- Aizekiel's POV -
Kakatapos lang ng BOTB at nagli-ligpit kami ng mga equipment nang may tumawag ng pangalan ko.
"Aizekiel!" Lumingon ako kay Appol na siyang tumawag sa akin.
"Bakit?" Sabi ko sa kaniya nang makalapit na siya at ang kaniyang kasama sa akin.
"Sumama ka sa amin!" Bigla nila akong hinila sa kung saan man kami pupunta.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila pero hindi nila ako sinagot. Mas binilisan lang nila ang pagtakbo hanggang sa makarating kami sa mga booth.
Dinala nila ako sa Handcuff Booth at nilagyan ang isa kong wrist ng posas.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanila at bigla nilang hinila ang isang babae na tinutulak ng kaniyang mga kaibigan at pinosas siya sa kaliwang parte ng posas na kinabit sa akin.
"Ok. Isang oras yan ah. Sige, enjoy! ^_^" Sabi ni Appol sa amin at bigla nang umalis bago pa man ako makapagtanong ulit sa kaniya.
Ang Handcuff Booth ay isa sa madalas na ginagawa ng mga students kapag gusto nilang makapag-spend ng time sa isang tao, kadalasan ay ang mga tao na gusto nila. Babayaran ng isa ang booth at ipoposas ang gusto nilang makasama sa kabilang parte ng posas na kanilang suot-suot.
Kapag hindi pumayag ang isang tao na gusto niyang maka-sama ay kailangan mag-bayad ng fine at may ipapagawa sa kaniya na nakakahiyang bagay sa harap ng madaming tao. Kadalasan ay vini-videohan pa nila ito o pini-picturan at ipo-post sa web page ng school para makita ng lahat ng students.
Mas pipiliin ko sana na mapahiya na lang kaso bigla nang umalis sila Appol eh. Hindi ko na masasabi na ayoko mag-suot ng posas kasama ang isang tao na hindi ko naman kilala.
Nag-simula na lang kaming mag-lakad at napansin ko na pinagti-tinginan at pinaguusapan kami ng mga tao.
"Hay nako.." Bulong ko sa aking sarili habang nagbu-buntong hininga.
"Sorry ah. Ang kulit kasi ng mga kaibigan ko eh." Sabi sa akin ng babaeng kasama ko.
"Ha? Hindi, ok lang." Sagot ko sa kaniya. Nag-aalala lang ako. Baka makita kami ni Cossette at magalit yun. Siguradong kawawa itong babaeng kasama ko.
Nasan na nga ba yun? Kanina ko pa hindi nakikita yun ah. Simula nung matapos yung pagpe-perform nila ay hindi ko na siya nakita. Hindi ko tuloy natanong sa kaniya kung bakit ganun yung titig niya sa akin kanina.
Naging tahimik kami nung babae hanggang sa mapadpad kami sa School Garden. Umupo kami sa isang bench para makapag-pahinga naman. Kanina pa kami naglalakad eh.
"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya para hindi na kami maging awkward. Kanina ko pa kasi napapansin na medyo naiilang siya sa akin.
"Natalie Finnegan ng section Honesty." Sagot niya habang nakikipag-hand shake sa akin. Pagka-tapos nun ay naging komportable na kami sa isa't-isa, nakapag-kwentuhan din kami ng matagal-tagal.
"Tara, kain tayo. ^_^" Paga-aya niya sa akin nang tanggalin na nila ang posas sa aming mga kamay.
Pumayag ako dahil gutom na din naman ako, saka masaya naman siya ka-kwentuhan eh. Hindi ko nga namalayan na sumobra na pala kami ng isang oras nang naka-posas.
- Cossette's POV -
Ano kaya yung naisip niya nung tinititigan ko siya kanina?
"Retreat!" Sigaw nung leader nung kalaban namin pero tuloy-tuloy pa din ako sa pag-sapak sa katapat ko. Tumatakbo na yung iba naming kalaban palayo.
Tss. Bakit ba kasi ako kumanta?
"Cossette! Pakawalan mo na yan!" Pagu-utos sa akin ng leader namin sa mission na ito.
Pag nag-retreat na kasi ang mga kalaban ay kailangan na namin tumigil sa pakikipag-away. Hindi din namin sila pwedeng habulin dahil simbolo nito ng pag-surrender nila.
"Tss." Sabi ko at sumuntok ng isa pang beses sa katapat ko bago ko pa siya pakawalan nang tuluyan.
Hindi ko na tinapos ang School Festival namin, pinatawag kasi kami ng Clan Leader namin dahil may magaganap daw na Clan War.
Sumali ako para malabas ko tong tension na nararamdaman ko ngayon.
Kaya ako sumasali sa mga Clan, dahil malaya akong manakit at makipag-away ng tao na hindi kinakailangan panagutan ang ginawa ko. Dito ko binubuhos ang lahat ng galit na iniipon ko.
"Wooo! Iba ka talaga Cossette!" Sabi ni Leo habang papalapit sa akin.
"Sige, subukan mong lumapit sa akin. Sasapakin kita." Tumigil siya sa harapan ko at nag-smirk.
"Kaya gusto kita eh!" Sagot niya sa akin habang tumatawa.
Tss. Lakas ng loob.
Si Leo ay ka-clanmate ko. Wala akong alam tungkol sa kaniya, at wala akong pake.
Alam ko naman ang gagawin niya kaya ayokong lumalapit siya sa akin. Hahawakan lang niya ang kamay ko at hahalikan eto, para daw mawala yung sakit. Lagi niyang ginagawa yan pagka-tapos ng mga clan war namin. Lagi kasi akong nagkakapasa sa kamay ko dahil sa tindi ng pakikipagsapakan ko. Pati daw sarili kong mga kamay ay nasasaktan ko dahil sa sobrang lakas ng mga binibigay kong sapak.
"Balitaan niyo na lang ako." Sabi ko sa kanila at nauna nang umalis.
Dumaan ako sa isang Convenience Store para bumili ng sigarilyo.
Tumayo muna ako sa labas at kumuha ng isang stick nang makabili na ako.
"Ano bang kailangan mo?" Sabi ko sa lalake na kakalabas lang ng Convenience Store habang seryoso pa din sa pag-sindi ng sigarilyo ko.
"Ang galing mo naman." Sagot niya sa akin na parang namamangha. Kanina pa kasi niya ako sinusundan. Hindi ko lang pinapansin.
"Kung mangho-holdap ka, wag kang umasang may makukuha ka sa akin. Unang-una, wala akong pera. Pangalawa, masasaktan ka lang." Sabi ko sa kaniya at pinitik na palayo ang sigarilyo ko.
Nag-simula na akong mag-lakad palayo habang sinusundan pa din ako nung lalake.
"Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong niya sa akin.
"Dapat ba kitang maalala?" Sagot ko sa kaniya. Hindi ko naman siya kilala eh.
"Hindi ka pa din nagbabago." Medyo natatawa niyang sabi sa akin.
"Hmmm... Cossette, ang ganda ng name pero ang violent ng ugali." Napa-tigil ako sa paglalakad. Kilala niya ako?
Lumingon ako sa kaniya para tanungin siya.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nag-smirk siya. Tss. Ayoko ng mga ganitong klase ng tao, masyadong mapag-laro.
"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Tanong niya sa akin habang naka-smirk pa din. Tinitigan ko lang siya at sinubukang alalahanin kung sino ba siya.
Nang mapansin niya na hindi ko talaga siya maalala ay sinagot niya ang kaniyang tanong.
"I'm Travis Lockwood, yung pinag-planking mo dati." Pagka-sabi niya nun ay biglang nagbago ang pakiramdam ko sa kaniya, parang may iba.
"Anong kailangan mo? Bakit mo ba ako sinusundan?" Sabi ko sa kaniya habang tinititigan siya ng masama. Unti-unti nang lumalabas ang galit ko sa kaniya.
"Importante pa ba yun?" Sabi niya sa akin ng para bang wala lang.
"Kamusta na nga pala kayo ni Aizekiel? Still going strong?" Hindi ko alam pero pagka-sabi niya nun ay mas nagalit ako sa kaniya.
Mas tinitigan ko lang siya ng masama, pero mas natuwa pa siya.

BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomanceA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...