CREST AMETHYST GOMEZ
Naglalakad nako papuntang School Gym kasi may gathering daw para sa mga freshmen. Welcoming ata to eh. Dito malalaman kung saan yung classroom namin, yung teacher's naming at magiging classmates namin. Kasabay ko naman mga friends ko nung elementary since wala naman akong ibang kakilala maliban sa kanila.
"CREST!!!!!!!! Tara na.. anong section mo?" – sabi ni Arianne, childhood bestfriend ko siya at the same time, classmate ko sa grade school.
"Sped-A ako eh, ikaw ba? Kinakabahan ako. Nakakahiya!" – sabi ko.
"OMG! SPED-A AKO! Ano ba naman yan, High School na tayo nahihiya ka pa, di ka naman nila kilala!" – sabi niya. Lokaret talaga to. Ang ingay! Natawa nalang ako habang naglalakad kami kasabay ng pag datingan ng iba pa naming kasama papuntang gym.
"Arianne, ang tagal naman nila Remi at Jessie! Di pa nagrereply sa texts ko mag uumpisa na ata!" – sabi ko. Hala naman! Late pa ata sila. Di ko naman mahagilap sa sobrang dami ng studyante dito sa gym.
"CREST!! ARIANNE!!" – sigaw ng isang babae sa likod namin na akala mo naman nakalunok ng microphone sa lakas ng boses. At hindi nga ako nagkamali, si Remi nga.
"REMIIIIIIII! I MISS YOUUUUUU!" – sabi ni Arianne. Nagsama po yung dalawang maingay. Pinagtitinginan na kami! Nakakahiyaaa!
"Remi!! Anong section mo? Sped-A kami ni Arianne!" – sabi ko.
"Hihihi. SPED-A din ako! MAGKAKASAMA PARIN TAYO!!" sabi ni Remi. Ang ingay talaga ng babae to.
"Girls! Bakit naman ganyan! Iniwan niyo ko. Si Yanalie nalang tuloy makakasama ko! Bad kayo!" – sabi ni Jessie na may halong pagpapacute at pagtatampo. Kadarating niya lang at kasabay niya naman si Yanalie na nagtatampo na rin.
*Announcement Sound*
"CALLING ALL FIRST YEAR STUDENTS! CALLING ALL FIRST YEAR STUDENTS, PLEASE PROCEED AT THE SCHOOL GYM RIGHT NOW. THANK YOU" – Announcer
May mga iilang studyante naman na nagdatingan at mas lalong dumami ang tao sa loob ng gym. Di mo aakalaing ganito karami ang studyante sa taong ito. Maya't – maya pa ay nagsimula na ang pagpapakilala ng bawat guro at kung anong section ang kanilang panghahawakan.
"Let us all welcome the adviser of ESEP, Mrs. Dane Fuentes! Next is, Mrs. Florymae Salazar, the adviser or SPED-A. and Mrs. Ana Belen the adviser of SPED-B! Say hello to, Ms. Vina Vargas, the adviser of SPA, Mr. Roy Vicente the adviser of SPS. Lastly for TECHVOC, Mrs. Lydia Dorias. Yes, my dear students. That's me! Haha" – Mrs. Dorias
"GOOD MORNING, FRESHMENS! Excited naba kayo? Inaasahan kong may matututunan kayo at mag-eenjoy kayo sa inyong unang araw ng klase! God bless and have a good day ahead. Once again! Good morning! – Mrs. Dane Fuentes
Di nagtagal ay natapos din ang introduction ng mga guro at isa-isang lumapit sa mga studyante na nasa pamamahala nila. Nilapitan kami ni Mrs. Salazar at dinala sa aming classroom. Syempre, mawawala ba naman ang introduction ng bawat studyante.
Nag-simula nang mag tawag ng pangalan ang teacher naming na naka base sa kanyang master's list. Naunang tinawag sila Arianne at Remi, kasunod ng mga kaklase kong lalaki simula grade school. At tama kayo ng nabasa, magkakasama parin kami ng iilan sa mga kaklase ko. May ibang kaklase naman ako na nagmula pa sa malalayong probinsya at piniling dito mag-aral sa aming skwelahan dahil ito ay isa sa magandang skwelahan na nagbibigay ng sapat na kaalaman sa bawat studyante.
"Good morning, class! I am Mrs. Florymae Salazar you can call me Maam Salazar, I will be your adviser for the rest of the year and your science teacher as well! So since today is your first day naman, we will not discuss muna but you will introduce yourselves one by one para makilala naman kayo ng mga classmates niyo." – Mrs. Salazar. Ang bait ni maam. Isa-isa namang nagpakilala sa harap yung mga kaklase ko hanggang sa tinawag na ako at pumunta sa harap para magpakilala.
"Good morning, classmates! I am Crest Amethyst Gomez, Nice meeting you all. Hope we get to hang out soon" – sabi ko habang nakatayo sa harap ng mga kaklase ko.
"Good morning! I am Arianne Cris Tampus. I hope we could be friends, hihi" – sabi ni Arianne. Sa amin magkakaibigan si Arianne talaga yung hindi nahihiya. Napakaingay niyan pero sobrang friendly naman.
"Hi Everyone, I am Remigail Floresca, I hope we could be friends!" – sabi ni Remi.
Sumunod na nagpakilala yung iba pa naming kaklase at pagkatapos ay nagbigay ng iilang payo si Mrs. Salazar sa amin. Agad naman kaming inutusan na pumunta sa storage room na malapit sa gym upang kunin ang iilang libro na gagamitin naming para sa klase. Kasabay ko sila Remi at Arianne habang naglalakad at isa-isa kaming binigyan ng walong libro na dadalhin namin sa classroom.
Habang naglalakad pabalik sa room, napansin kong may sumisilip sa maliit na bintana ng Music room. Doon kasi isinasagawa ng mga SPA student para sa major nila. Isinawalang bahala ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad pabalik ng classroom ang nakita kong studyante. Nang makarating kami sa classroom ay isa isa namang dinistribute ang libro sa mga kaklase ko.
RECESS TIME! *BELL RINGS*
Kasabay kong pumunta sa canteen si Remi at Arianne. Habang bumibili ng makakain nakita naming sina Yana at Jessie na papalapit samin upang batiin at kamustahin sa unang klase nila. Kabaliktaran naman yon ng kaganapan sa amin. Unang araw pa lamang nila sa klase ay agad na silang napasabak sa labanan. Hays! Ang tatalino naman kasi nila, simpleng introduction lang at agad na nilang sinimulan ang pag didiskusyon sa unang aralin sa subject na Math.
"Huhu, unang araw pahirapan na. Lipat nako sa inyo Crest!" – pagmamaktol ni Jessie habang nakakapit sa braso ko na parang koala.
"Kaya niyo yan, Jes! Ang tatalino niyo naman kasi e, hindi na uso chill sa inyo hahaha" – sabi ko na may halong pagbibiro na mas lalong kinalungkot ng mukha ni Jessie.
"Buti nalang pala at hindi tayo napunta sa section nila Jessie, paniguradong sasakit ang ulo natin tuwing umaga! Hahaha" – natatawang ani ni Arianne.
"Tara na Jes! Malapit nang magsimula ang susunod na subject natin. Girls mauuna na kami ah? Tara naaaa" – nagmamadaling sabi ni Yana kay Jes at patakbong umalis.
Di nagtagal ay bumalik na rin kami sa classroom at nakipag-tsismisan ng mabilisan sa mga kaklase namin. Kasunod naman noon ang pag ring ng bell na sinyales na tapos na ang oras ng recess namin at mag-sisimula na nag klase.
BINABASA MO ANG
DEAR First love,
RomanceUnexpected. Everything was unexpected. Crest, a simple girl who thought that it was just a normal feeling, a dream, and an imagination that would fade away, not until she realized that her feelings for her crush went deep that even she couldn't stop...