DEAR FIRST LOVE, CHAPTER 6

26 21 0
                                        

T'NALAK FESTIVAL DAY!

No class! Pero maaga akong nagising, kasi naman! Si Lora, nagpapasama nanaman sakin. Gala daw kami ng Koronadal City kasi doon gaganapin ang event. Maaga palang nasa terminal na kami ng bus papuntang City para maabutan namin ang parade. Feeling ko mangingitim nako sa pagkakataong ito, sobrang init ba naman! Di ko ata kakayanin to. Tama pa ba to? Buti sana kung makikita ko si Arius doon kasi taga Koronadal sila.

After 30 minutes, nakarating na kami ng Koronadal City, at talaga naman sobra ang init na ito. Nagmamadali kami maglakad ni Lora papunta sa daan na gaganapan ng Street Dancing Competition. Ang daming tao at malayo-layo pa ang lalakarin namin dahil pinasara ang daan na pagdadausan ng event. 

"Lora! Bilisan mo naman, sobrang init na!" - sabi ko

"Oo na! Teka lang muna, ang daming tao kasi!" - Lora

Hinila ko na lamang si Lora at hinawakan ang kamay hanggang sa makarating kami malapit sa mga sumasayaw at sa may lilim na parte ng pagpupwestohan namin. 

Di nagtagal ay nakita na namin ang representatives ng school namin. Grabe talaga ang galing magturo ni kuya Richard. Siya lang naman ang professional at nag iisang trainer ng skwelahan namin pagdating sa mga ganitong klase ng paligsahan. Sa galing at talento niya paniguradong panalo lagi ang mga hinahandle niyang event.

"Ang ganda ng sayaw nila. huhu nakakaproud!" - sabi ko

"Oo nga eh. iniimagine ko palang na hawak ko yung mga props na dala nila feeling ko matutumba nako hahaha" - natatawang sabi ni Lora

"Hahaha baliw ka! Haynako tara na nga punta na tayo ng sports complex! Doon nalang natin sila antayin. Saka kailangan pa natin maghanap ng pwedeng tambayan." - sabi ko

Habang naglalakad kami papunta ng sports complex, namomroblema na kami ni Lora kung saan tatambay kasi masyadong maraming tao. Good thing nalang at sinabihan pala tong si Lora ng ate niya na pumunta sa tent daw kung saan tatambay ang mga dancers after ng Street dancing dahil kasali pala ito sa sayaw. Nung nakita namin ang tent ng dancers namin agad naman kaming pumunta doon at tumambay muna kasabay ng iilang teachers. Nakita din namin ang adviser namin na si Mrs. Salazar at nakipagchikahan nalang kami sa kanya.

"Saan ba kayo nanggaling? Dito na muna kayo. Bantayan niyo yung mga gamit ng dancers natin mga anak, maya-maya pa ay darating din sila." - Mrs. Salazar

"Buti nalang kamo naka suot ng tsinelas yung mga studyante natin. May ibang school kasi na nakayapak lang at karamihan sa kanila ay nahilo na dahil sa sobrang init." - narinig kong sabi ni Ms. Vargas

"Grabe naman bat naman ginawa yun sa kanila. Pagkarating dito paniguradong lantang gulay na sila" - sabi ko.

"Naku sinabi mo pa!" - Lora

After 1 hour ...

"Creeeessst!! Loraaaa!!" - sigaw ng babae sa di kalayuan. Si Ate Asra yun ah. Kasali nga pala siya. Nakarating na pala sila.

"Ate Asra! Hala siya yung make up mo wala na! Hahaha" - pabiro kong sabi

"Oo nga eh. Ehem! Alam mo bang nandito si Arius kasama mga pinsan niya? Andito kasi yung tito nila sumabay ata sila" - pang-aasar niya.

"Naku! May kikiligin. Oh ayan na si Cy! Break na ata sila ni Dina eh. hahaha" - natatawang sabi ni Lora

"Narinig ko yun, Lora! Hays, buti kamo naghiwalay na. Wag mo nga mabanggit ang pangalan ng babaeng yan" - Cyril. Bitter yan eh. hahaha

Oo nga pala, kasali sa musician tong si Cyril at itong kasama niya na hindi ko naman kilala. Habang nagpapahinga naman sila Ate Asra, andito naman kami sa tabi nila na nakikichika lang din sa kanila. Maya-maya pa tinawag na sila para makapaghanda kasi malapit na sila mag perform habang kami naman ni Lora ang nakabantay sa gamit nila. 

Kasalukuyang nag peperform sila Ate Asra habang kami ni Lora ay nakahiga. Sobrang init talaga! Ang tagal pa naman nilang matapos kasi almost 6mins din yung performance. 

"Crest!! Bangon diyan! Bilis! Andyan si Arius!" - pabulong na sabi ni Lora habang hinahatak ako paupo. Jusko naman! Nakakahiya naman kasi kung titingnan ko si Arius!

"Haaays! Ang gwapo teh! hahaha" sabi ko sabay higa ulit.

Kakatapos lang ng sayaw nila Ate Asra at kasabayan niya naglalakad pabalik yung classmates niya na sina Ate Lash at Kuya Moses. Napansin ko naman na nakatingin si Arius kay Ate Lash, tapos parang tinutukso pa siya ng mga pinsan niya. Hays alam na. Wala naman akong laban kay Ate Lash kasi ang ganda niya.

"Nakabusangot ka diyan, Crest?" - nag-aalalang tanong ni Ate Asra sabay tingin sa tinititigan ko. 

"Naku po. Si Arius nanaman, ang balita ko kasi Crush niya si Lash eh. Okay lang yan, Crest! Di siya type ni Lash hahaha" - pangungumbinsi ni Ate Asra sakin habang nakangiti. 

Ano bang nangyayari sakin. Di naman ako dapat ganito. Nakakalungkot kasi makita na sa iba nakatingin yung crush mo. Dati naman nung may crush ako sa kuya ng childhood bestfriend ko hindi naman ganito epekto sakin e. Ngayon lang talaga, hayuf na Arius yan. Ginagawang abnormal tong mga kinikilos ko. Hays mali to.

====

KINABUKASAN

Another day, another boring days! Bakit boring? Kasi halos wala nang natirang students sa school. Karamihan kasi sa studyante eh kasali sa sayaw nung T'nalak Fest. Andfor the record! CHAMPION PO ANG SCHOOL NAMIN HEHEHE! Bilang reward naman sa mga kasali, pinagpahinga sila ng Principal at sila lang ang excuse sa klase. Kami? Hindi, kaya ang nangyari nakatambay lang kami dito sa classroom kasi halos lahat ng subject teachers namin hindi pumasok gawa ng lahat sila ang nagbabantay sa mga dancers at nag-aasikaso kahapon. 

"Crest! May itatanong ako, bakit ang tahimik mo?" - Lora.

"Ikaw Lora, bakit ba ang daldal mo? hahaha" - pabirong sabi ko. Kasi naman, alam niya naman kung bakit. Bukod sa nangitim nga ako, eh naiisip ko parin kung papaano pipigilan tong sarili ko sa pag-iisip kay Arius at sa nakita ko. Mali to eh, ang dami ko nang nalalaman sa kanya. Curiousity kills the cat ika nga.

"Tao po! Andyan ba sila Lora?" - nakasilip na saad ni Cyril. Ano ba naman tong isang to, aga-aga nanggugulo! Kasama niya nanaman yung lalaki na panay tingin sakin kahapon. Hanggang dito ba naman nakabuntot yan kay Cyril.

"Yes! Anong kailangan mo at napadpad ka dito? Kasama mo pa talaga si Mikel ah! Manggugulo nanaman ba kayo? - naiinis na sabi ni Lora. 

Nakita ko namang binubulungan ni Cyril si Lora habang nakatingin sakin. Bahala sila, busy ako makinig sa chismis ni Arianne kasi nakita nga daw niya yung crush nya at nakasalubong nung papasok siya ng school kanina at kilig na kilig na siya ngayon hahaha. 

Inaasar naman namin siya ni Remi na buti napalingon sa kanya yung crush niya, ang problema nga lang hindi man lang siya napansin kasi may tinatawag palang iba na akala niya siya yun. hahaha

"Crest! Halika nga rito may ipapakilala ako sayo." - sabi ni Lora.

"Huh? Sino?" - sabi ko at lumapit sa kanya.

"Crest, si Mikel nga pala. Kasama ko siya kahapon. Gusto raw makipag friends sayo :)" - Cyril

"Ahhh, H-hi! Mikel nga pala *sabay abot ng kamay* Pwede makipag-friend?" - Mikel.

"Ahh, okay. *abot ng kamay* Sige pasok na ako ah?" - nagmamadaling sabi ko. 

Di ko alam ah, pero nabubwisit ako sa pagmumukha niya although friendly naman siya. Ang alam ko first year din siya. Kaklase ata to ni Arius sa major eh, nakita ko kasi silang naglalakad na may dalang guitar nung nakaraang araw. 

DEAR First love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon