DEAR FIRST LOVE, CHAPTER 17

14 11 1
                                    

Bilis naman ng araw oh! Monday na ulit ngayon.

Naglalakad ako papuntang classroom at na late pa ako kaya sa first gate na ako dumaan. Nakita ko naman si Arius sa labas ng classroom nila na naglilinis kasama ng mga classmates niya.

Nakita ko naman si Dina na kung makatingin sa'kin eh kulang nalang kainin ako. Ano bang problema ng babaeng to. Tapos palapit-lapit nanaman siya kina Arius hahaha parang tanga.

*BELL RINGS*

Wtf! Late na talaga ako, kailangan ko na magmadali baka maunahan pa ako ni Mrs. Salazar! Patakbo na akong pumunta sa classroom namin and good thing wala pa si Maam.

Sinalubong naman kaagad ako ng yakap ni Lora. Di halatang namiss ako ng loka ah. Hinila naman niya agad ako sa tabi niya at doon pinaupo. Oo nga pala, may changes na sa seating arrangement at katabi ko na si Lora ngayon. Si Remi naman nasa harap na katabi naman niya si Jaica.

"Crest! May chismis ako sayo!" – usisa ni Lora. Sinasabi ko na nga ba may panibagong chismis to eh.

"Ano ba yun, Lora?" – sabi ko.

"Tungkol kay Ariu--- Ay andyan na si Ma'am!" – putol ni Lora sa sasabihin niya.

"Good Morning, Class!" – Mrs. Salazar

"Maya nalang! Good Morning, Mrs. Salazar" – Lora.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya. Hindi rin naman nag discuss si Mrs. Salazar eh. Kinamusta niya lang yung mga sumali ng Camp at yung mga classmates kong naiwan ditto sa school at si Lora at Carlo ang hinihingian niya ng updates since sila naman yung mga in-charge sa cleaner's schedules at yung assigned areas. Pati attendance ni Ma'am sila din ang in-charge.

Sa mga kasali naman sa camp, si Arianne ang inatasan ni ma'am na mag check ng attendance namin at mag monitor kung sino active sa participation sa mga events at gawain na assigned sa amin nung nasa camp. Though kasama si maam, kinailangan parin niya ang tulong naming dahil busy rin siya sa pag assist sa mga student's needs nung nasa camp kami.

*BELL RINGS* RECESS

"Crest! Wala si Mrs. Belen, absent daw. Vacant din ni Ate Asra. Tara, punta tayo doon. Bilis na!" – Lora

"Lora naman, nagmamadali. Recess muna tayo" – sbi ko

Magkakasabay kami nila Arianne, Remi, Carlo, Sheira, Sheryl, Lora at Jaica na pumunta ng canteen para bumili ng makakain nang maisipan naman nila na ikutin yung buong gym namin since hindi naman ganoon kalawak pero madadaanan mo yung iilan sa mga classroom ng higher years, especially 4th year students kasi nga may crush daw sila doon.

Nakasalubong naman namin sila Arius habang naglalakad at talagang walang tigil sa pag sundot ng tagiliran ko si Jaica at Carlo. Jusko naman!

"Crest! Si Arius. Yiieee" – Jaica.

"Miss na miss yan ni Crest!" – asar nila Remi at Arianne.

"Ano ba guys! Tumigil nga kayo. Baka marinig pa kayo eh!" – nahihiyang sabi ko

"Hi Arius! Uy Riv!" – bati ni Lora sa kanila sabay ngisi sakin. Isa pa to eh. Lakas makaasar!

"Hello!/Hi" – sbi ni Arius at Riv daw, I think siya yung pinsan e.

"Uy, Lors! Sino yung kasama ni Arius?" – tanong ni Arianne

"Ah, si Riv. Pinsan niya yun eh. Nakilala ko lang yun nung nakaraan kasi sumabay sila na tumambay sa amin ni Ate Asra sa canteen" – paliwanag ni Lora

"Ahhh, cute siya. Hihi" – aktong kinikilig na sabi ni Arianne.

Naku po. Mukhang magkakagusto pa ata ang isang to kay Riv ah! Hahaha. Lakas naman kasi makahatak ng attention yung dalawang magpinsan na yun eh.

DEAR First love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon