Last week na ng August. Ang bilis ng panahon. Ngayon naman busy ang lahat sa paparating na Fiesta. At saktong ngayong araw na ito gaganapin ang Final Rehearsal ng mga participants namin na kasali sa paparating na events.
*FINAL REHEARSAL
Eto na nga yung araw na pinakahihintay ng lahat, ang makita ang performance ng dancers at drum and lyre participants sa gym. Bago pa man nila ma perform ito sa harap ng maraming tao, sinisiguro muna ng Principal na mapapanuod ito ng mga students sa school at tinitingnan rin kasi nila ang magiging takbo ng performance para maidentify yung mga movements na kinailangan pang ayusin. Hindi naman nakasali ng tuluyan si Mikel sa Drum & Lyre Band kasi musician siya ng mga dancers sa sayaw na tawag ay "Kapatagan Dance". Buti naman at hindi nakasali, baka totohanin niya yung mga pinaplano niya e.
Kasalukuyang nag peperform ang mga dancers ng kapatagan at susunod naman ang mga Drum & Lyre Band. Sobrang dami ng students sa gym at sobrang ingay pa dahil sa mga tumutugtog. Ang galing talaga ng performance nila. Halatang pinaghandaan ng maigi at masisiguro namang maipagmamalaki mo ito sa maraming tao.
Nang matapos ang sayaw ay sumunod na nag perform sila Arius. As usual, nakatitig nanaman ako sa kanya, ni hindi ko na namalayan ang pag upo ni Mikel sa tabi ko at pilit na dinidistract yung attention ko na nakatuon kay Arius. Maya't-maya pa ay nagtataka na ako kung bakit basa yung likod ko, nakaupo lang naman ako.
Nang lingunin ko si Mikel, nakita kong may hawak siyang alcohol at tila ba pinaglalaruan nilang pareho ni Cyril at pinapasa-pasahan sa likod ko.
"Bwisit naman, Mikel oh! Talaga bang hindi ka titigil? Umalis ka na nga lang dito! Alam mo, sana mahuli ka ni Maam Salazar dahil sa panggugulo mo!" - galit kong sabi na nagpatigil naman sa kanya.
"Nagalit tuloy! Si Mikel talaga yun, Crest! Di kasi maalis yung tingin mo kay Arius eh" - sabi ni Cyril
"Di hamak na gwapo si Arius, samantalang ikaw. Bwisit ka!" - pagalit na tingin ko kay Mikel.
"Hahaha, crush mo yan? Di ka naman magugustuhan niyan eh! Si Lash yung crush niya, si Olivia din, malayo sayo. Magaganda sila, eh ikaw? Di kayo bagay, atsaka gago si Arius." - inis na sabi ni Mikel.
"Siniraan mo pa talaga! Sa ugali mong yan, malabong magustuhan pa kita! Nakakahiya ka, at isa pa, alam mo naman na may jowa ako bakit ba di mo ko tigilan? Napaka-desperado mo naman!" - galit na sabi ko. Bwisit to ah, nanggigigil nako sa galit dahil sa kanya, kaya naman nung matapos na ang performances nagmadali na kong umalis sa gym para makabalik na ng classroom.
"Crest, okay ka lang ba? Narinig namin na nakikipag-away ka kay Mikel kanina ah, ano ba ginawa sayo ng mayabang na yon?" - nag aalalang tanong ni Arianne.
"Narinig ko binanggit niya si Arius, kaya siguro nagalit to." - saad ni Remi sabay turo sakin.
"Ininsulto niya ako, siniraan niya si Arius sakin. Sinasabi ko na nga ba may tinatagong kagaguhan sa pag-uugali yun eh. Akala mo naman kung sinong gwapo, feeling talaga!" - inis na sabi ko.
"Hayaan mo na, pagsasabihan ko." - Lora
Nakita ko namang nag-aantay sa labas si Mikel at Cyril. Bwisit naman oh, kailan ba ako titigilan ng lalaking to. Nakakabwisit na siya!
*BELL RINGS* DISMISSAL
Nagmadali akong lumabas ng classroom kasabay sila Arianne at talagang sumiksik ako sa pagitan nila para maiwasan si Mikel. Nakamasid nanaman kasi si Elijah, paniguradong magagalit nanaman si Miggy sakin. Wala naman akong magawa kung ayaw ako tigilan ng lalaking yun kahit anong iwas ko.
"Crest! Wait lang. Huy!" - habol ni Mikel kasunod sina Cyril na halatang kabado dahil sa galit ko.
Di ko naman talaga ugaling magalit ng sobra, pero ibang usapan kasi yung makakarinig ka ng pang-iinsulto sa taong hindi ka naman lubos na kilala. Ang nakakabwisit pa, dinamay yung taong hindi naman nangingialam sa kanya. Siya lang naman kasi tong dikit ng dikit sakin, akala mo naman linta.
BINABASA MO ANG
DEAR First love,
RomanceUnexpected. Everything was unexpected. Crest, a simple girl who thought that it was just a normal feeling, a dream, and an imagination that would fade away, not until she realized that her feelings for her crush went deep that even she couldn't stop...