THANK GOD IS FRIDAAAAY!
Ang bilis po talaga ng panahon. Normal days lang naman kasi yung nangyayari sa buhay ng studyante eh diba? Sa mga nagtatanong kung asan kami, hulaan niyo po. Opo, papuntang canteen nanaman po at kakain nanaman po kasi RECESS time at kasabay ko parin sila Remi, Arianne at Lora. May iilan pa naman akong kaklase na kasabayan. Hindi na namin masyadong nakakasalamuha sina Yana at Jessie kasi masyadong busy sa acads nila. Achiever yung mga yun e, kinailangan daw nilang sikapin pa lalo yung pag-aaral kasi kinailangan nilang mag maintain ng grades. Grabe, nakakapressure yun!
Habang naglalakad naman, may nadaanan kaming SPA students sa sepak takraw court na katabi lang ng canteen. Music major ata to. Nakita ko si Corine eh, classmate ko siya nung grade 1 kami. Ang galing, nagtutugtog sila ng Violin, sanaol! hahaha. Kasabay niya yung nakita kong lalaki nung nakaraang araw, SPA student pala siya. Nakakaloka, pang ilang tagpo na ba to? Di ko na namalayan na napapatitig ako sa kanya, kung hindi pa ako tinapik ni Lora di pa ako matatauhan.
"HOY! ANO BA! KANINA KA PA NAMIN TINATAWAG! BINGI KA BA?!" - pasigaw na sabi ni Lora.
"ARAY KO NAMAN! ANG LAKAS NG BOSES MO HA! TALAGANG MABIBINGI AKO NIYAN!" - pasigaw na sabi ko.
"Sino ba tinititigan mo? para kang statwa diyan! Grabe no? Ang galing naman nila, sana mabiyayaan din ako ng talento sa pagtugtog niyan. Hihi char!" - Arianne.
"Ha? Ahh wala naman. Ang galing lang kasi nila. Sanaol. hahaha" - sabi ko. Muntik nako dun ah. Sino ba kasi yun. Di kaya? Si Arius?...Possibleng siya yun, pero ano namang pakialam ko. Diba? Tama, Wala akong pakialam.
"Tara na, guys! Andyan na si Maam!" - nagmamadaling sabi ni Lora nang makitang papunta na sa classroom si Mrs. Belen. Ang bilis naman niya!
Dali-dali naman kaming tumakbo papuntang classroom at muli nanamang nag simula ang klase. Discussion lang ulit at nagkaroon ng 10pts quiz si maam. After nun nakipag-chikahan nalang siya habang nagbibigay ng assignment samin. Kalaunan ay dumating na si Mrs. Dulce. Pinagkopya niya lang kami ng mga lectures sa blackboard na aaralin namin next week since marami-rami daw yung isusulat namin at ayaw niyang naiistorbo siya kapag nagdidiscuss at para makafocus kami sa lectures niya.
*BELL RINGS* LUNCH TIME
"Saan tayo kakain? Dito lang or canteen parin?"- Arianne
"Dito nalang, tinatamad ako maglakad ng malayo, sabay tayo sa iba pa nating classmates!" - sabi ko.
"Sige, tara kain na tayo." - Remi.
After 30mins....
"HELLO GUYYYYSSS! I'M BAAAACK!"- masiglang sabi ni Lora. Umuuwi kasi siya every lunch since nasa likod lang naman ng school namin yung bahay na tinitirahan niya.
"Ang bilis ah, may 30 mins pa tayo oh." - sabi ko.
"Oo naman, P.E natin ngayon, diba? Sabi ni Mrs. Solomon ngayon daw ididistribute yung P.E uniforms natin." - Lora
"Ngayon ba? Bakit di ko maalalang may sinabi si maam?" - sabi ko. Kailan ba nasabi yun ni maam? Sizes lang yung sinabi niya na kukunin niya e.
"Ang alam ko sizes lang yung kukunin ni maam."-Remi
"Ang alam ko may mga dumating na t-shirts pero wala pa namang jogging pants"-Arianne
"Ay! Oo nga pala hehe. Sorry naman, nagkakamali din ako." - Lora. Di halatang excited to sa P.E Uniforms hahaha
After 30mins dumating na si Mrs. Solomon kasama si James and Daniel na dala-dala yung mga t-shirts na color green. May color coding kasi yung P.E uniforms every year level para ma identify kaagad kung anong year yung student. Pinagbabawal naman sa school na mag suot ng P.E uniform kapag hindi oras ng P.E subject namin kaya naman paniguradong malalagot sa Guidance yung mga students na matitigas ang ulo haha.
Isa-isa nang pinamigay ni Maam yung t-shirts namin at sinukat naman yung haba ng mga binti namin para sa jogging pants. Nakakaexcite! Alam niyo bang may ilalagay na last name sa gilid ng jogging pants namin, I think sa left side siya eh. Medyo matatagalan pa daw yung pag dating kasi nga kailangan pang tahiin yun.
"Class, listen! Kapag dumating na yung set of jogging pants nyo, distribute lang natin siya then we'll proceed sa practicum ninyo. Study about our last topic which is yung about Volleyball, okay? As of today, dismiss na muna kayo. Good day!" - Mrs. Solomon
"Good day, Maam! Thank you." - class in chorus.
Mabilis naman natapos ang buong araw namin at sa wakaaaas!! UWIAN NA. Siksikan nanaman po sa gate. hahaha
"Tara na dali siksik tayo sa gate! Hahaha" - sabi ko
"Sige bilisan natin, dali! Hahaha" - Arianne
"Antayin niyo ko!" - Remi.
Eto talaga the best sa lahat. UWIAN! nakakatuwa kasi makita yung mga students na sabay-sabay na umuuwi. Alam mo yung feeling na may special bonding na nangyayari sa inyong magkakaklase kasi nga nagagawa niyong makipagkulitan habang naglalakad pauwi. Mula skwelahan nilalakad lang namin papuntang palengke para sa sakayan. Meron naman sa tapat ng school pero karamihan sa kanila eh may sinusundo at punuan na. Ang saya lang, kasi di mo mapapansin yung layo ng nilalakad mo dahil sa mga kaklase mong maiingay at nagkakatuwaan sa daan.
SABADO
9am na! kakagising ko lang hehe. Wala naman kasing pasok ngayong araw. Ginising ako ni mama kasi nga kailangan namin pumunta sa City para mag grocery sa mall. Kung saan presko, mura, at maaasahan mo ang bilihin ng KMC Mall!
"Maligo ka na! Anong oras na" - Mama
"Aalis na ba agad? Aga naman ee" - sabi ko habang tamad na naglalakad papasok ng cr.
Commute lang kasi gagawin namin. Kapag di pa ako kumilos ay talagang iiwanan na ko ng mama ko. Kinailangan kasi naming sumakay ng bus bago makarating ng city eh. Tiyak na gagabihin nanaman kami ng uwi pag mabagal ang pagkilos ko.
====
Hala siya! ang bilis ng oras. 4pm na, pauwi na kami ng mama ko, kapag inabot pa kami ng dilim ay wala na kaming masasakyan pauwi. Buti na lamang ay natapos kami bago gumabi. Pagkarating naman sa bahay ay isa isa na naming inayos ni mama yung mga pinamili at nagluto na ng makakain para ngayong gabi. Nakakapagod, pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na ang mga pinag-kainan ang mabilis na pumasok ng kwarto para mag half-bath at tumambay sa kwarto.
Sila mama naman at papa ay nanunuod pa ng tv habang ako naman ay nakatambay na sa kwarto. Di na ko nasanay manuod ng tv. Lagi akong nakatambay sa kwarto hanggang sa makatulog.
*Beep* 1 Message Received
"Hiiii! Kamusta ka Bby?" - Miggy
Replied: "Bby! Okay lang ako. Pagod"
*Beep* 1 Message Received
"Wawa naman bby ko, sleep kna" - Miggy
Replied: "Sigi po, sleep nko bby ha? gudnyt:*"
Sa mga nagtataka, May bf po ako. Si Miggy. Ilang months pa lang naman kami and hindi ko pa siya nakikita personally, pero may pinsan siya na schoolmate ko. Weird, right?
BINABASA MO ANG
DEAR First love,
RomanceUnexpected. Everything was unexpected. Crest, a simple girl who thought that it was just a normal feeling, a dream, and an imagination that would fade away, not until she realized that her feelings for her crush went deep that even she couldn't stop...