Nandito na kaming lahat ngayon sa lugar kung saan gaganapin ang medical mission. Nag re ready na ang lahat. Madami na rin ang taong nandito, ni re ready ko na rin ang pwesto ko. Lima lang kaming doctor dito mas marami ang nurse at volunteers.
"Vein, paabot nung isang box nang gamot" utos ni Vince sa akin. Malapit lang kasi sa akin. Inabot ko naman ito kaagad sa kanya.
"Thanks" pagpapasalamat niya sabay ngiti niya at kindat. Kanina pa yan, ngiti nang ngiti, parang wala lang nangyari kagabi. Ilang minuto na lang ay mag sa-start na kami kaya pumwesto na ako, umupo na ako sa monoblock na ni ready ko. I a assist lang kasi nang nurse na naka assign sa akin ang pasyente para matingnan ko.
Nag start na kami at ngayon ko lang napansin na ang dami palang tao.
Lahat kami ay busy sa kanya kanyang ginagawa namin, malapit na mag lunch break at madami pa ring tao kaya kailangan namin mag cut off para makapag lunch.
Nasa kalagitnaan ako nang pag chicheck up nang isang matanda. Nang may lumapit sa akin na bata at inabutan ako nang bulaklak. Red rose siya kaya nagtataka akong napatingin sa kanya.
"Ate, pinapabigay po niya" sabi niya at tinuro ang isang direksiyon.
Tumingin ako don at nagulat ako nang makita ko si Elton don, nagbibigay nang mga pagkain sa mga dumalo. Tumingin siya sa pwesto ko at nginitian niya ako nang makita niyang hawak hawak ko ang bulaklak.
Nag iwas lang ako nang tingin sa kanya. Dinig ko naman ang kantsawan nila kaya napapahiya akong bumalik sa ginagawa ko at isinantabi ang bulaklak.
' What's with him?'
Bakit siya nagbibigay nang bulaklak?
Hindi ko na lamang pinansin ang mga iniisip ko at nagpatuloy sa ginagawa.
Natapos ang lunch namin, mabilisan lang kaming kumain para makapag continue kami kaagad dahil masyado pang maraming tao.
Nagsunod sunod pa ang mga pasyente ko nang matapos kaming mag lunch. Unang naging pasyente ko ay isang batang babae na karga karga nang nanay niya. I think nasa mga 8 months pa siya.
"Ano pong sakit nang anak niyo po nanay?" Magalang na tanong ko rito.
"May lagnat po doc, inuubo rin" saad niya. Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Nagbigay rin ako nang gamot sa kanya. May free na gamot kasi kaming pinapamigay.
Dahil sa kakyutan nang bata ay nanghingi ako nang pirmisosa nanay nito para kargahin ko, pumayag naman ang nanay.
"Nay, ano po ang pangalan niya?" Tanong ko.
"Lara po" sabi niya at tipid na ngumiti.
"Baby magpagaling ka ah, ang cute cute mo pa naman" sabi ko at mahinang pinisil ang pisngi nito. Napangiti na lamang ako.
"Buti pa naging baby nalang ako para baby din ang tawag mo sakin" napatingin ako sa pinanggalingan nang boses na yun at nakita ko si Vince na malawak ang ngiting nakatingin sa baby na hawak ko.
"Hah?, pinagsasabi mo?" Sabi ko. Umiling iling lang siya habang may pilyong ngiti sa labi niya.
"Alam mo bagay sayo maging ina" aniya.
"Eh?" Pinagsasabi nito.
"Bagay sa yong maging ina nang mga anak ko" napa awang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Uminit din ang pisngi ko dahil don. Nadinig yun nang iba kaya todo kantsaw naman sila. Habang si Vince ay ngising ngisi na bumalik sa pwesto niya.
"Ayon oh, Pumoporma na si Doc, Marquez kay Doc Mendosa ayieeeeeee... Mga banat mo Doc" malakas na pagkakasabi ng isa pang Doctor na kasama namin.
"Ayieeeeeeeeeeeeeee" kantsaw nila sa amin, nakisali na rin pati ang ibang pasyente. Kaya ako mas lalong namula. Ghad.
Kagat kagat ko rin ang labi ko para mapigilan ang pagngiti ko. Argh VINCEEEEEE..... Binabaliw mo ko.
----------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...