DEAR FIRST LOVE, CHAPTER 15

21 11 2
                                    

GOOD MORNING! TIME CHECK IT'S 4:00AM... 

And guess what! Nakapila na kami sa tapat ng C.R nina Arianne kasi nga sobrang pila at ganitong oras palang ay marami nang students na gising at naligo dahil panigurado mamayang 6AM mawawalan nanaman ng tubig. 

"Arianne, bilisan mong maligo ah! para hindi na tayo magtagal dumadami na yung mga students na nakapila eh." - sbi ko.

"Grabe naman, Crest! hindi pa nga tapos itong mga nasa unahan, pinaalalahanan mo na agad ako hahaha" - Arianne

Eh kasi guys, limang tao ba bago si Arianne, hahaha ang alam ko nga kanina pa yung isa sa loob kasi yung mga nakapila sa harap namin nagrereklamo na sa sobrang bagal nung nasa loob ng C.R. 

"Ang tagal ah, nilamon na ata sa loob eh. haha" - Remi

"Oo nga, baka naghilamos ng 10x tapos nag shampoo ng 5x tapos nag toothbrush ng 3x tapos nagsabon ng 6x, diba? For sure makinis na makinis siya paglabas" - biro ni Jaica na halata namang naiinis na hahaha

After 10mins..... 

FINALLY, lumabas na yung naliligo. Taray ni ate walang pakialam, hindi man lang humingi ng sorry dahil sa kabagalan niya kumilos. Padabog naman na pumasok ng C.R yung sumunod na naligo.

Infairness, makinis yung natagalan, mukhang tama nga si Jaica. hahaha

"Ang kinis niya no? Siguro totoo yung sinabi ko. Hahaha" - Jaica

Nagtawanan naman kaming lahat kasabay nung mga nauna sa amin. Sa lakas ba naman ng boses ni Jaica, sinong hindi makakarinig ng mga pinagsasabi niya. 

Di nagtagal ay nakaligo na rin kami. Pumila kami ng 4AM, nakaligo kami ng 4:45AM see? Pagkalabas ko ng C.R mas dumami pa ang pila. Agad naman kami pumunta sa classroom at nakita kong nag-aasikaso na sina Elijah at iba pang students na kasabay nila, kami naman nakatambay lang sa labas.

"Crest, si Migs ba nag text sayo?" - Arianne

"Hindi eh, mas lalo tuloy akong napapaniwala sa mga iniisip ko haha" - sbi ko

"Takot ata na magalit ka sa kanya. Kung ako sayo, si Arius nalang iisipin ko. haha"-Remi

Hindi na lang ako sumagot, isa pa yun si Arius. Hanggang crush lang naman siya eh, hindi ko naman gugustuhin na isiksik ang sarili ko para lang mapansin niya ako. Atsaka ang daming crush non eh. 

"STUDENTS, FALL IN LINE! BREAKFAST IS READY!" - Mrs. Salazar

"Crest! Dito bilis" - Remi

Pumila naman agad ako sa likod niya, buti nalang mabilis kumilos si Remi, hindi kami naunahan ng ibang students at nasa malapit lang kami. Nasa likod ko naman si Jaica at iba pa naming mga kaklase. 

Pagkatapos namin kumuha ng pagkain, agad naman kami dumeretso sa tambayan namin, tutal hindi pa naman masyadong mainit kaya okay lang na doon kami kumain.

"Crest, ano na? Any texts? Chat? Napapansin ko kasi na madalas nakamasid yung isa eh" - Arianne.

"So far, wala! hahaha" - sbi ko

"Nakuuu, alams na! Break mo na kasi yan!" - Arianne

"Gusto ko marealize niya na mali siya" - sbi ko

====

*Beep* 1 Message Received

"Crest! kamusta kayo? Boring dito, halos wala nang pasok kasi konti lang kami naiwan" - Lora

Replied: "Okay lang naman dito, may activities na gagawin later. Kasabay ko sila Arianne."

*Beep* 1 Message Received

DEAR First love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon