Naalimpungatan ako nang may tumutusok tusok sa pisngi ko.
"Hmmm" asik ko rito.
"Wake up now baby, nandito na tayo" dinig kong sabi nang isang pamilyar na boses.
Minulat ko ang mata ko at agad akong napa atras nang makita ko si Vince na napakalapit nang mukha sa akin. Dahil sa pag atras ko ay nauntog ang ulo ko sa sasakyan.
"Ouch" Sh*t, oo nga pala nasa byahe kami.
"Oh, yan kasi eh" aniya na nagpipigil nang tawa. Peste. Nakakahiya.
"Baba na tayo, tayo nalang ang naiwan" aniya kaya bumaba na kami.
"Kamusta naman tulog mo?" Tanong niya habang pababa kami.
"Okay naman, salamat" sabi ko at ngumiti.
"Good" aniya at ngumiti.
Pagkababa namin ay bumungad sakin ang maraming puno. Wow, nalanghap ko rin ang fresh na fresh na hangin.
Napangiti na lamang ako.
Nabalik ako sa katinuan nang may kumurot sa tagiliran ko.
"Oii, ikaw hah, ang kyut niyo matulog. Hehehe may picture pa nga ako eh. Ang landi niyo. Haha" sabi ni Len na siya palang kumurot sa akin. Tumatawa pa ang bruha.
"Aisst, delete mo nga yan" asik ko sa kanya nang pinakita niya ang mga pictures.
Naka akbay si Vince sa akin na natutulog at ako naman ay himbing na himbing ang tulog sa balikat niya.
"No, bleh. Ang kyut kaya hehe" aniya at nagsimulang tumakbo paalis. Hahabulin ko sana pero diko na naabutan.
Naglakad na lamang ako papunta sa likod nang Van para kunin ang gamit ko nang makita kong bitbit na ito ni Vince. Kaya kinuha ko ito sa kanya. Nakakahiya naman noh, palagi nalang niya itong binibitbit.
"Ako na, ito nalang dalhin mo" sabi niya at binigay sakin ang maleta niya.
"Aist ako na niyan, mabigat yan eh" asik ko sa kanya.
"Ako na, mabigat nga diba. Sige na ako na nito" aniya at ngumiti. Hays hindi ako nananalo kapag ganito na ang usapan kaya bumuntong hininga na lang ako at tumango.
Nasa likod niya lang ako dala dala ang maleta niya nang may kamay na humawak sa maletang dala ko.
Napatingin ako sa gumawa non at nakita ko si Elton na nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay kong nakahawak sa maleta.
Nandito na naman tong pamilyar na feeling na nararamdaman ko. Ang bilis na naman nang tibok nang puso ko.
"Ako na ang magdadala" sabi niya at kinuha ang maletang dala ko.
"Hindi, ako na. Magaan lang naman." Sabi ko. Ayoko talaga ipadala sa kanya, kay Vince to eh, gusto kong ako ang magdala nito eh.
"Hindi, ako na" aniya at kinuha ang maleta at naglakad na paalis. At ito naman ako, natuod na sa kinatatayuan ko.
"Oiii, kanina si Vince ngayon naman si Mr. Gonzales. Haba nang hair mo Doc" asar sa akin ni Len. Paano to napunta dito. Ang sarap bigwasan nang babaeng to.
"Heh, tumahimik ka nga" asik ko at naglakad na paalis. Nakarating kami sa isang hotel malapit lang sa pagdadausan nang medical mission namin. Hindi siya ganon ka moderno pero maganda naman.
"Don't let her carry your things" dinig kong sabi nang isang pamilyar na boses. Hinanap ko ang saan yun nagmula. Nakita ko si Elton at Vince na nagtitigan. Ramdam ko rin ang tensyon sa kanilang dalawa.
Lumapit ako sa kanila at kinuha ang gamit ni Vince kay Elton.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ko at tumabi kay Vince. Ramdam ko pa rin ang tensyon sa pagitan nila.
"Wala" sabay na sabi nila.
Alam kong merong nangyari eh. Tsk. Bahala nga sila.
Binigay na sa amin ang room number namin. Naglakad na sana ako papunta sa taas para makapagpahinga nang madinig kong nag aagawan sila Elton.
"Ako na kasi magdadala" asik ni Vince.
"Ako na, magkalapit lang naman ang room number namin" saad ni Elton. Hawak ni Elton ngayon ang isang bagahe ko na hawak rin ni Vince. Ano ba naman tong pinaggagagawa nila? Nakakakuha na sila nang atensyon.
"Hey tama na yan, ako na nga lang magdadala" sabi ko. Naiinis ako sa kanila. Yan lang ay pinag aawayan na. Tapos pagod na pagod ako sa byahe kahit nakatulog ako, at inaantok pa rin ako, tapos nag aaway kung sino magdadala sa maleta ko, aist nakakainis.
Kukunin ko na sana ang bagahe ko nang bitawan ito ni Vince kaya napunta ito kay Elton.
"No, gusto niyang dalhin yan, sige, siya na magdala. Hindi naman ako mapilit." sabi ni Vince at naglakad palapit sa kin. Dala dala niya ang bagahe niya at iniwan ang bagahe ko na dinadala na ni Elton ngayon. Pagkalapit na pagkalapit niya sa akin ay hinapit niya ang bewang ko at isinabay sa paglalakad niya.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang pagngisi niya.
"Gusto niya dalhin ang bagahe mo, edi siya na magdala. Ang nagmamay ari nalang nang bagahe ang dadalhin ko. Mas gusto ko pa" sabi niya. Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. What the.....
Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya ay tumingin siya sa akin at ngumiti.
Napapailing nalang ako.What just happened?
---------------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...