Busy ako sa pag-iisip kung anong mga gagawin naming ngayong araw sa MAPEH Subject ni Mrs. Solomon habang naglalakad sa hallway papuntang classroom. Nakita ko naman sina Riv at nginitian dahil nagmamadali ako para may time pa ako na makapag-linis at magtanong kung anong activity namin mamaya.
"Ay di ako pinansin!" – Geo
Napalingon naman ako para makita kung sinong tinutukoy niya. Nakita ko naman na ngumiti siya kaya nginitian ko nalang din pabalik. Eh sa nagmamadali talaga ako.
"Crest, andyan ka na pala, samahan mo naman ako mag tapon ng basura mamaya after dito." – Carlo
"Sige, lagay ko lang bag ko sa loob ng classroom" – sbi ko
Lumabas din naman ako kaagad para tulungan si Carlo sa paglilinis ng mini garden naming sa harap ng classroom. Pagkatapos naming maglinis, kinuha na naming yung mga basura at tinungo yung pinagtatapunan ng basura malapit sa SPA building.
"Carl, ano nga ulit gagawin natin sa MAPEH? Nakalimutan ko eh. Art ngayon diba?" – tanong ko
"Oo, ang alam ko may ibibigay na project si Mrs. Solomon sa atin." - Carlo
Pabalik na kami ng classroom ng madaanan ko sina Riv at Geo na nag-uusap, napansin ko naman na pumasok si Arius sa classroom pagkatapos niya akong makita. Bakit kaya?
====
"Good afternoon, class! Today, we will be having Art class. I'll give you an activity and pass it when you're done." – Mrs. Solomon
May isinulat naman sa board si maam para sa instructions. Pasimple naman kami lumabas nila Carlo para pumunta ng tindahan at bumili ng bond paper, pencil at eraser. Hindi naman kasi naming inasahan na may ipapagawa si Maam. Ang alam naming, may ibibigay siyang project sa amin.
For sure, maraming ipapagawa sa amin dahil sa mga susunod na araw 1 week break na at matatapos na rin ang month of October.
"Crest. Tapos ka na ba?" – Carlo
"Hindi pa nga eh, pahiram eraser!" – kuha ko sa eraser. Isa lang kasi binili naming para tipid haha.
"Bilis, Crest!" – Lora. Nakikihiram din to eh.
"Class you only have 15mins left. Yung mga hindi pa tapos pwede niyo ihabol sa faculty yung work niyo okay?" – Mrs. Solomon
"Yes po, maam" – sbi ko
Pinagpatuloy ko naman yung pag d'drawing. Malapit naman na matapos pero kailangan pa kasi ng description sa likod. Explanation kung bakit ganun yung kinalabasan ng drawing at anong naitulong nito sa amin.
*BELL RINGS* Shuta naman! Di pa ako tapos.
"Crest, sabay na lang tayo mamaya papunta sa faculty ni maam, hindi pa rin ako tapos eh" – Carlo
"Sige, ang galing mo naman *silip ko sa drawing niya*" – sbi ko.
Ang galing naman ni Carlo. Ako nga kanina pa nagkakamali pero yung sa kanya malinis. Nag drawing kasi siya ng bahay di ko lang alam, baka family niya yung inspiration niya kaya ganon. Ako kasi mga bulaklak eh hahaha tapos mg puno, ganon.
Eh sa hindi talaga ako marunong eh. Inspiration parin naman yun ah, syempre fresh air makakapag-isip ka ng maayos, oh diba? Tapos flower kasi colorful, parang life, colorful. Hahaha waley!
Mas nauna akong natapos kay Carlo, natapos ko narin yung description habang si Carlo naman ang nagsusulat ngayon. Tingnan mo nga naman, pati handwriting niya maganda rin. Napaka-talented naman niya. Mahilig din kasi si Carlo sa decorations, hindi ko nga lang alam kung straight ba siya or beki. Di naman yun basehan sa isang tao eh, saka mabait naman siya.
"Tara na, Crest!" – Carlo
"Oh sige, bilisan natin ilang mins nalang, start na ng next class natin" – sbi ko
Minadali naman namin ang pag-lalakad hanggang sa napatakbo na nga kami dahil nakita ko na naglalakad na si Mrs. Fuentes papunta sa classroom namin.
"Good afternoon, teachers!" – bati namin sa faculty ni Carlo.
Di ko naman inasahan na makikita ko sila Riv at Arius sa loob. Bakit ko ba nakalimutan na dito faculty ng tito nila. Di naman na ako pumasok sa loob at inantay nalang si Carlo na lumabas.
"Tara na, Carl. Baka nasa room na si Maam" – sbi ko
Nagmadali na kaming umalis dahil bukod sa nahihiya ako, eh paniguradong malilate na kami. Medyo strikto kasi si maam sa time since wala naming reason para ma-late kami tapos eto ngayon mukhang mangyayari na.
"Where have you been?" – Mrs. Fuentes. Naku,lagot.
"Ahh, we went to Mrs. Solomon's faculty room, maam. Nagpasa lang po ng activity :)" – paliwanag ko
"Okay, next time don't be late. Go back to your seats!" – Mrs. Fuentes
"Yes, maam" – Carlo
====
"Eto nanaman po tayo sa mga assignments na loaded." - Arianne
"Di ka pa nasanay, since elementary tayo ganyan naman nangyayari sa 1 week break natin hahaha" - Remi
"Girl, for sure meron pa kay Sir Matthias hahaha" - dagdag ko
Eh kasi may iniwan na assignments si Mrs. Fuentes sa amin, kaninang umaga meron din. Halos lahat naman ng subject teachers nagbigay ng assignment sa amin eh. Sobrang bigat tuloy ng bag ko dahil sa mga libro.
Mamayang uwian, magpapasundo na lang ako kay papa. Di ko kakayanin maglakad papuntang palengke. Hassle naman kung pupunta pa ako sa front gate, dito nalang sa gate malapit sa amin para mabilis lang hehe.
*DISMISSAL*
Nauna nang umalis sina Arianne habang ako naman inaantay si papa sa front gate, naalala ko kasi na ayaw pala niya ng siksikan dahil mahihirapan siyang hagilapin ako sa dami ng studyanteng dumadaan.
Nakaupo naman ako sa waiting shed sa tapat ng school at inaantay na dumating si papa. Nang mapalingon ako dahil sa pamilyar na boses sa likod ko, nakita ko sina Arius na papalabas na ng school kasama yung tito nila at ibang teachers.
"Uy, Amethyst! Hello :)" – Riv
"Hi :)" – bati ko
"Ay sige, una na kami ah? Accept mo naman ako sa facebook in-add kita hehe" – Riv
"Ahh, okay sige. Ingat kayo!" – sbi ko
Ganon ba ako ka-busy? Hindi ko na rin kasi na check yung facebook ko eh. Nakakatamad naman kasi mag load tapos gumamit ng laptop, mas gugustuhin ko pang magbasa ng ebook sa cellphone hehe.
*Beep* 1 Message Received
"Crest, pwede ba tayo mag-usap?" - Elijah
Huh? Si Elijah? Bakit kaya.
Replied: "Next time nalang pwede? or after 1 week break? kasi busy ako ee"
*Beep* 1 Message Received
"Ahh, sgesge :) . May sasabihin akong importante sayo. Sorry, Crest"
Replied: "Ahh, sige okay. :)"
Hmm. Ano kaya sasabihin niya? Nakakapanibago naman. Hindi ako sanay na seryoso kausap tong si Elijah. Makulit kasi siya eh. Di bale na nga lang.
After 10 mins dumating na si papa at umangkas naman agad ako sa motor namin. Nakita ko pa sila Riv sa bus stop. Hindi pa pala sila nakauwi. Check ko nalang din yung facebook ko mamaya :)
Friday nga pala ngayon, next week wala na kaming pasok pero sandamakmak naman yung assignments. Haynako. Student life!
BINABASA MO ANG
DEAR First love,
RomanceUnexpected. Everything was unexpected. Crest, a simple girl who thought that it was just a normal feeling, a dream, and an imagination that would fade away, not until she realized that her feelings for her crush went deep that even she couldn't stop...