Chapter 1
Masyado akong nasasaktan sa nakikita ko ngayon. I want to scream to release this painful feeling building inside me right now but I can't, napako ako sa kinatatayuan ko.
My fiance and one of my bestfriend are naked, making love in our bed. Ang sakit. Gusto ko silang saktan pero diko magawa kaya imbes na pumasok ako nang tuluyan sa kwarto ay dahan dahan akong lumabas.
Patuloy na umaagos ang luha sa mata ko. Alam ko naman eh. Alam kong niloloko nila ako pero ang sakit pa rin pala kapag nasa harap mo na ang katotohanan.
Kahit na hinang hina ako ay naglakad ako paalis habang nakahawak sa pader upang kumuha nang lakas.
Dinig na dinig ko pa rin ang mga ungol nila rito na mas nakakapagdulot nang sakit sa puso ko.
Lakad lang ako nang lakad nang masagi nang kamay ko ang picture frame namin ng fiance ko sa dingding na naging dahilan nang pagkahulog nito.
Nabasag ito sa sahig kaya alam kong narinig nila ito. Nagpatuloy lang ako sa pag alis upang hindi nila ako makita.
" Vein" dinig kong tawag ni Elton. My fiance. Kaya dali dali kong pinahid ang luha ko at humarap sa kanya. Pero pagkaharap na pagkaharap ko sa kanya ay mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko.
"Elton" basag ang boses ko nang tinawag ko siya. I forced a smile. I don't know. Diko na alam gagawin ko eh.
Messy hair, red lipstick everywhere naka boxer lang din siya.
"V-vein, I-I'm sorry, I-i can explain" saad niya na mas nakapagdulot nang sakit sa akin. I forced a smile again kahit tulo nang tulo ang luha ko. Mas nagpakatatag ako ngayon kahit sobrang nanghihina na ako.
"Ahm, alis na ko" I manage to say between my sobs. Akmang aalis na ako nang hawakan niya ako sa braso para pigilan.
"I'm sorry" saad niya ulit at kitang kita ko ang pagtulo nang luha niya. I forced a smile again. Ito nalang ang kaya kong gawin. Iwan ko, diko alam, gulong gulo ang isip ko. Gusto kong magwala pero diko magawa. Nakakaya ko pang ngumiti kahit nasasaktan ako. D*mn, bakit ako ganito?
"E-elton, alam kong gusto mo nang tapusin ang satin" I said forcing not to stutter but it still happened. Pumipiyok na rin ang boses ko dahil sa pag iyak ko. Mas lalo siyang napaiyak dahil sa sinabi ko at umiling nang umiling.
" N-no, no, no " paulit ulit niyang sabi. Hinawakan ko siya sa pisngi at pinahid yung luha niya.
" Hon, pareho lang tayong masasaktan kapag nagpatuloy pa tong relasyon natin" sabi ko na hindi man lang nauutal. Gusto ko nang tapusin, kasi ang sakit sakit na. Siguro ito yung kailangan ko, ito ang dapat kong makita para tigilan ko na ang katangahan ko.
"H-hon, n-no, no p-please. I love you. I'm really sorry, Don't leave me" sabi niya sa akin. Mas lalong nadurog ang puso ko dahil sa sinabi niya. 'Mahal mo ako pero bakit mo to nagawa sakin'. Gusto kong isumbat sa kanya yun. Gusto kong sabihin yun. Pero di ako makapagsalita dahil sa sobrang sikip na nang dibdib ko. Ang sakit sakit. Galit na galit ako na iwan ko, na may parte pa rin sa akin na ayaw kong magalit sa kanila. 'Di ko na alam, parang naghalo halo na lahat ng nararamdaman ko
Pero ayokong makita syang nasasaktan. Mahal ko siya at masakit sakin kapag nakita siyang nasasaktan. Pero ayoko na ring magpakatanga, ang sakit sakit na.
Akmang kakalasin ko na ang pagkahawak sa pisngi niya nang niyakap niya ako kaya ang panghihina ko ay mas nadagdagan. Pareho kaming umiiyak. Masyadong masakit kaya kailangan ng wakasan.
"Elton, kung nagkulang man ako sayo. I'm sorry. Elton tapusin na natin to" sabi ko na mas nakapag paiyak sa kanya. Dinig na dinig ko na ang paghikbi niya. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero may parte sa isip ko na sinasabing tama na, tama na ang pagpapakatanga. Palayain mo na sarili mo.
Ang sakit pala, parang nahihirapan na akong huminga. Parang mas nadurog ang puso ko.
We're in that situation ng lumabas sa kwarto si Tria. My best friend. Nakabihis na siya. Nagulat pa siya nang makita ako but I smiled to her.
"Please, no. Vein no please. I'm sorry. Huwag ganito please. Patawarin mo ko" pagmamakaawa niya. Nakita ko ang pagtulo nang luha ni Tria. Tria, my best friend na hindi ko talaga inakala na mangloloko sa akin.
"Hindi mo na ba ako mahal Vein?" Natahimik ako. Mahal na mahal Elton. Gusto ko yung sabihin pero 'di ko magawa. Parang naputol ang dila ko. Hindi ako makasagot sa tanong na iyon.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Nung una ay di niya ako pinakawalan pero nagpumilit ako kaya nakalaya ako sa mga bisig niya.
"Vein, di mo na ba ako mahal? Vein, I love you please don't leave me" aniya.
Huminga ako nang malalim and I forced a smile again.
" I love you that's why I'll let you go" pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako, dahil kunting kunti nalang ay mabubuwal na ako sa kinatatayuan ko.
"Vein, ano? Hindi ka ba magagalit sa akin?" Dinig kong sabi ni Tria.
Hinarap ko siya habang nakangiti.
"Galit ako, galit na galit ako ngayon pero kung hahayaan kong manaig ang galit na yun, 'di ko alam kung anong magagawa ko, for pete's sake your my BEST FRIEND, I trusted you, I trusted you a lot, gustuhin ko man kayong saktan ngayon pero hindi ko magawa" sabi ko at umagos na naman ang mga luha ko.
"VEIN SAKTAN MO AKO, SAKTAN MO KAMI, NILOKO KA NAMIN OH! BAKIT BA GANYAN KA?" sigaw niya kaya mas lalo akong napaiyak at umiling iling. I the guilt in her face. Ayoko, ayoko, simula pa lang ayokong makasakit, pero bakit ganon? Ayokong makasakit kasi ayokong masaktan pero ito ako ngayon nasasaktan.
"Alagaan mo siya Tria ahh" sabi ko at naglakad na paalis. Pero bago ako lumabas ay mapait akong ngumiti sa kanilang dalawa.
"V-vein n-no. I love you" sabi ni Elton. Nakaluhod na siya sa sahig at nakayuko.
Hindi ko na kinaya at umalis na talaga ako doon at doon ko na lahat binuhos lahat nang luha ko pagkalabas ko.
Hindi ko alam na ganito pala talaga kasakit.
-----------------------------
^_^
Sana nagustuhan niyo guys.
Mwua😘
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...