Nakatulog agad ako nang makarating ako sa room ko. Kasama ko si Len dito na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin. Napahaba tulog ko. Bukas pa kami mag sa-start kaya ngayon magliliwaliw muna ako.
*kruuuuu* ay tae, gutom na ako. Papagabi na rin kasi di man lang ako nakapag lunch. Wala akong magawa rito sa kwarto kaya nagpasya akong bumaba nang hotel para kumain.
Pagkarating ko sa baba ay nakita ko ang ibang kasama namin sa medical mission na kumakain na rin. May ibang bumabati sa akin kaya nginingitian ko nalang.
Nasa harapan na ako nang tindera nang may tumabi sa akin kaya napatingin ako rito. Nakita ko si Elton na tumitingin rin sa mga pagkain.
"Hey" sabi niya at ngumiti. Kalma lang Vein, ngiti lang yan.
"Hi, kakain ka na rin?" Tanong ko rito. Obvious naman.
"Yup" aniya at namili na nang pagkain.
Kumuha narin ako nang akin pagkatapos ay naghanap na ako nang mauupuan. May nahanap akong bakante kaya doon na ako umupo, diko alam na sumunod lang pala si Elton sa akin at naki upo rin sa mesang napili ko.
"Paupo ah" aniya. 'Nakaupo ka na nga, may magagawa pa ba ako'. Tumango tango na lang ako.
Tahimik lang akong kumakain nang basagin niya ang katahimikan.
"Vein" tawag niya sa akin
"Hmm" tanging tugon ko.
"Ahhm, wala, wala" aniya at nagkamot nang batok. Nagpatuloy na lamang ako nang pagkain nang may naglapag nang pineapple juice sa mesa ko.
Napatingala ako at nakita ko si Vince na may malawak na ngiti sa labi.
"Salam-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Elton.
"She don't drink Pineapple juice" aniya na nakatingin sa akin. Nailang ako kaya nag iwas ako nang tingin.
"And why is that?" Tanong ni Vince.
"Allergic siya sa pineapple" sabi ni Elton. Napatungo na lang ako. Yeah, he's right. Allergic ako sa pineapple. Naaalala pa rin pala niya kong saan ako allergic.
Tumingin naman si Vince sa akin.
"I'm sorry" mahinang sabi niya.
"It's okay, upo kana. Sabay ka na saming kumain" sabi ko at nginitian siya. Ngumiti naman siya at umupo sa tabi ko.
"Sa susunod kasi alamin mo muna kung ano ang ayaw at gusto niya, alamin mo ring muna kung ano yung mga nakakasama sa kanya" sabi ni Elton habang nakatingin sa pagkain niya.
Nakita ko naman ang pag igting nang panga si Vince kaya hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya.
Tumingin siya sa akin kaya nginitian ko siya.
'Don't mind him' sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at kumain.Tahimik na ulit kaming kumain nang binasag ulit ni Elton ang katahimikan.
"Vein, do you remember nung kumakain tayo sa cake shop noon, yung nag order ka nang carrot cake para ipakain kay patty, yung aso natin dati" natigilan ako pero dahan dahan ding napangiti. Yeah, si patty. Miss ko na siya.
"Hmm, tapos pinakain natin yun sa kanya, tapos ayon nagka LBM ang aso. Pwede pala yun. Hahaha nasira yung tyan niya dahil sa carrot cake" pagpapatuloy ko sa sinasabi niya.
"Oo, tapos ayon, buti nalang nadala natin kaagad sa doctor nang mga hayop, don mo nga naisip na mag doctor diba. Tapos ngayon doctor kana, pangarap mo lang dati yan. I'm so proud of you" Natigilan ako sa sinabi niya. Proud siya sakin? Parang may parte sa puso ko na nagtatatalon sa tuwa. Proud siya sakin.
"Proud din naman ako sayo, natupad mo rin pangarap mo" sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Done, mauna na ako" nabalik ako sa katinuan nang magsalita ang katabi ko. The way he said that, ang lamig. Anong nangyari don? Parang may parte sa puso ko na kinurot dahil don.
Ano bang nangyayari sa akin? Aisst.
Naglakad na siya palayo habang ako ay nakatuon lang ang tingin sa papalayo niyang pigyura. Parang naninikip ang dibdib ko habang lumalayo siya sa akin.
Ano na ba tong nangyayari sa akin? Litong lito na ako. Kanina lang masaya ako kasi proud sa akin si Elton, tapos ngayon naman parang ang lungkot ko dahil kay Vince. Argh.
Sa mga nararamdaman ko ngayon ay parang naninibago ako.
Na experience ko na to dati, noong boyfriend ko pa si Elton. Pero kakaiba to ngayon parang mas intense.
Parang, argh I can't explain.
---------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...