DEAR FIRST LOVE, CHAPTER 12

24 18 1
                                    

Kakatapos lang namin maglinis ng buong paligid at ng assigned area namin at agad naman kaming pinapasok ni Mrs. Salazar sa loob ng classroom dahil magsisimula na ang klase. Habang nag didiscuss si maam, nakatulala lang kami at pilit na intindihin yung discussions niya, pero hindi maitatago ang pagiging absent minded naming lahat dahil nahihirapan kaming intindihin ng maigi yung topics. 

"Halatang wala kayong maintindihan sa discussions ah. Don't take it seriously, class. Baka mabaliw kayo sa pag-intindi. I'll explain it to you as clear as I can para hindi kayo mahirapan. Listen okay?" - Mrs. Salazar

"Yes, maam!" - class said in chorus

Pagkatapos ay muling nagpatuloy sa pagtuturo si Maam. Bigla namang tumunog ang phone ko hudyat na may natanggap akong text. Dahan-dahan ko itong inilabas at sinilip kung sino ang nag text.

*Beep* 1 Message Received

"Crest, anong oras vacant time niyo? Miss ko na kayo ni Lora. Gala naman kayo dito pls! :(" -  Ate Asra.

Replied: "Ask ko mamaya si Lora, Ate. Text kita ulit, may class pa kami" - panandaliang reply ko at inilagay muli sa bulsa ang phone, at nakinig sa discussions habang nagsusulat ng mga important infos ni maam.

*BELL RINGS* RECESS

"Lora, nagtext si ate Asra, kailan daw ba tayo vacant, gala daw tayo sa kanya, namimiss na tayo eh" - saad ko.

"Lunch time nalang, mahirap na baka ma late tayo sa next subject natin, mapagalitan pa tayo." - Lora. Agad ko namang tinext si Ate Asra na mamayang lunch time namin siya mapupuntahan na ikinatuwa naman niya.

"Crest! May naghahanap sayo." - Gelo

"Sino daw? Asan? - tanong ko. Nakita ko naman yung classmate ni Elijah sa labas saka ko siya nilapitan agad.

"Ano yun? Bakit?" - tanong ko. 

"A-ahh tawag ka ni Elijah. Ayun siya oh *turo sa direksyon ni Elijah*" - sabi niya

"Ahh sige. Tara puntahan natin" - sabi ko. Nang makalapit nako sa kinatatayuan niya, pansin kong uneasy siya. Hmm, bat parang takot to.

"Bakit? Anong kailangan mo?" - iritableng sabi ko

"A-ahh, ano. Picture ni Miggy. Gusto mo raw siya makita eh diba?" - utal na sabi niya.

"Malabo naman to eh. Sigurado kang siya to, o baka naman kaharap ko na pala di ko lang alam?" - sarkastikong pagkakasabi ko. "Di ko kailangan ng picture, Elijah. Kung totoo siya, magpakita siya. Pinagselosan niya pa si Arius, wala naman siyang magawa para patunayan yung pagkatao niya. Haynako!" - dagdag ko at nagmadaling umalis. Naiinis na kasi ako. Nagmumukha nakong tanga dahil sa mga palusot niya eh.

Konting pilit pa, Crest! Lalabas din ang totoong pagkatao niya. Alam ko at ramdam ko kung gaano ako ka mahal ni Miggy pero hindi ko kayang hayaan na mabuo ang pagmamahal ng isang tao sa pamamagitan ng panloloko. Hindi naman ata tama yun.

====

*LUNCH TIME*

After kong kumain kasabay sina Carlo, agad naman namin tinungo ang canteen para bumili ng tubig. Sakto naman pagkabalik namin ng classroom, dumating na rin si Lora at agad ako niyaya na puntahan si Ate Asra sa classroom nila. 

Pagkarating namin sa SPA building, hindi ko inasahan na makikita ko si Arius na nakatayo sa labas ng classroom nila na paniguradong madadaanan namin papunta kina Ate Asra.

"ATE ASRAAA!" - sigaw namin ni Lora. Agad naman napatingin si Ate Asra sa amin at sinalubong kami ng yakap.

"Loraaa! Crest! Namiss ko kayo!" - saad niya habang yakap kami.

Bago pa man kami tuluyang hilahin ni Ate Asra ay napansin kong may nakatingin sa amin. Pagkalingon ko sa likod, nag tama ang mga mata namin ni Arius at nakita kong nagulat siya sa reactions namin. 

Nakakahiya to, wala akong ibang magawa kundi magmadaling umalis dahil sa sobrang hiya. Haay! Kinikilig ako na agad namang nawala nung nakita ko si Elijah sa hindi kalayuan. Bahala siya mag sumbong. Wala na akong pakialam, ang importante masaya akong makita si Arius.

"Wait lang, guys! Kunin ko lang wallet ko. Punta tayo ng canteen hehe" - saad ni Ate Asra at nagmadaling pumasok sa classroom nila. Bago pa man kami makalagpas ng classroom nina Arius ay binati niya agad ito.

"Hi Arius! Si Crest nga pala :)" - pakilala ni ate Asra sakin. BALIW TALAGA! 

"Hi :)" - bati ni Arius sakin. Shet, ang ganda ng boses niya.

"H-hello" - tipid na ngiti ko. "Ate Asra naman, tara na Ate!" - tulak ko sa kanila ni Lora, para makaalis na kami.

"Lora nga pala! Byeee!" - pahabol pa ni Lora. 

Pagkarating namin ng canteen, walang ibang ginawa ang dalawang baliw kundi pagtawanan ako. Sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan. 

"Kilala ka na niya. Konting konti nalang, baby girl. hahahaha. Thanks to me!" - proud na sabi ni Ate Asra.

Bigla namang sumulpot sina Ate Lash at nakiupo sa amin. Hindi naman siya namamansin eh, si Ate Asra lang pinapansin niya. Panay kwentuhan sila habang kami ni Lora naman ay nakikinig lang. Hindi ko alam pero ramdam ko na parang ayaw niya sakin tapos nabanggit din niya na naiinis daw siya kasi panay ang papansin ni Arius sa kanya na parang sinasadya niyang marinig ko. Nakita ko namang napapatingin sa akin si Ate Asra na may konting inis sa mga kinukwento ni Ate Lash. Alam din niya na crush ko si Arius kasi narinig niya kami kanina.

Imbes na bonding namin tong tatlo, sumingit na siya. Ngayon naman nagmamadali siyang umalis, hinihila niya pa si Ate Asra. Wala namang magawa si Ate Asra at sumama nalang. Nakakainis.

"Grabe, inubos niya yung oras. Bonding dapat natin yun eh. Okay ka lang, Crest? Bukambibig pa naman niya si Arius. Hayaan mo nalang" - Lora. 

Ano pa nga ba magagawa ko. Bahala siya, dun siya masaya edi pagbigyan mag yabang hahaha. Masaya parin naman ako kasi nag "Hi" si Arius sa akin. Hahaha kinikilig ako!

Buong maghapon akong good mood! Ganun pala yung feeling na mapansin ni Crush. Nakakakilig hahaha! Ultimo pang-aasar ng mga kaklase ko, hindi ko na pinapansin kasi naiisip ko parin yung simpleng "Hi" niya. Buti pa si Ate Asra, nagagawa niyang pansinin si Arius na parang wala lang. Nakikipagkulitan pa nga sina Arius sa kanila. 

"Crest! Si Arius!" - tarantang sabi ni Lora.

"Ha? Asan?" - hanap ko naman.

"HAHAHAHA! JOKE LANG! Masyado ka naman kasing lutang diyan, girl. Baka mabaliw ka na. Wala pa naman akong gamot para doon. hahaha" - natatawang saad ni Lora.

Lakas ng trip ng babaeng to. Oo nga pala, di ko nakwento yung pag-uusap namin ni Elijah.

"Lor, alam mo bang nagkausap kami ni Elijah kanina? May pinakita siyang picture sakin. Si Miggy daw yun pero parang hindi naman totoo"- saad ko.

"Eh kasi siya nga yon! Kailan ba aamin yan, Crest! hahaha" - sarkastikong saad ni Lora.

Di ko na alam, haha. Bakit ba kasi kinailangan pang magtago! Myghad. 

The more you hide the truth, the more you make it worst and will definitely end up hurting the one's you love.



DEAR First love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon