Nakaupo ako ngayon malapit sa tapat ng door namin sa classroom at nakatingin lang sa mga studyante na dumadaan sa labas. Hindi ko alam sa sarili ko pero hindi talaga ako mapakali. Ni hindi ko nga masabayan yung mga classmates ko na nag chichismisan sa loob ng classroom eh.
Lunch time na ngayon at kakatapos lang naming kumain nila Arianne kaya nandito lang kami sa classroom, nag-aantay ng susunod na klase namin.
*Beep* 1 Message Received
"Insan! Ayy este, Amethyst. Birthday niya today, di mo ba siya babatiin?" – Riv
Replied: "Riv baka naman pwedeng ikaw nalang, pakisabi nalang na happy birthday kasi nahihiya talaga ako eh"
*Beep* 1 Message Received
"What if ayoko? Haha sige na kasi!" – Riv
Replied: "Di ko kaya! Hahaha"
5 mins later....
Ang tagal naman non mag reply. Kinakabahan na tuloy ako.
*Beep* 1 Message Received
"Punta ka saglit dito sa gilid ng gym. Bilisan mo!" – Riv
Huh? Anong meron sa gilid ng gym?
Naglakad ako ng mabagal papunta sa gym since malapit lang naman. Talagang babagalan ko dahil kinakabahan ako haha.
*Beep* 1 Message Received
"Amethyst, sabi ko bilisan mo. Jusko naman nananadya ka ba hahaha" – Riv
Replied: "Sandali lang naman. Ano ba kasi sasabihin mo?"
Pagkarating ko sa gilid ng gym, nauna kong nakita si Riv na nakangiti sakin.
"Dyosa ka ba? Kung makalakad ka para kang nakasuot ng mabigat na gown ah! Hahaha" – biro ni Riv
"Baliw ka, Riv. Ano ba kasi yo—" – putol ni Riv sa sasabihin ko
"Arius, halika rito may sasabihin si Amethyst!" – tawag ni Riv sa pinsan niya na kanina pa ata nakatayo sa gilid nito.
Hindi ko siya nakita agad kasi nakaupo siya. Langya ka talaga, Riv! Hinila ko naman siya sa pwesto na medyo malayo kay Arius.
"Loko ka, Riv! Alam mo namang nahihiya ako!" – sbi ko
"Babatiin mo lang naman!" – sbi ni Riv sabay balik sa pwesto ni Arius.
"Hehe, sensya ah? Baliw kasi pinsan mo." – sbi ko kay Arius na nakatingin lang sa amin at inaantay ang sasabihin ko.
"Okay lang, ano yung sasabihin mo?" – tanong ni Arius. Syeet ampogi ng boses hihi.
"A-ahh ano kasi, nasabi ni Riv na birthday mo daw, gusto lang kita batiin. Hehe, Happy Birthday." – mabilisan kong sabi dahil sa pagkahiya ko.
For sure, pulang-pula na yung mukha ko ngayon na kaharap ko na ng malapitan si Arius. Kung dati nakuntento na ako na masilayan lang siya sa malayo, ngayon naman kaharap ko na ito at kinakausap na ako.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kaloob-looban ko dahil sa mga pangyayari pero alam ko naman na hanggang crush lang ito. Wala nang hihigit pa doon, hindi niya ako magugustuhan at wala akong magagawa kundi tanggapin yon.
"Thank you, thyst!" – nakangiting sabi ni Arius na dahilan upang kumawala ang puso ko dahil sa kilig.
Nakita ko naman na nangingiti lang sa tabi si Riv na halata namang tuwang-tuwa sa nakikita. Ang swerte ko ba? Akalain mo yun naging kaibigan ko ang pinsan ng crush ko at hindi ko alam kung papaano ko siya pasasalamatan sa mga ginawa niya para sa akin.
Pagkatapos naming mag-usap ni Riv, napag-desisyonan kong bumalik na ng classroom dahil malapit na ulit magsimula ang next subject namin at gustuhin ko mang kiligin at matuwa ng sobra ay hindi ko magawa dahil alam ko na hindi naman ako gusto ni Arius. Ako lang yung may gusto sa kanya na mas lalong kinalungkot ko dahil alam kong may hangganan ang lahat.
Kakaisip ko ng kung anu-ano, hindi ko narealize na nakarating na ako ng classroom. Ganun ba ko ka lutang?
"Hoy, Crest! Saan ka ba nanggaling?" – tanong ni Arianne
"A-Ahh sa gilid ng gym sa music room malapit." – kinakabahang sabi ko.
"Anong ginawa mo doon? Ba't ka ba namumula?" – tanong niya. Ang daldal ng babaeng ito. Hanggat di ko siya sinasagot, hindi niya talaga ako titigilan.
"A-Ahh eh wala naman. Napadaan lang ako doon" – sabi ko sabay iwas ng tingin.
After 5 mins...
"Crest kasi! Sabihin mo na anong ginawa mo doon?" - Arianne
"K-Kasi, binatikosiAriusbirthdayniyatoday"
"Huh? Ano?"
"Hays, kako binati ko si Arius k-kasi b-birthday niya today." - saad ko habang nakayuko at pilit na tinatago ang mukha ko.
"ANO?! Omg, seryoso ka ba? Hihihihi" - sabi ni Arianne habang inaalog ako at panay tili dahilan para marinig ito ng iilan pa naming kaklase at agad akong nilapitan para makichismis.
Sinabi ko naman sa kanila yung buong nangyari at puro tilian yung naririnig ko.
Hindi nagtagal ay dumating na yung teacher namin at nagsimula na ang klase.
//Dismissal...
Mabilis akong lumabas ng classroom at dumiretso sa gate para agad nako makauwi. Nakakapagod tong araw na to pero okay lang dahil nakausap at nabati ko naman si Arius at kuntento na ko roon.
BINABASA MO ANG
DEAR First love,
Storie d'amoreUnexpected. Everything was unexpected. Crest, a simple girl who thought that it was just a normal feeling, a dream, and an imagination that would fade away, not until she realized that her feelings for her crush went deep that even she couldn't stop...