DEAR FIRST LOVE, CHAPTER 4

37 21 15
                                    

*CLASSROOM*

Habang nag-susulat ng assignments at notes si Lora, si Dina naman panay ngisi na akala mo kinikiliti at walang tigil sa kakapindot ng cellphone niya. Hindi naman maiwasang mairita ni Lora na tila ba nagpipigil na lamang dahil hindi ito makaconcentrate sa ginagawa. Napansin ko namang walang pakialam si Dina sa paligid niya at busy sa ginagawa at talagang kinikilig pa.

Maya't – maya ay hindi na napigilan ni Lora ang sarili at sinita si Dina. Sino ba naman kasing hindi mapipikon sa kanya, sobrang ingay, masyadong OA pa kung kiligin dahil parang biik na iniihaw sa tinis ng boses. Hahaha!

"Hoy Dina! Sino ba yang jowa mo? Sabihan mo na wag kang istorbohin sa gitna ng klase, kanina ka pa pindot ng pindot diyan ng cellphone mo!" - Lora.

Tingnan mo tong babaeng to kung makasita kay Dina. Magkakatabi kasi kami ngayon dahil wala namang class, busy kasi mga teacher's ngayon atsaka di makaconcentrate sa lecture si Mrs. Salazar kasi may nagpapractice ng sayaw para sa paparating na festival sa aming probinsya.

"Ano ba, Lora. Hayaan mo nga ako. Kita mo naman kinikilig ako tapos sisirain mo pa moment ko"- Dina.

"Si Cyril ba yan? Kilala ko yan e. hahaha schoolmate namin yan nila Crest nung elementary. Jowa mo ba? Nakuuu" - pang-aasar ni Lora.

"Kilala ko yan e. haha diba ex ni ano yan? kaklase ko pa nga yon nung elementary. Iba talaga karisma mo Dina!" - sabi ko. Eh kasi naman, ex ni Loraine yan. Naalala ko pa dati, baliw na baliw si Cyril sa kanya. Inlove masyado yun, kaya nung maghiwalay sila di matanggap ni Cyril. Baka nga rebound tong si Dina eh.

"Kilala ko yun eh, nasabi niya sakin, pero ngayon daw ako na love niya hihi" - Dina. Ibang klase tong babaeng to, di naman kasi kagandahan si Dina eh, nakakairita pa kaya nakaaway ko to before, ngayon naman sinasabayan nalang namin. Plano niya ngang umalis dito sa section namin at lumipat ng SPA palibhasa kasi teacher mama niya kaya madali lang para sa kanya lumipat na alam naman naming hindi basta basta nagagawa yun.

"Kaloka ka naman, Dina. Kapag nalaman ng mama mo yan, nako malalagot ka talaga!" - Lora

"Shhh! Kaya nga text lang kami madalas nag-uusap eh kasi alam kong paghihiwalayin kami ni mama kapag nalaman niya."- Dina

"Haynako, bahala kayo. Kapag nagkaproblema ka Dina siguraduhin mo lang na kaya mong lusutan yan. Baka magulat kami isang araw hiwalay na kayo hahahaha" - pabirong sabi ko.

Halatang naiinis na si Dina kaya nanahimik nalang. Pikon pala tong babaeng to pagdating sa asaran. hahahaha si Lora naman panay asar parin sa kanya. Maya-maya ay biglang nag salita ulit si Dina.

"Huy, Crest! Kunin daw ni Cyril cellphone number nyo para daw may magsusumbong sa kanya pag nagloko ako"-Dina.

Sinasabi ko na nga bang madadamay kami ni Lora dito eh. Pinilit naman kami ni Dina hanggang sa napapayag kami at ang gaga kilig na kilig. Bwisit na yan hahaha

*Beep* 1 Message Received

"Hi Crest! Cyril here. Ok lng ba hiningi q # mo ky Dina?" - Cyril

Replied: "Na syo na nga, ttanong kpa?"

*Beep* 1 Message Received

"Sungit mo nmn! Haha, mbait nmn aq e. frnds tyo ah?" - Cyril

"Ano ba naman tong jowa mo Dina! Ang daldal ah"- sabi ko.

"Nakakatuwa to kausap, kawawa to sakin. sarap tarayan ng jowa mo Dina" - Lora.

"Grabe naman kayo! Wag niyo naman awayin yung mahal ko" - Dina

"Ewwww mahal! Jusko hahahaha"- kami ni Lora. Ang corny ng babaeng to!

Actually nakakatuwa kausap tong jowa ni Dina. Corny lang. Halatang mabait naman e, di ko nga maintindihan kung bat hiniwalayan to ni Loraine eh.

Classmate ko si Loraine sa grade school, isa sa pinakamatalino sa klase. Ex-girlfriend siya ni Cyril at halata namang mahal na mahal siya ni Cyril dahil bukod sa crush siya nito, ay pinangarap din siyang maging girlfriend nito. Huli na nang malaman ko ang tungkol sa kanila dahil hindi naman naikwento sa amin ni Loraine yon.

Ang alam ko nga eh sobrang nasasaktan parin si Cyril tuwing naaalala niya yon. Lalo na nung nalaman niyang kapitbahay lang nila ang sumunod na boyfriend ni Loraine na siya namang minahal nito at hindi maiwanan. Kung hindi lamang dahil sa issues na nangyari noon na nagdulot ng pagsama ng loob ng papa ni Loraine ay baka sila parin hanggang ngayon. At sa mga hindi nakakaalam, napagdesisyonan ni Loraine na mag-aral sa ibang paaralan upang makaiwas sa issues at makalayo sa ex niyang si Rex na kasalukuyang nag-aaral dito sa TNHS.

====

*Beep* 1 Message Received

"Bby, kamusta school? di kasi ako pumasok e. nilalagnat po ako"-Miggy

Replied: "Ok lng nmn po. wla msyado gnagwa hehe. nga pla nkta q insan mo knina. kinausap ako binalita sakin na may lagnat ka"

*Beep* 1 Message Received

"Andto nga pla si Nikki, sya dw muna bntay ko don't worry po. behave aq! :*"

Replied: "Wla bang pasok yn? prang linta kung mkadikit sau ah! kainis -_- "

Nakakairita talaga yung babaeng yun! Inamin niya kasi sakin na gusto niya si Miggy e. Badtrip talaga yun. Pero di ko maiwasan magduda. haha feeling ko nasa paligid lang si Miggy. LDR ksi kami at nasa Manila siya. Di ko nga alam kung kaya ko bang seryosohin tong lalaking to, halata namang may tinatago.

"Huy! Katext mo ba si Miggy? Alam mo girl, di sa nagdududa pero nakakapanghinala kasi siya, lalo na yung pinsan niya"- Lora. See? Hindi lang ako yung nanghihinala, even Remi and Arianne pero hinahayaan nila ako at alam ko naman na nakamasid lang din sila.

"Bakit ba feeling ko pareho tayo ng hinala?hahaha"-sabi ko

"Si ano. Hahahaha! yaan mo na nga yan sabihan mo ko pag makikipagkita na yan resbakan natin agad" - Lora

Baliw talaga to si Lora. Simula kasi nung nalaman niya kung sino jowa ko, nabanggit din niya sakin kung sino yung hinala niya sa taong yun. Lagi nga akong pinagsasabihan na wag seryosohin kasi halata namang nakikipaglaro yung tao kaya sinasabayan ko nalang din.

*BELL RINGS* LUNCH TIME

Ang boring ng araw na to. Puro chikahan lang kami nitong umaga kasi hindi naman namin marinig yung boses ng teacher namin kapag nagtuturo kasi nga masyadong maingay. Masyadong mabilis ang pagdaan ng araw at last week of June na ngayon, ilang linggo nalang gaganapin na ang T'nalak Festival sa aming lugar. Excited nako kasi walang pasok sa araw na yan.

"Huy! Siya ata yung bagong salta dito, ngayon ko lang siya napansin. SPA ata kasi kasama naman yan nung kaklase ni Rein nung nakaraan." - sabi ni Arianne habang nakatingin sa lalaking naglalakad papuntang canteen.

"Oo nga no? Hindi siya familiar sakin. Matanong nga si Rein! Balik ako guys punta lang ako ng classroom nila. Mabilis lang!" - nagmamadaling sabi ni Lora.

"Nakita ko siya nung nakaraan, kasabay ni Corine nagtutugtog ng violin." - sabi ko.

"Siya ba yung tinititigan mo? Yiiieee!Ikaw ha, may crush ka ba dun?" - Arianne

"H-ha? W-wala! Grabe naman di ko naman kilala yan eh. haha" - sabi ko

"Sus! Nahiya pa. Cute naman siya eh. Crush mo no?" - Remi

Di na ko titigilan ng dalawang to hanggat di ako umaamin. Di ko naman kasi kilala yun bakit ba ang kulit nila. Saka crush? May jowa ako bat naman ako magkakagusto doon, diba?

"Kilala ko na siya! Arius daw name non, Dela Fuente naman apelyido. Teka? Crest, namumula ka ah. May lagnat ka ba?" - saad ni Lora habang dinadampi yung mga kamay sa noo ko.

"Hahahahaha. Kinikilig yan! Crush niya si Arius ba yon? Nako, may malalagot sa jowa!" - Arianne

Napuno ng asaran ang bench na tinatambayan namin. Patuloy parin ang pang-aasar nila sakin hanggang makabalik kami sa classroom at narinig naman ng mga kaklase ko, mas lalo tuloy akong inasar ng mga loko. Napuno ng tawanan at asaran ang buong classroom dahil sa walang tigil na pang-aasar nila Arianne sakin. Mga baliw talaga, nakakahiya to!

DEAR First love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon