Phew, kinakabahan talaga ako. Nandito na ako sa sala. Hinihintay ko si Vince dito. Ngayon na yung reunion at siya nga ang date ko doon, malamang bawal daw ako tumanggi eh, dapat sa batch lang namin yung reunion, yung si Vince eh ininvite lang din pala nang mga kaibigan niya ron na varsity player noon. Kasama kasi siya sa basket ball team noon.Well, hindi talaga ako nakatanggi kasi sabi nga niya may utang pa ako sa kanya. Ganito kasi yun. Nag a undergo kami nang surgery and I'm one of the doctor at may isang pasyente na kailangan na ring operahan na isa rin ako dapat sa surgeon don. Diko pwedeng iwan yung pasyente na nauna kaya humingi ako nang pabor kay Vince. And yeah, utang na loob ko yun sa kanya. Sakto rin kasi sa time na yun na wala siyang operation na gagawin.
Diko alam kung bakit nagkaganon ang schedule ko eh. Kaya ayon call a friend ang peg, nagka utang na loob pa tuloy ako.
*beep beep* tumayo na ako sa pagkakaupo ko nang marinig ko ang bosenang yun. I know it's Vince. Kilala na rin siya nang mga magulang ko nang minsang hinatid niya ako pauwi.
Lumabas na ako nang bahay. I'm wearing a purple off shoulder cocktail dress partner with skintone 4 inch high heel. Nakalugay lang ang buhok ko. Nag light make up din ako. I don't like wearing a heavy make ups, nakakairita eh, hindi ako sanay.
Nasa tapat na ako nang gate nang bumaba si Vince sa sasakyan niya. I smile when he approach me. Mukhang natigilan siya nang makita ako nang malapitan kaya pinitik ko ang noo niya para matauhan.
"Ouch, para saan yun?" Aniya na nakahawak sa noo niya.
"Tulala ka kasi" sabi ko at nag smirk sa kanya.
"Well, nakakatulala kasi ang kagandahan mo, halatang pinaghandaan" aniya kaya napangiwi ako. Siya tong may sabi na magpaganda ako kasi gwapo 'daw' ang ka date ko. Hmp. 'Bakit mo naman sinunod?' sabi nang isip ko. Aist.
"Heh, tara na nga. Nambubola ka na naman eh" ako at nauna nang sumakay. He chuckles before heading to the drivers seat.
Vince is very handsome in his suit. Hindi na maitatanggi yun. He's wearing a white turtle neck inside and a black suit outside. Perfect match. It suits him well. Kahit medyo messy nag buhok niya ay bumagay naman ito sa kanya.
"Turtle neck? Talaga lang hah, ang init sa Pilipinas." Untag ko.
"Bagay naman diba? Tsaka, ito yung uso na style eh, Gwapo ko diba?" Tanong niya na nag po-pogi pose pa.
"Hmm, pwede na" pang aasar ko sa kanya. Kaya hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Natatawa naman akong tumingin sa kanya.
"Aishh" hahaha gusto ko siyang tawanan pero baka mas mainis at hindi kami makarating sa venue.
Mabilis lang kaming nakadating sa venue. Hindi boring ang byahe kasi nag aasaran kami.
"We're here" aniya kaya nag ayos na ako at tinanggal ang setbealt ko. Baba na sana ako nang mabilis na umikot si Vince papunta sa pintuan ko at siya ang nagbukas dito nang makalabas siya nang kotse.
"Milady" aniya at inilahad ang kamay niya. Natatawa naman akong humawak sa kamay niya.
"Gentle dog huh" sabi ko kaya sinamaan niya ako nang tingin. Pfft. Ang bilis lang asarin.
"Ako na nga tong- aisht" siya at kinawit ang kamay ko sa braso niya. Pfft hahahhaaha
"Tara na" ako at ngumiti sa kanya.
Umirap lang siya sa akin at iginayak ako papasok sa loob.
Malapit na kami sa school ground at kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba magkikita kami dito? Aisst. Iwan ko. Bahala na talaga.
Huminga ako nang malalim at mas kumapit pa sa braso ni Vince tsaka ako ngumiti.
Bahala na talaga.
Naglakad na kami papunta doon at kitang kita ang mga ka batch mate ko may ibang diko kilala na nasa table nila umiinom. Grrr.
"You okay?" Tanong ni Vince sa akin.
I smile and nod to him to assure him I'm okay, even if I'm not. Kinakabahan talaga ako.
"Wahhhhhhh Veinnnnnnnnnn" dinig kong tawag sa akin kaya napalingon ako don.
---------------------------
^_^
Hope you like it.
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...