Chapter 3
Nakatayo lang ako sa may pintuan, gulat na gulat. Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya. Now I realize how I miss him.
"Sir Elton" tawag ng ginang, kaya natauhan ako. Elton. Hindi ko alam parang nawala ako sa pag iisip ko. Gusto kong humakbang paalis pero diko nagawa. Parang nakaglue na yung paa ko sa sahig.
"Vein" mahinang usal niya. Na miss ko yun. Na miss ko kung pano niya ako tawagin. Sh*t lang Vein umayos ka. Nakapag move on ka na.
"Elton" pagtawag ko sa kanya at ngumuti. Mukhang hindi niya yun inaasahan. "Ahm, alis na ako. Excuse me" sabi ko at akmang maglalakad na nang pigilan niya ko. Hinawakan niya braso ko at ramdam ko pa rin ang parang kuryenteng dumaloy sa braso ko nang hawakan niya ako kaya napaigtad ako.
"Vein, bakit ka nandito sa kwarto ng anak ko?" Sabi niya. So... Tama nga ako. Anak nga niya yun. Kamukhang kamukha niya eh.
Thirteen years old na si Eldon, kaya pala Eldon. Yun yung pangalang gusto niya sa magiging anak niya eh. Yun yung pangalang gusto niyang ipangalan sa magiging anak sana namin, but now napangalan na niya iyon sa anak niya sa iba. Mapait na lamang akong ngumiti. Hmm, nagbunga nga ang nangyari sa kanila.
"Ako yung doctor na nag asikaso sa kanya" sabi ko at ngumiti ulit sa kanya. "Aalis na talaga ako. Bye" pagpapaalam ko at kinalas ang pagkakahawak niya sa akin. Ayoko ng mag stay don, para kasing bumabalik yung sakit.
'For f*ck sake Vein, umayos ka. It's been 14 years.' pangaral ko sa sarili ko.
Naglalakad na ako palayo nang may bumangga sa akin. Pero wala ako sa sariling nagpaumanhin at nagtuloy tuloy sa paglalakad, hindi ko man lang tiningnan ang nakabangga ko.
Bakit ganon? Bakit parang bumalik yung sakit? Ramdam ko ngayon ang bilis nang tibok nang puso ko. Argh. 14 years na Vein. Dapat okay ka na. Dapat nakalimutan mo na yun. Lampas na yun sa apat taon niyong pag sasama noon.
Nasa may parking lot na ako kaya dumiretso na ako sa kotse ko at pinaandar ito paalis.
Wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw pero bakit feeling ko pagod na pagod ako?
'Talaga bang nakamove on ka na Vein?' pagtatanong ko sa sarili ko. Argh..
Diko namalayan nasa bahay na pala ako kaya pinasok ko na ang kotse sa garahe at lumabas na roon.
Agad akong nagtungo sa kwarto ko ng makapasok ako sa bahay. Humiga ako sa kama at hinawakan ang dibdib ko kung saan banda ang puso ko.
Bakit ganon? Bakit ang lakas pa rin ng tibok mo kapag nandiyan siya. Bakit ganito? Arghhh. Sinabunutan ko na rin ang ulo ko dahil sa frustration.
Diko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.
It's monday. First day of work. 3 days since nangyari ang hindi inaasahang pagkikita namin ni Elton. Three days of convincing myself na nakapag move on na ako.
Tapos na akong maghanda para sa pagpasok ko sa trabaho, nakaupo na lamang ako sa kama ko habang nakatingin sa friendship bracelet namin ni Tria. Naalala ko na naman yung araw bago ako umalis sa Pilipinas.
----------------------
Nasa kwarto ako at nag e empake. Mamaya nang gabi ang alis ko. Panay pa rin ang pagtulo nang luha sa mata ko. Tumigil muna ako at pinahid muna ang luha ko.
Pagod na pagod na akong umiyak pero ayaw huminto nang mga luha ko. Napaupo nalang ako sa kama ko.
Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa pag iyak ko.
Huling damit ko na ang inilagay ko sa maleta nang may biglang pumasok sa kwarto ko. Nagulat pa ako na si Tria yun. Galit na galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Tria" nasabi ko nalang.
"VEIN, ANO? AALIS KA? IIWAN MO SI ELTON? HAH? HINDI MO SIYA IPAGLALABAN SA AKIN? ANO?" Napayuko na lamang ako sa pagsigaw niya.
Mas lalo siyang nagalit nang wala akong salitang nabigkas kahit isa.
"ANO? MAGALIT KA SAKIN, NILOKO KITA. ANO BA! MAGALIT KA SAKIN SABI EH" pagsigaw niya at lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at sinampal sa pisnge niya. Agad kong kinuha ang kamay ko sa kanya at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.
"ANO BA? VEIN. MAGALIT KA NAMAN OH. HUWAG KA NAMANG GANYAN. BAKIT BA ANG BAIT BAIT MO. MAGALIT KA NAMAN PARA HINDI AKO MA GUILTY SA GINAWA KO" Saad niya at tumulo yung luha sa mata niya. Mas lalo akong napaiyak dahil sa nakikita ko.
"Tria, galit na galit ako ngayon pero ayokong panaigin ang emosyong yun kasi baka sobra pa yung magawa ko sa inyo" saad ko. Pumipiyok na ang boses ko. Napaupo siya sa sahig nang kwarto ko at doon umiyak.
Hindi ko alam anong gagawin ko. Gusto ko siyang lapitan at yakapin like I always do upang mapatahan siya kapag may problema siya pero diko magawa kasi nanaig ang galit ko na hirap na hirap ko ng pigilan.
"Nagmamakaawa ako sayo Vein. Ilabas mo yung galit mo sa'kin please. Guilting guilty na ako sa ginawa ko eh. Sampalin mo ko kahit anong gawin mo, saktan mo ko. Tatanggapin ko" saad niya habang umiiyak.
Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Gusto ko na siyang umalis dito kaya sinampal ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko pati rin ako nagulat sa nagawa ko. Pero alam ko sa sarili ko, I want more, ayoko ng sampal lang gusto ko pa siyang saktan para malaman niya yung sakit na pinaparamdam niya sa akin ngayon pero pilit kong nilalabanan ang galit ko dahil baka makasakit ako, that's the least thing I would do.
"Yan, nagawa ko na. Umalis ka na please, habang nakakapagpigil pa ako. Gusto ko ng magpahinga" madiing saad ko. Ayokong sumabog lahat ng kinikimkim kong sakit at mabuhos ko lahat sa kanya yun.
Walang pasabi na umalis siya sa kwarto ko at nanghihinang humiga naman ako sa kama ko.
----------------------------
Yun ang huling pagkikita namin. Kinagabihan non ay umalis na ako ng Pilipinas.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang isang butil nang luha sa mata ko. Mabilis ko itong pinahid at inayos ang sarili ko.
---------------------
^_^
Hope you enjoy it. ❤️
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...