DEAR FIRST LOVE, CHAPTER 9

25 19 0
                                    

DAY 4 - Mr. & Ms. Intramurals 2011

Bago ko nga pala makalimutan, isa sa mga representatives ng freshmen si Yana. Ang galing niya rumampa. Ngayon ang araw ng Ms. Intramurals at halatang busy ang lahat. Inutusan naman kami ng adviser namin na ibenta ang mga Entrance Ticket para mamaya sa pageant. Bente pesos ang regular ticket at 50 pesos naman para sa VIP's. Mag-uumpisa ang event mamayang 6pm ng gabi na gaganapin sa Municipal Gym. 

"Crest! Dapat mga 4pm punta na tayo ng Municipal gym kasi paniguradong mabilis mapuno ito lalo na't inaabangan ng nakararami ang event. Ito pa naman ang highlight ng intrams natin" - sabi ni Arianne

"Sige, pero uwi muna ako para naman makapag-palit. Kailangan ko pang magpaalam kay papa, alam mo naman yun strikto. Kita nalang tayo sa doon. Ang alam ko nga pila sa entrance kapag ganun kaya dapat maaga tayo" - sabi ko naman.

Mabilis namang naubos ang ticket na binebenta namin at agad namin ibinalik ang pera sa adviser namin. Nagtungo kami sa School gym para tingnan ang kaganapan doon. Nagpaikot ikot na lang kami sa buong campus hanggang sa mapagod kami at mapagdesisyonan na umuwi na kasi halos wala nang studyante sa loob. 

====

Pagkalipas ng ilang oras ay papunta na nga ako ng Municipal gym dahil nag aantay na raw sila Arianne, Remi at Lora doon. Nagmadali naman akong lumapit sa entrance ng gym pagkarating ko at hinanap sila. Grabe, ang daming tao. Napadako naman ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng gym at nakita ko si Arius kasama ang mga kaklase niyang lalaki. 

"Haays, manunuod talaga siya lalo na at kasali ang crush niya sa pageant. Di bale na nga lang" - pabulong kong sabi habang hinahanap sila Arianne na sakto namang nasa tabi lang nila Arius. 

Pagminamalas ka nga naman, kasama pa nila Arius si Mikel na panay tingin nanaman sakin at feeling ko pinag-uusapan ako. Gago talaga yun. Nangungulit parin naman siya pero hindi ko na lang pinapansin masyado. 

"Arianne! Kanina pa ba kayo?" - lapit ko kina Arianne

"Hi Crest! Tabi tayo maya please" - Mikel. Nananadya talaga siya. Nakatingin si Arius sa amin eh. Nakakainis. 

"Haynako. Pwede ba, Mikel?" - inis na sabi ko.

"Crest!! Tabi ako sa inyo ha? Wala akong kasabay eh. Di ko naman mahagilap sina Janus eh. Oh, Mikel. Manggugulo ka nanaman! Siguraduhin mo lang na hindi mapipikon si Crest kung hindi malalagot ka sakin!" - sita ni Ate Arsa habang nakapulupot ang braso sakin.

"Yes, maam! Crest, sorry na kasi. Di ko naman sinasadya yun eh"- paawa ni Mikel.

Hinila naman ako nila Lora at Ate Arsa papuntang entrance dahil siksikan na nga at kailangan makapasok kami agad at makakuha ng magandang pwesto malapit sa stage kasi di hamak na mas malawak tong Municipal Gym kesa sa School Gym namin.

Nang makapasok kami ay agad namang naglakad ng mabilis papunta sa right side ng bleachers sina Arianne habang kami ni Ate Arsa ay nakasunod lang. Di ko naman inasahan na kasabay lang namin sina Arius na sumunod pala kay Mikel at umupo malapit sa amin. 

"Si Cyril yun ah. Mikel tawagin mo nga bilis!" -sabi ko 

"CYRIL! DITO KAYO!" - sigaw ni Mikel, buti naman at nakita agad kami ni Cyril kasama ang bestfriend niyang si Josh. Magkakatabi kaming lahat dito sa bleachers at nakaupo naman sa hindi kalayuan sina Arius. Dumami naman lalo ang mga tao, grabe ang bilis lang.

"Crest, si Elijah kanina pa nakatingin sayo. Naku ha, pahalata masyado. hahaha! Mikel, halika nga rito, sumiksik ka pa ng kaunti kay Crest. Bilis!" - pabulong na sabi ni Ate Asra sa amin ni Mikel.

"Ate Asra naman. Hayaan mo nga siya! Kita mo nangyari kay Mikel, nakangiting parang aso, haynako. Urong ka nga Mikel!" - inis na sabi ko.

Natigil naman kami sa bulungan ng biglang magsalita ang EMCEE na pinangungunahan ni Ms. Vargas at Mr. Bautista. 

"GOOD EVENING LADIES AND GENTLEMAN! We will start the program in any minute." - Mr. Bautista

"Please stand for the doxology to be followed by singing the Philippine National Anthem" - Ms. Vargas

Nagsitayuan naman ang lahat. Kasalukuyang nag peperform ang mga 3rd year SPA para sa doxology. Nanatiling nakatayo ang madla dahil sumunod naman ang pagkanta ng Lupang Hinirang. Nang matapos ang lahat ay agad namang nag siupuan ang mga tao.

"GOOD EVENING LADIES AND GENTLEMAN! WELCOME TO MR. & MISS INTRAMURALS 2011! - masiglang sabi ni Ms. Vargas at Mr. Bautista.

"ARE YOU ALL EXCITED TO WITNESS TONIGHT'S EVENT?!" - hiyaw ni Mr. Bautista kasabay ng pagsigawan ng mga students na tila sumang-ayon naman sa kanya.

"BUT BEFORE THAT, MAY WE CALL ON THE ATTENTION OF FRESHMEN'S! *sigawan namin* WHERE ARE THE SOPHOMORES! *hiyaw naman ng kabilang panig* HOW ABOUT THE JUNIORS! *mas lumakas ang sigawan, ang dami nila!* LAST BUT NOT THE LEAST, OUR SENIORS! *sila ang pinakamalakas dahil na rin sa drums nila* 

"Wow! You guys are very loud! Talaga namang excited na ang lahat na makita ang mga naggagandahan nating mga binibini, right Ms. Vargas?" - ani ni Mr. Bautista

"Oo nga, sir! Ano pa nga ba hinihintay natin. LET US ALL WELCOME THE GORGEOUS LADIES IN THEIR PRODUCTION NUMBER!" - Ms. Vargas

Wala akong ibang marinig kundi hiyawan ng bawat pangkat sa loob ng gym. Kahit naman kasi kami ay napapasigaw nung isa-isa nang naglabasan ang mga representative ng bawat pangkat. Ang gaganda nila. Nakita ko naman si Yana, at akalain mo nga naman oh. Sobrang ganda niya, lumalabas pa yung dimples niya habang nakangiti. 

May 4 types of attires yung pageant. Ang pagkakasunod naman ng mga ito ay mula sa Formal Attire, School Uniform, Sports Attire at panghuli ang Evening Gown. Nakakapagod din pala itong Intrams na to, nauubusan ako ng boses kakasigaw. Nawalan na rin ako ng pakialam sa paligid ko, Eto namang si Mikel nakikisigaw rin sa amin, nakakatawa nga kasi pag lumalabas na yung mga lalaki sumisigaw siya na parang bakla. 

"Anak ka ng tokwa naman, Mikel! Para ka namang bakla eh! hahaha" - natatawang sabi ko.

"Ano ba beshy! Ang pogi kasi nila ihhh" - malanding sabi niya na ikinatawa ko naman.

"Napatawa rin kita, Crest! hahaha grabe ang hirap mo palang patawanin!" - natatawang sabi niya.

Mabilis naman ang pangyayari. Napuno ng tawanan at sigawan ang grupo namin lalo na nung makapasok sa top 3 sina Yana at Jason. Sila kasi yung magkapartner, akalain mo nga naman. Ang galing kasi ng impact nila eh. Pati si Lyka nakapasok din, tatlo sa representative namin ang pasok sa top 3 kaya malaki ang chance namin na makapasok sa 2nd place para sa over-all standing. Muli naman akong napatingin sa kinauupuan nina Arius, busy ito sa panunuod. Hindi naman nakapasok sa Top 3 si Ate Lash eh. Top 5 lang. 

"Ohmyghaaaad! Ang pogiiiiiiiiii!" - hiyaw naman ni Mikel. Ang ingay niya talaga!

"Hahahaha, malandi ka!" - asar ko sa kanya.

Patuloy parin sa pagsigaw si Mikel hanggang sa mapagod na siya, kasi naman. Siya nalang yung may energy sa amin. Lahat kami pagod na at hinihintay na matapos na ang event. Nakakapagod kaya! 

Di nagtagal ay in-announce na ang nanalo. 2nd runner -up si Lyka at 1st runner-up naman si Yana at Jason. Yung mga nanalo naman ay nasa pangkat ng Seniors. Wala na tapos na ang event at isa isa na kami nag labasan. Nakakagutom! Naghanap naman kami ng makakain nina Lora at Ate Asra. Nakabuntot parin sina Mikel sa amin. Nauna naman nang umuwi si Arianne at Remi dahil sinundo na sila. Maya-maya pa ay dumating na si papa at umuwi na rin ako. Haaay! Nakakapagod naman. Pero nag enjoy ako ng sobra kasi 1st time kong maranasan ito! 

DEAR First love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon