DEAR FIRST LOVE, CHAPTER 8

23 21 0
                                    

ELIMINATION FOR MR. & MS. INTRAMURALS

Dahil nga wala akong magawa, napa-oo ako ng tuluyan ni Mrs. Fuentes na sumali sa Elimination na to. Kasalukuyan na akong inaayusan ng make-up artist ngayon. Kasama ko naman si Mama na dala-dala ang mga gamit ko at nakikipag chikahan sa mga teachers dito sa Math Faculty. Dito kasi ginanap yung pag mimake-up sa mga kasali sa pageant. 

Pagkatapos kong ayusan ay ipinasuot sa akin yung heels at kamuntik na akong matumba. Bakit ba kasi to pinipilit sa akin! huhuhu. Ano ba itong pinasok ko. Nauna naman na akong lumabas ng faculty at pumunta sa backstage ng gym. Nakaalalay naman sakin sina Lora, Arianne at Remi. Nakita ko naman na papalapit sa direksyon namin si Ate Asra habang nakangiti at excited na makita ako.

"Woooow! Ang ganda naman ng baby ko!" - sabi ni Ate Asra. 

"Ateee! Ang hirap ilakad nitong suot ko. Nakakahiya pinag titinginan ako." - nakayukong sabi ko.

Ang daming nakatingin sa direksyon ko. Halos lahat ng nadadaanan ko nakatingin lang sa akin, nakakahiya talaga! 

"Hayaan mo sila. Ang ganda mo kasi, para kang amerikana. Di ka naman nag suot ng contact lense diba? Grabe talaga yung mga mata mo, Crest! Ang ganda." - puri ni Ate Asra.

Maya't-maya pa ay nagsimula na ang pageant. Feeling ko naman okay yung paglakad ko. Pero nakasenyas si Mrs. Fuentes sa baba na ngumiti daw ako. Tokwa! Nakakahiya, ang daming tao. Ako naman nakanguso dahil sa pagkahiya ko hahaha. Sadyain ko kayang wag seryosohin to para hindi na ako mapili. hahaha

Pagkatapos naming rumampa, in-announce naman agad yung makakapasok sa Top 5. Isa ako sa mga napili. Nakita ko naman si Arius na nanunuod, mas lalo akong kinabahan. Nakakahiya! 

Rumampa pa ulit kami for the last time, and buti naman hindi ako nakapasok sa Top 3, di ko naman kasi gusto tong pinapagawa sakin eh at hindi ko pinapangarap na makasali sa Finals.

Mabilis na natapos ang pageant. Nakakahiya, alam mo yung feeling na pinagtawanan ka ng maraming tao. Imbes na tumaas confidence ko mas lalo akong nanlumo sa sarili ko. Inaasar na nga ako ni Elijah eh, ang mas malala, sinumbong pa ako kay Miggy. Edi mas lalo akong nanlumo. Nakita ko naman natawa ng konti si Arius, okay na rin mapahiya ako, mapasaya ko lang siya. Hehe. 

====

Sa mga sumunod na araw ay mga higher years naman ang nagkaroon ng Elimination for Ms. Intrams. Kasali nga si Ate Asra at Ate Lash eh. Gustohin man namin na manuod eh may class kami. Pasimple naman kaming sumilip sa bintana ng classroom since kita naman dito ang gym. Sa mga nagtataka, di po gaano kalaki yung school namin at kung titingnan mo ay kakaunti lang ang space nito. Kaya madalas na naiistorbo ang klase namin lalo na kapag may ganap sa school gym. 

Napansin naman ata ni Mrs. Fuentes na halos lahat kami ay nakatuon ang pansin sa gym tuwing nag hihiyawan ang mga students na nanunuod. Ngayon kasi ang schedule nila Ate Asra, gusto ko makita siya rumampa at icheer siya. 

"Okay class, enough with your eyes. I'll give you an activity then after that you can proceed to the gym para manuod. Since wala namang sense kung itutuloy ko ang klase tapos nasa gym yung atensyon niyo. This problem would be easy, finish it right away" - saad ni Mrs. Fuentes na hindi na ata natiis yung mga nakaw tingin namin sa gym.

After 15mins, natapos na namin yung activity at agad na pumunta sa gym para manuod. Grabe ang galing ni Ate Asra! Halatang sanay na ito rumampa, lalo na si Ate Lash. Ang galing naman nila. Ang gaganda pa.

"Crest! Si Arius nasa gilid oh. Tingnan mo" - tinuro ni Arianne si Arius na focused sa stage, lalo na kay Ate Lash at Olivia. Iniwas ko nalang yung mga tingin ko. Wala naman akong mapapala eh. Di niya naman ako mapapansin haha. 

As expected, pasok sa Top 5 si Ate Lash at Ate Asra, pero nung Top 3 na si Ate Lash lang ang pasok. Sinulyapang kong muli si Arius at nakita kong ngiting-ngiti siya. Hays. Edi siya na masaya haha.

====

INTRAMURALS 2011

Day 1 ng intramurals ngayon, wala naman kaming sinalihan na event. Support lang kami. hahaha. Kasama ko ngayon si Lora, may sinalihan kasi si Arianne eh, badminton. Si Remi naman kasabay ng iba pa naming kaklase. As usual, hinila nanaman ako ni Lora kung saan-saan hanggang sa mapadpad kami sa isang bench at nakipag chismisan kina Ate Asra. Andito rin yung ibang kakilala ni Ate Asra na sina Ate Nicole, Shiela, at syempre si Cyril. 

Inaantay namin yung game nila Ate Nicole sa volleyball na gaganapin mamayang hapon. Kakatapos lang pala ng parade, yung ibang players kasi hindi dito sa school ang event. Sa Municipal Gym sila, eh malayo yun tinatamad naman kami pumunta doon. 

*ANNOUNCEMENT SOUND* 

"Good day, students! Calling all volleyball players,girls & boys! Calling all volleyball players for girls & boys. Please proceed at the volleyball court right now. Thank you" - sabi ni Mr. Enrile 

"Tara na, Crest! Hanap na tayo ng pwesto doon!" - nagmamadaling sabi ni Ate Asra. Nakasunod naman sina Lora at Cyril.

Di nagtagal ay nagsimula na ang Game. Freshmen vs. Sophomore at Junior vs. Senior ang mag lalaban-laban. Actually sa lahat ng sports ganyan ang pag categorize ng teams. Hindi naman ako familiar sa rules ng game talaga. Bahala sila basta makikinuod nalang ako. hahaha

Nakapagtataka nga lang kasi hindi ko mahagilap sina Arius at yung pinsan niya ata. Hindi na ata sila pumasok, wala rin naman silang sinalihan eh. Kanina pa ako nagmumukhang giraffe dito kakahanap sa kanya, ni anino wala akong makita eh. Nahagilap naman ng mata ko si Elijah na nakatingin sakin pati na rin mga kasamahan niya. Sus, if I know nakabantay sa bawat kilos ko yan, tapos isusumbong nanaman ako kay Miggy. 

"Paano kung siya nga si Miggy, anong gagawin mo Crest?" - biglaang tanong ni Ate Asra. Nakakagulat naman to. 

"Ate nakakagulat ka! Hindi ko alam gagawin ko, magagalit siguro ako sa kanya. Tama ba namang paglaruan ka, diba hindi?" - sabi ko.

"Alam mo, ang lakas ng kutob ko na siya si Miggy. Nakausap ko na siya dati, diba? Feeling ko nakamasid siya. Hinihingi niya nga yung number ko eh pero di ko binigay. Di ko naman siya kilala. Mag-iingat ka diyan, Crest!" - sabi ni Ate Asra at pasimpleng tumingin sa direksyon nila.

====

DAY 3 na ngayon. Championship na ng Volleyball bukas at Senior vs. Sophomore ang maglalaban. Ang galing naman kasi nila Ate Nicole. Ang lalakas ng pwersa, at balita ko mabigat na kalaban ang Seniors. Bukas naman ng gabi gaganapin ang Ms. Intramurals 2011. 

Napadpad naman kami ni Lora sa School Gym kung saan ginaganap ang larong basketball. Hmm, basketball pala yung sports ni Elijah, nabanggit din sakin ni Nikki na magaling mag basketball si Miggy, nakakainis nga kasi lagi niyang hawak yung phone ni Miggy. Di ko tuloy nakakausap yung isa kasi busy rin siya. 

Masyado naman atang tugma ang sitwasyon ng dalawa. Napaghahalataan. Panigurado sa mga susunod na linggo malalaman ko rin ang totoo. Mahuhuli ko rin kung sino talaga si Miggy. Di naman ako tanga para hindi makaramdam ng kakaiba sa mga kinikilos ni Elijah eh.

Pasimple kong tiningnan yung mga players ng basketball girls na kanina pa nakatingin sakin. Nakakailang na. Loko tong Elijah na to. Iba yung tingin sakin ng mga kasama niya eh. Haynako, bahala sila. Malalaman ko rin ang totoo.

"Crest! Tara na, alis na tayo. Malapit na rin ang uwian, wala na tayong gagawin dito. Boring na rin naman kasi eh" - Lora. 

Bukas pa iaannounce ang mga mananalo at ang alam ko kasi bukas din ang championship ng iilan pang laro kagaya ng badminton at basketball boys.

"Tara na! Wala rin naman tayong mapapala dito haha" - sabi ko at naglakad na kami pauwi ni Lora.




DEAR First love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon