Mabilis na natapos ang first week ng klase. Normal days lang naman at nag aadjust pa ang iilang studyante sa panibagong environment nila sa paaralan.
"Monday na ulit, last week lang nag simula yung pasukan natin, tinatamad nako agad!" – sabi ni Lora. Schoolmate naming siya nina Remi at Arianne sa grade school at madalas na nakakasabay ko nitong nakaraang araw.
"Lora naman. Wag mo nga akong pinaparinigan madadamay ako." – sabi ko. Nakakatamad nga naman kasi! Nakakapagod din, pero aaminin kong masaya kasama yung mga bago kong kaklase.
"Crest, ang plastic mo! Sino bang mas tamad sa'tin? Umayos ka nga. Punta na nga lang tayo ng canteen, break time naman e." – Lora.
"Diyan ka magaling. Sa kain. Di naman tumataba, tapos dinadamay mo ko palibhasa ako lang tumataba sa'tin!" – sabi ko.
"Saan punta niyo? Sama ako. Hihi" – Arianne. Eto pa isang babae na kung makadikit naman parang koala.
"Canteen. Kakain!" – Lora.
"Teka, Remi! Tara, kain daw." – Arianne.
Mabilis namang napatayo sa kinauupuan si Remi. Hays. Di talaga tumatanggi tong mga to pag usapang pagkain eh. [A/N: Akala mo naman siya tumatanggi, matakaw ka rin naman! HAHAHAHA] Ingay mo, Author. Shh ka lang.
Nang makarating kami sa Canteen, may napansin akong bagong mukha. Dayo ba to? Bat parang may halong foreigner. Parang di ko naman siya napansin nung first day ah? Hmm. Bahala na nga.
"Crest! Samahan mo naman ako oh. Gala tayo sa SPA, gusto ko dalawin mga kaklase ko nung elementary. Kilala mo naman sina Rein at Tina diba? Tara na!" – Lora.
*BELL RINGS*
"Lora, time na! next time mo nalang sila dalawin di naman sila mawawala. Hahaha tara na, balik na tayo sa classroom!" – sabi ko. Ewan ko ba, di ko feel gumala doon. Nakakahiya naman kasi wala akong kakilala doon e.
"Osige na nga. Wrong timing naman oh!" – Lora.
*CLASSROOM
Ang bilis ng oras! Kakatapos lang ng Math subject class namin, sumasakit ulo ko sa Algebra. Parang wala namang pumasok sa utak ko hahaha. Katabi ko nga pala sa upuan si Remi. Eh sa pareho kaming matangkad kaya dito kami pinaupo ng adviser namin. Nasa window side ako, kitang kita dito mga dumadaan na studyante. Grabe, di ko inakalang nasa High School na ako, iilang taon nalang natitira at paniguradong tutuntong na kami ng kolehiyo.
"HOY BABAE! Kanina pa ko salita ng salita dito, masyado ka naman atang seryosong nakatingin diyan sa labas. Naku nag dedaydream siya!" – sabi ni Arianne habang nakaturo sakin yung kamay.
"Ano ba, Arianne. Nakakagulat ka naman e!" sabi ko.
"Nako, kanina pa siya diyan mula nung umalis si Maam Fuentes." – Remi
"Guys! Announcement! Punta daw tayo ng faculty ni Sir Mathias, may ipapagawa daw sa atin. And doon na rin daw siya magdidiscuss!" – ani ng kaklase naming si Nikolai.
Agad naman naming inayos ang gamit namin at kinuha ang notebook at papel na gagamitin para sa last subject naming English at tinungo ang faculty room ng English teachers na malapit sa classrooms ng 4th year students.
Pagkarating naming sa faculty room, sinabihang lang kami ng teacher namin na may papanuorin kaming movie. Ititake note daw namin yung mga importanteng scenes at gawan ng summary. At pagkatapos ay ipapasa namin sa kanya sa susunod na araw. Nasa kalagitnaan na kami ng story at seryosong nanunuod nang inihinto ni Sir Mathias ang movie at sinabing malapit na maubos ang oras at mag-uuwian na.
*BELL RINGS* UWIAN NA!
"Crest! Tara! Nako siksikan nanaman sa gate nito bilisan mo na marami nang student malapit sa gate! Kailangan pa natin kunin bag natin sa room. Bilis na!" – nagmamadaling sabi ni Arianne.
![](https://img.wattpad.com/cover/271821066-288-k41710.jpg)
BINABASA MO ANG
DEAR First love,
RomanceUnexpected. Everything was unexpected. Crest, a simple girl who thought that it was just a normal feeling, a dream, and an imagination that would fade away, not until she realized that her feelings for her crush went deep that even she couldn't stop...