First day of AUGUST na ngayon. Sobrang bilis lang ng panahon at as usual, patuloy parin akong kinukulit ni Mikel. Naiimbyerna talaga ako sa kanya, di ko alam kung bakit. Nung nakaraang araw pinagpipilitan niyang makuha ang phone number ko na mahigpit kong pinagbawal na ibigay nila Cyril at Lora sa kanya. As expected bigla nanaman siyang sumulpot dito sa classroom namin ngayong umaga. Leche! Aga-aga sira na araw ko ah.
"Crest! Good morning, dito muna guitar ko sayo please! Kunin ko mamaya, promise! Sige na!" - pangungulit ni Mikel
"Ano ba, Mikel! Di naman ako iwanan ng gamit, dalhin mo na yan!" - naiinis na sabi ko.
"Ang cute mo talaga mainis! alis na ako ah, bye-bye!" - nagmamadaling alis niya.
"Hayys!Bwisit talaga, ano namang gagawin ko sa gitara niya!" - pabulong na sabi ko
"Alam mo, papansin yun sayo eh. Di naman cute! kadiri hahahaha" -singit ni Remi na halatang naiirita na rin. Nilagay ko naman yung guitar sa pinakalikod namin, bahala siya diyan. Wala naman akong pakialam sa gitara niya eh.
Wala namang ibang ganap maliban sa pag didiscuss ni Maam Salazar at pagbibigay ng aaralin namin para sa nalalapit na exam. Gaganapin kasi yon bago mag umpisa nag celebration ng fiesta dito sa town namin.
*BELL RINGS* RECESS TIME
Nakita ko naman nakaabang sa labas si Mikel, kukunin na ata yung guitar. Buti naman no! Para di na yan nanggugulo dito sa classroom namin, inaasar nako ng mga kaklase ko.
"Hi Crest! Pwede ko na ba makuha yung guitar? Hehe" - Mikel
"Wala na, tinapon ko na! Bwisit ka kasi." - pagsusungit ko. Biro ko lang naman to para kabahan siya, nakakainis kasi.
"Grabe ka naman sakin, Crest! Ang sungit mo talaga!" - Mikel. Arte talaga eh.
Bumalik naman ako sa loob para kunin yung gitara niya at ibinalik na sa kanya agad. Badtrip nako sa mokong na to. Bago pa man siya nakaalis, biglang sumingit sina Arianne sa usapan at feeling ko aasarin nanaman ako.
"Crest! Huy, si Arius oh kasama yung pinsan niya ba yun? Yiiieee, wag ka na ma badtrip diyan!" - Arianne.
"A-ahh s-sige, Crest! Alis nako" - dismayadong sabi ni Mikel.
"Oops! Nagselos ata, ang sama ng tingin kay Arius eh. hahaha" - Lora.
"Hayaan niyo na, buti nga yon eh para tigilan na ako. Nakakainis kasi eh." - inis na sabi ko.
====
LUNCH TIME
Akala ko pa naman titigilan nako! Hays ano ba! Kailan ba ko titigilan nito, ngayon naman inaasar niya na ako kay Arius. Nakikitukso na rin siya pero mas malala kasi ang OA niya. Ugali pa naman nito dumaldal ng sobra tapos walang pakialam kahit mapasobra na siya. In short, walang preno ang bunganga.
"Alam mo ba, kasama ko si Arius sa Drum & Lyre band para sa fiesta? Kasali din siya. Gusto mo tyempohan natin para makaamin ka?" - Mikel.
"Ano ba, Mikel. Wala ka namang karapatan na gawin yan eh tapos idadamay mo pa ako. Pwede ba tigilan mo ko? Nakakabwisit ka, alam mo ba yun?" - inis na sabi ko.
"Galit agad. Sorry na, hindi na." - Mikel.
*BELL RINGS*
"Layas na, Mikel! Class hours na. Nakakainis ka parin, alis na!" - pagtataboy ko kay Mikel. I know this is rude, pero naiinis talaga ako sa kanya.
Moving on, sa mga susunod na araw magiging busy nanaman yung mga students, muli nanamang magkakaroon ng practice yung mga dancers para sa sayaw nila sa fiesta. Kasabay naman nun ang dress rehearsal ng mga kasali sa drum and lyre band. Paniguradong wala nanamang maayos na klase dahil sa ingay na ibibigay nila haha.
Ibig sabihin, makikita ko si Arius, hihi. Sa mga nagtataka kung anong nangyari sa jowa ko. Kasalukuyan po siyang nagtatampo at nagseselos dahil sa mga nangyayari. Nagtataka lang ako kasi nung nakaraang araw, pinuntahan namin si Ate Asra, nakita ko nanaman yung pinsan niya at wala pang 5mins nag text siya para sabihin sakin na alam niyang pinuntahan nanaman namin si Ate Asra at panigurado naman daw na nakita ko nanaman si Arius kasi nga napadaan kami sa harap niya nung mga araw na yun.
===
Busy naman ang lahat dahil papalapit na rin ang INTRAMURALS sa aming paaralan. Math subject namin ngayon at kakatapos lang ng aming lectures at activities, may natitira pa namang time kaya naman nagbibigay ng announcement si Mrs. Fuentes.
"By the way, class I will be giving a perfect score for midterm quiz for 1st grading. Each section will have 2 representatives. Anyone? Who's willing to join the elimination for Ms. Intrams this year?" - Ms. Fuentes
Kinabahan ako nang bigla akong tiningnan ni Mrs. Fuentes. Naku po, delikado to. Feeling ko isasali niya ako, hindi pa naman ako marunong rumampa. Nakakahiya to! Hindi ko pinangarap na ipahiya ang sarili ko sa competition na to.
Yung tingin ni maam, nauwi sa ngiti. Hindi nako mapakali sa kinauupuan ko at pasimpleng yumuko at nag kunwaring nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook ko.
"Ms. Gomez, would you like to join the competition? You have a good height. If you don't know how to walk like a model, I could give you a help with it. :)" - nakangiting sabi Mrs. Fuentes.
"A-ah, M-maam? Pwede po bang iba nalang? nahihiya po ako eh hehe" - ani ko.
"Why not? It will boost your confidence too. You should join! I'll put your name on the list, okay? No more buts!" - kalmadong sabi ni Maam
Lagot ako nito. Di nga kasi ako marunong rumampa! Nakakainis naman, laging ganon si Mrs. Fuentes. Napapasunod niya lahat sa simpleng instruction or dictation man lang.
*BELL RINGS*
"That would be all for today. Good day, class. Ms. Gomez, come with me." - sabi ni maam.
Habang naglalakad kami ni Mrs. Fuentes papuntang faculty room ay kinausap niya ulit ako. Kinakabahan na ako sa mga nagiging decisions ni maam.
"Crest, bakit ba ayaw mo sumali? Sayang yung height at ganda mo. Hayaan mo kakausapin ko si Ate Desa mo at sasabihin kong turuan ka rumampa. Para naman maexperience mo yung ganitong klase ng event. Kahit naman hindi ka makapasok sa top 3 eh perfect parin yung midterm quiz mo kasi pinangako ko naman yun." -pag eengganyo ni maam sakin.
"Nahihiya po kasi ako, maam. Hindi po ako sanay na nakukuha ko yung atensyon ng ibang tao. Stage freight po kumbaga. Maam, iba nalang po. Hindi ko po talaga kaya maam, ngayon pa nga lang po sobrang kabado na ko e." - nahihiyang sabi ko.
"Ah basta, isasali kita. You need to face your fears! Sige na, you may go back to your class. Thank you sa pagsabay sakin. Looking forward to see you in the Elimination Round :)" - nakangiting sabi ni Mrs. Fuentes.
BINABASA MO ANG
DEAR First love,
RomanceUnexpected. Everything was unexpected. Crest, a simple girl who thought that it was just a normal feeling, a dream, and an imagination that would fade away, not until she realized that her feelings for her crush went deep that even she couldn't stop...