1 week nalang, T'nalak Festival na. Wala na talagang maayos na klase ngayon kasi tuloy-tuloy na rin ang pagpupukpok ng drums ng mga musicians para sa sayaw. Iilan naman sa kaklase namin ang kasali sa sayaw. Oo nga pala, si Dina tuluyan na ngang lumipat ng SPA kasi bago pa man ang Prelims ay kailangan na niyang makalipat ng section. Ang alam ko naman, sila parin ni Cyril, pero malabo na. Syempre, sa kalandian niya ba naman. Natatawa nalang kami ni Lora kasi kami pinagsusumbungan ni Cyril hahaha.
*Beep* 1 Message Received
"Crest! Nakakainis tong si Dina, napakasinungaling. Kung alam ko lang edi sana matagal ko nang hiniwalayan to. Lumipat lang ng section, naging malandi na. Feeling niya naman lahat ng lalaki nagkakagusto sa kanya." – reklamo ni Cyril sa text.
Inaantay nalang ata ni Cy na hiwalayan siya e. Kakatext niya samin pati tuloy kami ni Lora pinagseselosan at kung anu-anong chismis na pinagkakalat ni Dina sa mga classmates niya.
Plastik talaga, di nako nagtataka sa babaeng yun, nakaaway ko nga dati eh. Ngayon pa ba? Pikon naman palagi yun kapag inaasar namin, kaya siguro lumipat ng section kasi di nakayanan yung mga pang-aasar namin sa kanya.
"Akalain mo nga naman, yung babaeng yun dinamay pa tayo sa kalokohan niya. Crest! Samahan mo nga ako, sugurin natin si Dina, kung anu-anong chismis pinagkakalat nakaabot na sa 2nd year SPA, lalong-lalo na dun sa crush mo!" - inis na sabi ni Lora.
Bwisit naman oh, nananahimik ako dito, plano pa atang sirain sa lahat kahit wala naman akong ginawang mali sa kanya. Pinagkalat ba naman na nilalandi namin si Cyril at inaagaw sa kanya. Text ko nga tong jowa niya.
"Cy! Pagsabihan mo yan si Dina. Kung anu-anong chismis pinagkakalat, dinamay pa kami ni Lora! Hindi ka naman namin nilandi, ang gaga ng jowa mo. Hinihila nako ni Lora papunta sa classroom nila!"
*Message Sent*
Gigil na naglalakad si Lora habang hinihila yung kamay ko papunta sa SPA building para kausapin si Dina habang nakasunod naman sa likod namin si sina Remi at Arianne. Buti nalang talaga busy ang mga teacher's, at vacant time naman namin.
Pagkarating namin sa tapat ng classroom nila, nakita ko si Arius. "Ang cute talaga niya, hihi!" – sabi ko saking isipan. Di ko maiwasan na hindi mapatingin sa kanya nang biglang lumabas si Dina at hinawakan si Arius sa braso at nagpapacute. Ang landi talaga!
"Ariuuuus! Tulungan mo kasi kami sa loob, kanina ka pa tinatawag nila Renzel!" - malanding sabi ni Dina at pasulyap na nakatingin sakin "Andyan pala kayo :)"-dagdag niya.
"Ano ba, Dina! Makahawak ka naman!" - inis na sabi ni Arius sabay tabig sa nakapulupot na kamay ni Dina sa mga braso niya.
"Pinagkakalat mo? Lakas ng loob mo ah. Bat di mo itanong sa jowa mo yung totoo? Alam mo bang galit na galit siya dahil sa pinaggagawa mo? Gaga ka." – deretsahang tanong ni Lora kay Dina.
Pigil tawa naman kami nila Arianne, hahaha. Hindi inasahan ni Dina yung pagprangka sa kanya. Alam na alam naming hindi niya kaya sagutin si Lora dahil sa talas ng dila nito. Poor, Dina. Ginalit pa kasi yung taong nananahimik e.
"Huh? Di kita maintindihan, Lora. Okay ka lang ba?" - pag dideny ni Dina. Plastic talaga!
"Di mo maintindihan? Tanga ka nga. Ay sorry :)" – pasimpleng sabi ko habang nakamasid sa ibang studyante na dumadaan sa harap namin. Pigil na napatawa sina Arius ang iba pang kasama niya.
"Excuse me! Padaan po." - sabi ng babae. 2nd year ata to eh.
"Dina! Ano ka ba naman, nakakahiya! Ano bang pinagkakalat mo? Di naman ako nilandi nila Lora, ikaw nga diyan eh." – sita ni Cyril kay Dina na nagpatigil naman dun sa 2nd year student sa paglalakad.
"Uy, Cyril! Jowa mo ba to? Nabalitaan ko nga may kumalat na issue na may lumalandi daw sa bf niya, kayo ba yung tinutukoy niya? *turo samin* Totoo ba? By the way, I'm Asra. Bestfriend ni Cyril" – pagpapakilala ni Ate Asra sa amin.
"Hi! Lora here, eto naman si Crest *turo sakin* tapos sina Arianne at Remi *turo niya kila Remi.* Etong si Crest at ako pinagkakalat ng babaeng yan." – paliwanag ni Lora kay Ate Asra.
"Nakakairita nga e haha kahit itanong mo sa mga kaklase mo diyan na mga kaibigan ko kung sino ako, talagang pagtatawanan ka! Nakakahiya ka. Dinamay mo pa si Crest eh may jowa na yan haynako" – dagdag ni Lora habang kausap si Dina.
"Haynako, hayaan niyo na si Dina. Tara sa Canteen samahan niyo nga ko! Nagugutom ako. Tara na dali mga baby ko." - hila samin palayo ni Ate Asra. Inis na inis naman si Dina kasi di man lang siya nakapag salita. Hahaha agad namang sumunod si Cyril kasabay nina Arianne sa amin.
"Hoy, Cy! Nakakahiya yung jowa mo di naman kagandahan, feeling pa! Bakit mo ba jinowa yun?" – prangkang sabi ni Ate Asra kay Cyril.
"Hahahaha" - tawa naming lahat.
"Magkakasundo tayo, Ate! Bwisit talaga yung babaeng yun dinamay pa kami sa kalandian niya. Pati ba naman si Crest! alam niya kasing may jowa to tapos dinamay pa. Lagot ka sa jowa mo, Crest! Nakita ko yung pinsan niya na nakatingin sa atin kanina, lalo na sayo! Nakuu, panay tingin ka pa naman sa crush mo!" - sabi ni Lora. Ang daldal niya! Lupa lamunin mo na ako.
"Teka! Sandali! Sinong crush mo, Crest? Sino naman jowa mo?" - Ate Asra. Sinasabi ko na nga ba.
"Si Arius" – sabay-sabay na sabi nina Arianne, Lora at Remi.
"Jowa niya si Miggy Cardinal" - Lora
"Ano baaa! Nakakahiya!" - sabi ko habang nagtatago sa likod ni Remi.
"Miggy? Kachat ko yan ah! Jowa mo pala siya? di niya sinabi yan sakin, madalas ko siya nakakausap. Nakakapanghinala nga e, pakiramdam ko kasi nakamasid siya, hehe. Yiiiee! Cute nga ni Arius, Crush mo pala siya? Ako magbabantay sa kanya for you" – mahabang sabi ni Ate Asra.
"Sabihan mo nga si Miggy na makipagkita na! Umuwi na kamo. Nanghihinala nako" – atat na sabi ni Lora.
*Beep* 1 Message Received
"Nakita ka raw ni Elijah kanina na nakikipag-away. Ok ka lng ba? Napansin nya rin na nakatitig ka doon sa isang lalaki, sino ba yun? Crush mo?" - Miggy
Replied: "Ah oo. Si Dina kasi pinagkalat na inaagaw namin jowa nya sa kanya. Hehe crush lang naman po e. Hanggang doon lang saka malayo ka e. Pakita ka na kasi"
*Beep* 1 Message Received
"Ahh, crush pla. okay sige" – Miggy
Replied: "Nagseselos ka?"
*Beep* 1 Message Received
"Bakit naman? Sabi mo crush lang eh haha" – Miggy
Sige lang. Magselos ka pa, makikita at makikilala ko rin kung sino ka talaga. Bakit ba ang lakas ng kutob ko na si Elijah tong kausap ko. Nakakainis, bakit kinailangan pa niya magtago.
Si Arius bat feeling ko biglang naging masungit nung narinig na may jowa ako. Ang assuming ko naman! Crush lang naman kasi. Di ko naman maaabot yun, di naman ako maganda e, hindi rin ako magugustuhan ng lalaking yon haha.
BINABASA MO ANG
DEAR First love,
RomanceUnexpected. Everything was unexpected. Crest, a simple girl who thought that it was just a normal feeling, a dream, and an imagination that would fade away, not until she realized that her feelings for her crush went deep that even she couldn't stop...