DEAR FIRST LOVE, CHAPTER 11

28 17 1
                                        

Alam niyo ba, hindi na matapos-tapos ang events dito sa town namin. Next month, Patronal Fiesta nanaman, pagkatapos kay Kariton Festival nanaman. Hindi naman gaanong engrande ang mga event na ito. Ni hindi mapapansin na dinadaos na ito ng karamihan.

Another normal day for today. Halos hindi ko na nakakasama sina Arianne. Lagi lang sila nasa classroom. Ako naman nasa labas ng classroom kasama si Lora na kausap yung manliligaw niya. Hahaha lumalablayp ang ate niyo!

"Ano ba, Randall! Hahaha makaasar ka sakin, wagas. Pag ako nang-asar baka mapikon ka. Sinama mo pa si Eros na isa pang makulit!" -natatawang sabi ni Lora.

"CREST!" - gulat ni Eros sabay hila ng buhok ko.

"Eros naman e! Ano ba ang kulit mo! Sumbong kita sa jowa mo, sige ka! Hahaha ay. Nakipagbreak nga pala sayo yun ano?"-asar ko kay Eros na halos maiyak nanaman. Hahaha

"Crest, wag mo naman awayin yung baby. Naiiyak na tuloy si baby Eros hahahaha"-asar ni Randall. Kita mo to, makaasar mas malala pa sakin. Natahimik naman si Eros na tila naiiyak na nga. Hahahaha

Wag na kayong magtaka kung bat nanggugulo sila, vacant namin ngayon since lunch break naman. Wala namang ganap eh. Nakita ko naman sina Sheira at Sheryl na papalabas kasama sina Carlo.

Pupunta ata ng canteen. Agad akong tumayo at sumabay sa kanila at iniwan si Lora kasama sina Randall. Bahala siya diyan, gusto ko kumain eh.

"Oh, andyan ka pala, Crest." - saad ni Sheryl.

"Nagutom ako eh, punta ba kayo ng canteen? Sabay ako hehe" - sabi ko.

"Bat di sumabay si Lora? Naku, manliligaw niya ba yun?" - Sheira

"Oo, hayaan nyo na. Saka may gusto ako masilip hehe baka kasi nandun pa sila"-nahihiyang sabi ko.

Gusto ko makita si Arius, ang alam ko kasi kasabay nila mag lunch yung tito nila. Andito lang naman malapit sa canteen ang faculty eh.

Nagmumukha nakong stalker dahil sa lalaking yun. Hindi ko naman mapigilan. Sakto naman pagkarating namin sa canteen, nandun sina Elijah kasama sina Ate Lyn. Nakita ko naman na nakatambay rin sina Arius.

Di ko na alam kung anong gagawin ko. Nakayuko nalang ako na pilit isiksik yung sarili ko sa tabi ni Carlo.

"Crest, crush mo andito" - pabulong na sabi ni Carlo.

Nakangisi naman si Sheira at Sheryl na naka tingin sakin. Nang-aasar nanaman sila. Nakakahiya. Pati sina Ate Lyn nang-aasar na rin.

"EHEM! HI CRUSH"- kaway ni Ate Lyn kay Ate Kave at sabay na nagtawanan, inaasar talaga nila ako na mas lalong kinainis ni Elijah, lagot ako nito.

Natutuwa akong nabubwisit si Elijah, ibig sabihin pala gumagana yung plano ko na paaminin siya. After namin bumili, umalis na rin kami pabalik ng classroom.

====
Nag-aasaran sina Lora at Rissa kasabay ang mga boys. Sa totoo lang, hindi ko trip si Rissa. Bully kasi ito, siguro para sa kanya natural lang ang ginagawa niya pero hindi eh. Minsan napapasobra na rin siya. Di ko nga alam kung babae ba to or tomboy kasi nanghahawak ng boobs ng ibang babae atsaka namamalo ng pwet ng lalaki eh hahaha.

"AHHH! HAHAHA Ang liit naman ng boobs mo, Lora!"-pang aasar ni Rissa.

Ginantihan lang din ni Lora. Alam na kasi niya na ganun talaga ang ugali ni Rissa, kaibigan niya ito dati pa at normal na lang sa kanila ang ganitong klase ng asaran.

Ako naman nakaupo lang, nakatingin sa kanila haha. Bigla namang lumapit sakin si Angelo atsaka umupo sa tabi ko. Classmate siya ni Dina nung elementary, ang cute din nito eh. Napakainosente niya. Para siyang bata na sanay sa lambing. Mama's boy kasi to. Binibaby nga ito ni Mrs. Salazar eh, haha.

Nagulat naman ako na bigla niyang kinuha yung kamay ko at hinawakan na parang sinusuri niya tapos pinipisil-pisil. Nakatitig lang ako sa ginagawa niya, pero siya busy at walang pakialam.

"Anong meron, Gelo? Bat hawak mo kamay ni Crest?" - nagtatakang tanong ni Lora.

Hindi naman siya pinansin ni Angelo. Busy parin ito sa paglaro ng kamay ko.

Binalingan ako ng tingin nina Arianne at Remi. Nag uusap na lang kami sa mga mata. Okay lang naman na hawakan niya, napakainosente ng taong to. Walang pakialam sa iniisip ng iba.

"Huy, Gelo. Anong meron sa kamay ko bat ayaw mong bitawan? Haha" -naiilang na biro ko.

"Ang lambot, hehe"-Angelo. Seryoso ba siya, ayaw niyang bitawan talaga.

*Beep* 1 Message Received

"Kamusta? Balita ko kilig na kilig ka kanina ah. Nakita mo raw yung crush mo eh haha" - Miggy

Dahan-dahan ko naman inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni Angelo. Wala naman siyang reaction. Ang cute! Kainis. Ang inosente ng mukha! Hahaha

Replied: "Di ako magkakaganto kung napagdesisyonan mo magpakita, Migs. Haha. Bakit ba feeling ko nasa school ka lang, nakamasid. Sana mali ako. Baka kasi pag tama, di ko alam gagawin ko sayo" -saad ko.

Kinuha nanaman ni Gelo yung kamay ko. Ano bang trip ng batang to. Nakamasid lang sina Arianne at kanina pa nagtataka. Ngayon naman pati buhok ko nilalaro na niya.

Nilapitan naman ako ni Arianne, di na talaga to nakatiis kanina pa nakatitig sa amin eh. Kahit ako na naman kasi naiilang na.

"Crest, masyado naman atang clingy yan si Gelo sayo. Ano ba ginawa mo? Bat ayaw niya tigilan yung kamay mo, ngayon naman pati buhok mo." -pabulong na tanong ni Arianne

"Hindi ko nga alam, ayaw niya bitawan huhu" -sbi ko.

*BELL RINGS*

Last period na. Andyan na si Sir Mathias. Bumalik na rin si Gelo sa upuan niya. Whoo! Buti naman.

Di naman nakapasok kanina si Mrs. Fuentes kasi may meeting sila, iniwanan niya lang kami ng activity at pinagkopya ng notes kaya napahaba yung vacant time namin.

Habang nagsasalita si Sir nagsusulat naman kami kasi tinatamad daw siya mag sulat sa board kaya eto kami nagmamadaling magsulat para makasunod sa discussions niya.

Ang sakit na ng kamay ko. May 10mins pa bago ang dismissal namin. Gusto ko nang umuwi, nakakapagod ang araw na to.

"Crest, si Arius! *turo sa labas*" -saad ni Remi.

"Hehe. *blush* ang cute talaga" -nakangiti kong sabi.

*BELL RINGS* DISMISSAL

Minadali ko ang pag-ayos ng gamit at sumabay kina Arianne palabas. Nasa labas kasi si Mikel,ayoko siya makausap! Nababadtrip ako sa kanya.

5mins later...

"MIKEL NAMAN EH! AKIN NA YUNG BAG KO POTEK KA! NAKAKABWISIT KA TALAGA!"-sigaw ko.

Kasi naman!Kinuha niya sakin yung bag ko, siya daw magdadala. Kasabay ko naman si Lora at Cyril na parehong umiiwas dahil sa kakulitan ni Mikel.

"Sorry na kasi! Pambawi ko na lang to! Crest naman e!Aray naman!"-reklamo ni Mikel

Eh paano, sinabunutan ko na dahil sa gigil at inis. Muntik naman siya matumba, nung sinubukan niyang umiwas sakin hahaha

Inabot na kami ng bangayan sa palengke at hindi parin niya ako tinitigilan.

"Mikel, pauwiin mo na si Crest. Anong oras na,baka mapagalitan na siya"-Lora.

Mabilis kong kinuha ang bag ko at sumakay ng tricycle pauwi. Hehehe thanks to, Lora. Nakatakas ako. Sabay na daw sila uuwi ni Cyril tutal magkapitbahay naman sila.

DEAR First love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon