Nagmadali akong kumilos at hindi ko na magawang kumain ng breakfast dahil baka ma late ako! Mabuti nalang talaga nakaabot ako dahil bukas pa naman ang 2nd gate na malapit sa classroom namin.
Pagkarating sa school, naglinis na agad ako sa labas at sabay kami ni Carlo na nagtapon ng basura malapit sa classroom nina Arius.
"Crest, kakarating lang ata ng crush mo. Ayun siya oh *turo kay Arius*"-Carlo
"Oo nga eh, hayaan mo na. Ayokong palalain to, Carl. Nakakatakot na kasi eh." - malungkot na sabi ko.
"Bakit naman? Ahhh, oo nga pala may jowa ka." - Carlo
Nakita ko naman na pinagtitinginan nanaman ako ng grupo ni Dina tapos nilalandi nanaman niya si Arius kahit alam niyang hindi siya papansinin hahaha. Try harder,b!tch!
Nakasalubong ko naman si Mikel na kakarating lang din. Dinaanan ko lang siya, at hindi man lang tinapunan ng tingin. Baka kung anong isipin eh, mahirap na baka mas lalong lumaki ulo.
"Diba siya yung nanggugulo sayo? Himala ata at hindi mo pinansin at hindi ka naman ginulo hahaha" - natatawang saad ni Carlo
*BELL RINGS*
Nagmadali na kaming bumalik ni Carlo sa room dahil mag uumpisa na ang klase. Agad naman akong umupo sa pwesto ko malapit sa bintana.
Nakita ko naman na papunta na rin ng Music Room sina Arius. Haays, hanggang tanaw nalang ba talaga haha. Pero kahit ganun pa man, kuntento na ako. Makita lang siya, okay na sakin.
"Good morning, class! As you can see, medyo busy ako the past few weeks, also for the following days or weeks. I am here to announce that we will be having science camp before the end of the month. I am not forcing you to join, but I encouraged you to do so. I will be giving points sa mga sasali since this will be credited as your extra-curricular activity. Think about it okay? That would be all for today." -Mrs. Salazar
"And class, stay inside and wait for recess time before you go out okay? Lora, ikaw na muna bahala sa mga classmates mo" - dagdag ni Maam.
Sayang din yung points ah, feeling ko naman sasali din sina Remi eh. Gusto ko rin tuloy na sumali nalang! Paniguradong masaya yun, ang alam ko kasi 3 to 4 days yun eh.
"Crest! Sali tayo. hehe sayang din yung points na ibibigay ni maam!" - Arianne
"Kailangan natin mag paalam sa parents natin, Arianne. Papayag naman siguro tutal magkasama naman tayo eh diba?" saad ko.
"Sali tayoo! Pati sina Zara, sasali rin daw. haha tara na guys!" - Remi
Exciting to, for sure! Hahaha kailangan ko ng points para sa Extra-curricular namin kasi halos wala na kaming sinasalihan na events dito sa school. Ang alam ko hindi lang kami eh, marami pang students ang sasali nito.
*BELL RINGS* RECESS
Usap-usapan sa iilang students ang pagsali sa gaganaping science camp sa mga susunod na linggo. Halatang excited ang mga ito na sumali dahil karamihan nga naman sa amin ay hindi pa nakakaranas ng ganito.
Pero knowing us, Remi & Arianne. Hilig namin na sumali ng mga camping nung elementary pa lamang kami lalo na ang Girl's Scout of the Philippines na simula grade 1 hanggang nakagraduate kami ay part kami nito. Ngunit ngayong high school ay kakaiba, science camp ang gaganapin na mas lalo nagpa excite sa amin.
"Nakakamiss yung mga camping natin before no?"- Arianne
"Oo nga, ngayon nalang ulit tayo makakaexperience nun eh" - saad ko.
"Haay, ano ba yan! Di ako makakasama, iwan niyo na ako nun" - inis na sabi ni Lora.
"Okay lang yan, Lora. di naman mawawala ng matagal eh haha"-Arianne
====
"Crest, galit ka parin ba?" - Mikel
Andito nanaman po siya. Ilang araw din niya akong iniwasan eh. Di naman na ako galit sa kanya, ayoko lang na manggulo siya ng sobra sakin kasi nakakaubos ng pasensya.
"Wag mo na sobrahan pagiging makulit mo, Mikel. Atsaka wag ka na lang umasa, friends lang kaya kong ioffer sayo eh." -diretsahang saad ko
"Sige friends, basta tigilan mo na pagsusungit mo kasi nakakatakot ka magalit, parang tiger! hahaha" - biro niya.
"Bati na sila. Hahaha buti naman para wala nang magulo diba?" - Lora
"Sinabi mo pa, sakit niyo sa ulo eh. Lalo na to si Mikel!" - Cyril
Mula nung mag break sina Cyril at Dina mas lalong nabwisit sa amin ni Lora si Dina. Kami kasi yung sinasabayan ng madalas ni Cyril eh tapos siya hangin nalang. Natatawa nga si Ate Asra kasi pati siya nadadamay na rin pero wala siyang pakialam, kahit nga lapitan siya ni Dina, deadma parin.
Sobra-sobra yung inis ni Dina lalo na nung nalaman niya na lagi nakasabay si Mikel sa amin. May isang beses na pinarinigan akong malandi kasi pati daw si Mikel, nilandi ko na. Kasalanan ko bang dikitan ako ng mokong na yan kahit may jowa ako hahaha
Flashback
"Hay nako, pakalat kalat talaga yung malalandi dito sa building namin, diba Crest?" - asar ni Dina.
"Oo nga, Dina. Buti in-acknowledge mo na sarili mo no? Proud ka ba? Hahaha" - ganti ko na ikinalaglag ng panga niya hahaha. Sige lang, girl.
"Ikaw nga may jowa na, nagpapaligaw pa sa iba!" - galit na sabi niya.
"Ask him, then. Problema kasi sayo, kung anong nakita ng mata mo, pinaniniwalaan mo. Not tired seeking attention huh? Haha"- saad ko.
-end-
"Mikel, layuan mo nalang kaya ako. Nachichismis ako dahil sayo e. Haha" -sabi ko.
Nakita ko naman na parang nalungkot si Mikel. Wala akong ibang choice eh, baka kung anong isipin ng iba. Nachichismis na nga ako eh. Haha
====
"Pa, pwede ba ako sumali ng science camp? 4days ata yun. Kasabay ko sila Remi, tapos yung adviser namin kasama din kasi science teacher siya. Graded din hehe"- saad ko.
"Okay sige. Saan daw?"- tanong niya
"Di ko pa alam, di pa nasabi hehe" - sabi ko.
Pagkatapos ko magpaalam pumasok na ako sa kwarto at nag facebook. Ano kaya name niya sa facebook? Hehe. Search ko kaya.
*Scrolling*
Search: Arius Keifer Dela Fuente
"No results available"
Huh? Wala? Napakamisteryoso naman. Bahala na nga lang, kailangan ko nang matulog dahil may pasok pa bukas at delikado pag nalate ako mg tuluyan hahaha.
====
KINABUKASAN
"Good day, class! Who among you are interested to join the Science Camp? Please get the forms here and a letter to be signed by your parents that proves na pinayagan kayo. Btw, ang date kung kailan aalis ay October 19 - October 22, please be reminded! Class, dismiss. " - Mrs. Salazar
Busy parin sina maam ngayon, isa-isa namang nag si lapit ang mga classmates ko na gustong sumali. Siguro nasa sampu kami na interesado kasama na dun sina Remi at Arianne.
Matatagalan din pala bago ko makikita ulit si crush. For sure, walang Mikel na nakabuntot, salamat naman! hahaha, kahit pa sinabihan ko siya na iwasan ako ay hindi parin niya ginagawa. Hinayaan ko nalang, tutal nanahimik na rin naman si Dina eh.
Next week na nga pala yung alis namin, kailangan ko na mag prepare ng mga susuotin ko at mga dadalhin. Pwede naman daw kami magdala ng tent kaya yun nalang gagawin ko, kapag kasi sa classroom kami natulog, sisiksikan lang kasi sobrang dami namin eh.
May mga students pa sa ibang section, tingin ko nga pati sina Yana sasama din eh. Hindi na rin naman namin sila nakakasabay or nakikita man lang kasi sobrang busy din nila kasama yung mga bagong classmates nila.
BINABASA MO ANG
DEAR First love,
RomanceUnexpected. Everything was unexpected. Crest, a simple girl who thought that it was just a normal feeling, a dream, and an imagination that would fade away, not until she realized that her feelings for her crush went deep that even she couldn't stop...