DEAR FIRST LOVE, CHAPTER 16

18 11 2
                                    

Third day na namin sa camp, bukas uwian na! Pero bago ang lahat, gusto ko lang sabihin na ngayong araw gaganapin ang Mr. & Ms. Science Competition na iheheld naman sa gym, yung malaking gym nila. haha basta yun na yon! 

Hindi naman required na manuod kaming lahat, dun lang sa may gusto manuod ang mga pupunta sa gym. For sure, crowded doon at isa pa, hindi naman namin kabisado itong lugar kaya nakakatakot parin na pumunta.

May iilan naman sa mga students, especially higher years ang pinapunta kasabay ng iilang teachers para naman daw may support system ang candidates. Since, 1st year pa naman kami, okay lang na hindi na kami dumalo. Dito nalang daw kami sa classroom para may maiwan naman daw at hindi mawalan ng gamit. 

"Ano na kaya nangyayari doon no?" - Arianne

"Oo nga, sana naman manalo school natin no?" - Remi

"Anong oras na ba? Hala kailangan na rin natin mag ayos ng gamit, uuwi na tayo bukas" - sbi ko

Maigi na kasi yung maayos na namin mga gamit namin hanggat wala pa or hindi pa dumarating yung iba para hindi magulo at walang istorbo. Mas mapapabilis yung pag-aayos namin.

"Unahin na kaya natin ayusin yung mga gamit sa tent? Para naman bukas, yung tent nalang liligpitin natin diba? Yung mga hindi kailangan ligpitin na natin" - suggest ko

"Oo nga, mamaya niyan magkakagulo nanaman dito kasi nagdatingan na yung iba. Tara na!" - Arianne

Buti nalang may experience kami sa camping kahit papaano. Hindi naman kasi madali ligpitin yung tent na dala ko kasi malaki yun, mabigat din kaya mas better kapag inuna na namin ligpitin yung mga gamit namin, para kinabukasan mapagtulungan namin na ligpitin yung tent. 

May iilang gamit lang naman kami na kinuha sa tent tapos bumalik din sa classroom kasi doon naman nakalagay yung maleta namin, after nun isa-isa na naming inayos mga gamit namin lalo na yung mga marurumi. Kumuha nalang din kami ng susuotin naming damit pauwi bukas. 

*Beep* 1 Message Received

"Crest! Nakalimutan kong ibalita sayo, kasabayan namin sina Arius sa canteen kanina. Hahaha ang kulit ng crush mo dai!" - Lora

Replied: "Inggitin mo pa ako, Lora! hahaha nakakainis ka!" 

Nag reply naman ulit si Lora pero hindi ko nalang pinansin kasi busy pa ako sa pag-aayos ng gamit. Asar yun, buti pa siya. Wrong timing naman kasi eh!

====

Almost 9:00PM na nang matapos kami sa pag-aayos ng gamit at maisipan namin na tumambay muna sa labas ng classroom nina Arianne. Wala naman masyadong nangyari kaninang umaga at lunch time kasi busy sa pag aasikaso para sa competition. Nauna na nga umuwi yung mga kasali sa quiz bee eh. Hindi na kasi kakasya sa truck may mga dala pang gamit. 

Sana naman hindi na umulan bukas pag-uwi namin haha, for sure basang basa nanaman kami kung sakaling mangyari man yon. Excited pa naman ako makita si ano. 

"Ang bilis ng araw no? Bukas uwi na tayo, by monday back to normal days nanaman." - Arianne

"Oo nga eh. At least nag enjoy naman tayo dito." - Remi

"Sulitin nalang natin, for sure bukas busy nanaman tayo sa pag hahakot! hahaha" - Jaica

"Andyan na sila" - sbi ko

Andyan na kasi yung mga higher years, tapos na rin ata yung competition. Malamang, nag uwian na eh ano ba aasahan mo, Crest? hahaha

Halata namang nakuha ng school ang korona kasi habang naglalakad sila papalapit ngiting-ngiti eh! Kita mo naman sa facial expression nila na masaya sila sa naging resulta ng pageant. 

"Panalo ata? Ang saya nila eh" - Jaica

"Oo nga e" - me & Arianne

"Tara, tulog na tayo. hahaha inaantok na ko ano ba!" - Remi

"Hahahaha, basag trip ka naman Remi eh! Makikibalita pa tayo!" - Jaica

"Wag nyo ko sisisihin pag naunahan kayo sa pila sa C.R bukas ah! hahaha" - pangongonsensya ni Remi.

For sure, unahan nanaman bukas lalo na't uwian na! Nag unahan naman kami nila Remi pabalik ng tent at nagsitulog na. 

====

KINABUKASAN

4:00AM

"GISING NA!! BILISAN NA NATIN PARA MAKALIGO NA TAYO GUYS!!" - sigaw ni Jaica

Napakahyper talaga! Siya yung naunang nagising sa amin eh. Agad naman kami bumangon at nag madali papuntang C.R para makaligo na. 

Buti nalang konti palang yung pumipila. Magkakasunod naman kami nila Arianne at pagkatapos ay dumeretso na kami sa classroom para ilagay yung marurumi naming damit sa maleta kasabay ng iba pa naming gamit. 

Antok na antok parin ako. Nakatambay kami sa labas ng room habang nakaupo at nakapikit ang mata. Almost 5:30AM na nang magising kami nila Arianne para kumain ng breakfast. 

"After nito, ligpit na tayo." - Arianne

"Uwian na talaga!" - Remi

"Oo nga eh, mamayang after lunch daw tayo uuwi sabi ni Mrs. Salazar eh" - sbi ko

After namin kumain, niligpit na namin yung mga ginamit naming foam at mga unan sa loob ng tent, pagkatapos sinunod na naming ligpitin ang tent at isa-isang dinala sa classroom katabi ng mga gamit namin para hindi napupunta kung saan-saan.

"Crest, sama ka? Punta kaming tindahan, bibili ng biscuit na dadalhin mamaya pag uwi para naman may makain tayo sa byahe." - Arianne

"Sige, wait lang. Ayusin ko lang to" - sbi ko habang inaayos yung mga gamit ko at pinagtabi para hindi nako mahirapan sa pag bitbit mamaya.

====

Kasalukuyan na kaming naghahakot ng mga gamit sa truck at isa-isa na ring umaakyat ung mga students para makapwesto na.

Nakapwesto naman ako malapit sa mga pinaglagyan ng mga gamit at katabi ko si Arianne na nakaupo sa tabi ko. 

Hindi nagtagal ay nakatulog kami ni Arianne dahil sa sobrang pagod. Yung ibang students naman puro tawanan ang chismisan ang ginagawa na kahit anong pilit kong magising dahil sa ingay nila eh hindi ko magawa dahil sa antok.

====

"Crest, gising na. Malapit na tayo" - Arianne

"Napahaba ata tulog ko, kanina ka pa ba gising?" - tanong ko

"Kakagising ko lang din, sumakit kasi likod ko haha" - Arianne

Malapit na nga kami sa school. Doon kasi drop-off ng lahat eh. Friday naman ngayon kaya paniguradong may mga studyante pa rin sa school. 3PM palang naman at 4:30PM pa yung dismissal. 

"YEEES! FINALLY NAKARATING DIN!" - sigaw ni Jaica. Ang lakas ng boses ng babaeng to.

Isa-isa nang binaba ang mga gamit namin at kinuha naman namin at nilagay sa isang sulok saka tinulungan yung iba na maibaba yung gamit nila.

"Guys, di na ako papasok sa loob ah? Kayo nalang. Sobrang bigat kasi ng mga gamit ko eh." -sbi ko.

Kasabay ko naman sina Remi at Arianne na piniling umuwi nalang din dahil sa pagod. Nakapagpaalam na rin naman kami kay Mrs. Salazar at umokay naman siya. Halos lahat kasi sa amin, mas pinili na umuwi nalang dahil sa pagod at dami ng mga dala namin.

Sumakay naman ako ng tricycle pauwi sa amin. Magkakaiba kami ng route nila Arianne kaya hiwa-hiwalay kami ng sinakyang tricycle.

Pagkauwi ng bahay, sinalubong naman agad ako ni Papa at tinulungan sa mga gamit ko na dalhin papasok ng bahay.

"Manong, bayad po!" - saad ko sa tricycle driver.

"Salamat po, maam!" - saad niya at umalis na.

Pagkapasok ng bahay, humilata naman ako kaagad sa sofa. Di nagtagal, dinalaw na rin ulit ako ng antok. Haaay, grabe! Nakakapagod!

DEAR First love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon