.

Lumipas na ang ilang oras at hindi ko alam kung gaano katagal na kaming nagi-inuman. Wala naman akong pake!

Basta nandito kami ngayon para magsaya.

"Tagay pa!" Sabi ko sa kanila.

Biglang namang nag-vibrate ang phone ko.

1 message from Cossette Von Stein <3

Binuksan ko agad ito at binasa.

"Nasa likod ako ng clubhouse." Text niya.

"Nasha labash na daw shi Cosshette. Puntahan ko laaaaaang." Pagpapaalam ko kanila Kaizer.

Patuloy lang ako sa pag-inom habang naglalakad palabas kaya may mga nababangga na akong tao, at wala akong pake.

"Brooooo! Konching inghat naman!" Sabi ko sa pangatlong taong nakabunggo sa akin.

"Uhhhhhh. I'm sho freaking wayshted." Sabi ko sa sarili ko nang makalabas na ako ng clubhouse.

"Natalie? Unno ginagawa moh diytoh? Nakita mo ba shi Cosshette?" Tanong ko sa kaniya.

Iginala ko ang mga mata ko pero walang ibang tao, si Natalie lang talaga ang nandito.

My Badass GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon