Chapter 12 √

93 9 0
                                    

Alas 2 palang nang madaling araw ay bumangon na ako at nag ready na. Mamayang alas 3 na ang punta namin sa medical mission. Two to three hours din daw kasi ang byahe papuntang Tarlac kaya kailangang maaga.

Kulang na kulang ang tulog ko kaya ito ang laki laki nang eyebags ko. Kasi naman, 11 pm na ako nakauwi rito sa condo, may naka schedule kasing surgery sa akin at natapos malapit na mag 11, chineck ko pa ang mga dadalhin ko sa medical mission, matagal ko nang niready ang bagahe ko for 2 weeks medical mission kaya chineck ko nalang para ma sure na wala akong maiiwan o makalimutang dalhin.

Mga 12 na ako nakatulog kaya ito ako ngayon parang Zombie, buti na nga lang at mag insist si Vince na sunduin ako eh. Dalawang oras lang tulog ko sh*t sakit nang ulo ko. Para akong may hang over.

Para matabunan eyebags ko ay naka sun glasses ako. Para akong baliw nito, ang dilim sa labas tapos naka sun glasses ako.

Naka sweater at baggy pants lang ako para komportable sa byahe. Napagpasyahan namin na sa kompanya na nila Elton magkita kita kasi company van naman kasi nila ang gagamitin namin.

Nakarating si Vince dito sa condo na naka sun glasses din kaya pagkakita namin ay pareho kaming natawa.

Kasama ko siya sa surgery kanina kaya alam kong puyat din yan.

"Good morning, akin na yang bagahe mo ako na magdadala" sabi niya sakin at ngumiti. He's wearing baggy pants also and an oversize shirt na color maroon na bumagay sa kanya dahil maputi siya.

"Good morning din" I said and yawn. Argh inaantok pa talaga ako. Binigay ko sa kanya ang dalawang maleta ko at nauna nang maglakad sa kanya.

"Hahaha, matulog nalang tayo sa Van mamaya" aniya at dinampot ang dalawang maleta ko may dala rin akong backpack na naglalaman nang mga papeles and other personal things. "Ano ba naman tong dala mo, don kana ba titira?" Natatawang sabi niya habang hila hila ang maleta ko.

"Two weeks tayo don noh, kaya kailangang madami akong damit na dala" asik ko at inismiran siya.

Nauna na akong pumasok sa kotse niya dahil nilalagay pa niya sa likod ang mga gamit ko.

Matapos niyang malagay ay nagpunta na agad siya sa driver seat at nag drive. Habang nasa byahe kami papunta sa kompanya nila Elton ay diko maiwasang humikab, argh inaantok na talaga ako.

"Pigilan mo yang antok mo, maya ka na matulog sa van" sabi niya at humikab.

"Pigilan mo rin yang antok mo at baka mabangga tayo" saad ko rin. Kanina ko pa kaya napapansin ang paghikab niya.

"Don't worry hindi naman kita ipapahamak" saad niya.

Sa buong byahe namin papunta sa kompanya ay puro asaran at tawanan ang ginawa namin para hindi kami antokin. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa kompanya at pagkababa ko ay nakita ko si Len doon.

Kasama rin kasi siya sa mga nurse na isasama sa medical mission.

Pagkababa ko ay kukunin ko na sana ang maleta ko nang inunahan ako ni Vince.

"Ako na magdadala nito, ito nalang bagahe ko ang dalhin mo, hindi naman to mabigat" aniya kaya hindi na ako umangal pa.

"Salamat" matipid na sambit ko.

Kinuha ko ang maleta niya, hindi nga siya mabigat parang ilang piraso lang nang damit ang nilagay niya rito.

Naglakad na kami papunta sa mga kasamahan namin at sumalubong kaagad sa akin si Len na may mapanuksong tingin.

"Ikaw ah, may pa glasses pa, couple couple lang ganon, matchy matchy aist, sana lahat. Hahahha pero anong trip niyo at naka sun glass kayo?" ang ganda nang bungad nang isang to. Sarap batukan, nagbibigay kaagad nang malisya eh.

"Good morning din hah, panakip eyebags lang to.... Bwesit ka" sabi ko.

Napakamot naman siya sa batok.

"Oo nga pala, good morning. Pareho pa talaga kayong may eyebags ahh" aniya na hindi nawala wala ang mapanuksong tingin nito.

"Argh, malamang kagagaling namin sa surgery, 11 na natapos tapos ang aga pa nang byahe, Kulang na kulang ang tulog ko. Peste ka tumahimik ka nalang at sumasakit ang ulo ko sayo. Inaantok ako" inis na sabi ko.

"Chill, hahaha. Ilagay mo na nga yang bagahe niyo don sa Van" sabi niya.

Agad naman akong naglakad papunta sa van. Akmang bubuksan ko na ito para ilagay ang bagahe nang may kumuha sa bagahe ko at siya na ang naglagay sa Van.

"Thanks" sabi ko kay Elton. Yeah, si Elton.

Tumango lang siya sa akin, pumasok na ako sa Van at puwesto na ako sa may likod, nakaupo na ako ron nang may umupo sa tabi ko. Akala ko kung sino, si Vince lang pala.

"Tulog muna tayo" sabi niya at idinantay ang ulo ko sa balikat niya at pinatong naman niya ang ulo niya sa ulo ko. Hindi na ako naka angal pa dahil komportable naman ako sa pwesto ko.

Antok na antok na ako kaya diko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Goodmornight baby, sleep well" bago ako lamunin nang kadiliman ay nadinig ko pa ang sinabing iyon ni Vince at ramdam ko ang pagdampi nang labi niya sa noo ko.

----------------------------

^_^

Opening My Heart Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon