*Beep* 1 Message Received
"Ready ka na sa chika ko?" – Riv
Replied: "Ano ba kasi yon?"
*Beep* 1 Message Received
"Birthday ni Arius sa November 17" – Riv
Replied: "Weh? Di nga? Talaga"
*Beep* 1 Message Received
"Ikaw na nga tong sinabihan, ayaw pa maniwala. Haha bahala ka nga. Anyways, sleep nako. Night2x!" – Riv
Seryoso ba siya? Anong araw na ba ngayon? *tingin sa calendar* Hala siya, November 15 na!
====
KINABUKASAN
Nakatambay kami nila Sheira sa likod ng classroom dahil breaktime naman ngayon.
"Uyy, alam niyo ba may transferee daw sa SPED – B. Taga Manila daw siya e" – Sheryl
"Huh? Meron ba?" – Sheira
Ang alam ko meron. Di ko lang kilala kung sino. [A/N: Crest! Transferee nga, paano mo makikilala diba?] May point ka naman doon author, pero wag ka umeksena, story ko to diba?
"Guys! Ayun siya oh!" – turo ni Sheryl sa lalaki.
"Cute siya" – Sheira
"Bilis ni Sheira ah. Hahaha" – sbi ko
Eh kasi sobrang bilis makabigay ng compliment eh. Cute naman kasi tlga siya, mukhang mabait din.
"Tawagin ko nga, hahaha" – Sheryl. Lokaret tlga to. Ang lakas ng loob na makipag usap sa kahit na sino eh.
"Ehem, Huy! Transferee! Huy!" – tawag ni Sheryl sa lalaki. Lumingon naman ito at lumapit sa gawi namin.
"Uhm, hi :)" – transferee
"Hello, anong name mo? Taga Manila ka daw?" – Sheryl
"Ahh, oo. I'm Rafael, Raffy nalang tawag mo sakin" – Raffy
"Ahh, Hi Raffy. :)" – Sheryl
Okay? Hangin kami ditey mamshie hahaha. Busy sila eh di ata napansin na andito kami ni Sheira at Carlo.
"Ay nakalimutan ko, sila Crest *turo sakin*, Sheira at Carlo nga pala. Friends ko :)" – pakilala ni Sheryl sa amin.
"Existing pa pala kami, She? Haha" – Sheira
"Oo nga, akala ko nakalimutan na tayo eh hahaha" – sbi ko
"Di nga niya napansin na dumating ako eh haha" – Carlo
"Hello sa inyo, Raffy nga pala" – pakilala ni Raffy sabay abot ng kamay sa amin.
"Ang pormal mo naman!" – sbi ko
Ngayon ko lang napansin yung dimple ni Raffy, ang cute. Nag-uusap parin sila ni Sheryl at Sheira habang kami ni Carlo naman nakikinig lang. Wala naman kaming ambag sa topic nila eh.
"Anong ginagawa niyo diyan? Kanina ko pa kayo hinahanap sa loob ng classroom, andito lang pala kayo." – sabi ni Arianne habang papalapit sa direksyon naming kasabay si Remi.
"Hi! Anong name mo? Di ka naman ba inaapi ng mga to no? Haha joke" – bati ni Arianne kay Raffy
"Hello, I'm Raffy :) di naman, harmless naman tong mga classmate mo haha" – biro ni Raffy.
"Grabe ka, Raffy. Para naman kaming wild animals non! Hahaha" – sbi ko
"Sorry naman po. Hahaha madaldal ka rin pala, Crest! Di halata ah" – Raffy
BINABASA MO ANG
DEAR First love,
RomanceUnexpected. Everything was unexpected. Crest, a simple girl who thought that it was just a normal feeling, a dream, and an imagination that would fade away, not until she realized that her feelings for her crush went deep that even she couldn't stop...