Nagsasayaw kami ni Vince ngayon kasabay namin ang iba. Ang ganda lang nang music saktong sakto sa isang slow dance. Nakalagay ang kamay ko sa balikat niya habang siya ay nasa bewang ko. I don't know kung ano tong nararamdaman ko pero nararamdaman ko sa kanya tong parang kuryente na dumadaloy sa katawan ko kapag hinahawakan niya ako.
Am I ready for this feeling again? Pero ano yung nararamdaman ko kay Elton? Bakit nararamdaman ko pa rin yun sa kanya? Argh. I'm too confused.
"You okay?" Tanong niya sa akin. Ilang beses na niyang akong natatanong nang ganyan. Ilang beses na ngayong gabi. Am I really okay? I don't know.
"Hmm" tanging na isagot ko.
"What's bothering you?" May bahid nang pag aalala ang pagkakatanong niya. Mas hinapit pa niya ang bewang ko sa katawan niya kay napahawak na ako sa batok niya.
"Nothing" tanging nasaad ko na lamang at ngumiti sa kanya. He's staring at me at naiilang ako kaya inihilig ko na lamang ang ulo ko sa may dibdib niya. Mukhang natigilan pa siya sa ginawa ko. Pero kalaunan ay niyakap na niya ako. Komportable naman ako sa mga bisig niya kaya hindi na ako umangal.
We're dancing silently under the shining moon above and it feels so romantic. Handa na ba akong magmahal ulit kung sakali mang mahulog ako sa kanya? Handa na ba talaga ako?
"Can I have a dance with her?" The romantic ambiance between us faded, when a guy named Elton approached us. Gusto niya akong isayaw? Gusto kong umangal pero, hindi ko mahanap ang tamang salita na dapat kong sabihin.
"Sure bro, ingatan mo lang ah, hintay lang ako ron" saad ni Vince. Oh ghad, I want to protest pero para akong nawalan nang dila.
"Vein, hihintayin kita don" pagpapaalam niya. Di man lang ako tinanong kong okay lang sakin na kasayaw si Elton. Argh.Binitiwan na ako ni Vince at ngumingiting naglakad papunta sa table namin.
Lumapit naman kaagad si Elton at hinapit ang bewang ko. Nilagay ko na lamang ang kamay ko sa balikat niya at nakatungong sumasayaw. Hindi ko siya matignan sa mata.
"Hey" pagtawag niya kaya napatingin ako sa kanya pero nabawi rin agad nang mapadako sa mga mata niya ang tingin ko. Mga mata niyang isa sa naging dahilan kong bakit ako nahulog sa kanya.
"Hmm" naging tugon ko.
"I missed you" aniya. I was caught off guard. Nablanko ang isip ko. Wala akong mahanap na salita. Miss niya ako? Nandito na naman yung pagbilis nang tibok nang puso ko. Kakalas na sana ako sa pagkakahawak niya nang mas higpitan pa niya ang paghawak sa bewang ko at diniinan ang paglapat sa katawan niya.
Hindi nalang ako umimik. Ayokong magsalita. Natatakot ako sa mga pwede pa niyang sabihin. Hindi na pwede yun. Hindi na ako mapakali pa sa pagsasayaw namin at gustong gusto ko nang umalis don dahil parang bumabalik na naman ang sakit na naramdaman ko noon.
Ayokong maiyak rito. Ayokong makita niya akong umiyak. Kaya kahit mahirap at nagpumilit akong makalaya sa mga bisig niya na kung noon ay komportable ako at masaya kapag niyayakap niya pero ngayon ay nasasaktan ako kapag ginagawa niya.
Nagtagumpay naman ako at mabilis na naglakad papunta sa table namin.
Pagkaupo ko sa tabi ni Vince ay agad akong nagyayang umuwi sa kanya.
"Vince, lets go home" sabi ko nang may mababang boses. Alam kong narinig niya yun.
"Why? Hindi ka ba nag e enjoy?" May pag aalalang tanong niya.
"Please lets just go home" I said with pleaded eyes.
"Okay, okay. Lets go home magpapaalam lang ako" saad niya at tumango lang ako. Tumayo siya para magpaalam at ako ay nakatungo lang.
"Are you okay Vein?" Tanong ni Rica sa akin na hindi ko namalayan na nasa tabi kona pala.
"Yeah" mahinang usal ko. "Uuwi na kami ah, may trabaho pa kasi" pagpapalusot ko.
Bumuntong hininga siya at tumango.
Niyakap niya ako nang mahigpit."Na miss kita best friend" aniya habang yakap yakap ako.
"Sobrang na miss rin kita." Sabi ko.
Pagkatapos nang yakapan ay sakto ring pagdating ni Vince. Kakatapos lang magpaalam sa mga kaibigan niya.
"Let's go?" Saad niya at nilahad ang kamay niya.
"Hmm" Kinuha ko naman ito at naglakad na kami papaalis.
----------------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...