Chapter 19 √

99 11 0
                                    

Habang kumakain kami nang lunch ay di ako mapakali sa kinauupuan ko. Pinuntahan ko si Vince kaninang umaga sa room nila pero wala siya doon. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita.

'Asan ka na ba kasi Vince?'

Nilibot ko na rin ang bawat sulok nang hotel, pero wala siya.

Tanong na ako nang tanong sa mga kasamahan namin dito at alam kong naiirita na sila sa kakatanong ko. Pero wala daw silang nakita eh. Argh. I'm so damn worried. May sinat yun eh, baka ano pang mangyari don. Ilang tawag na rin ang nagawa ko sa kanya pero hindi sumasagot. Ang dami ko na ring text sa kanya.

Hindi na ako nakakain nang maayos dahil sa pag iisip sa kanya. Kahit nga kunti ay hindi ko man lang nakain ang nasa plato ko.

Alam ko naman na kaya na niya sarili niya eh. Pero kasi may sinat siya nung huli kong nakita at naka usap eh.

Masyado pa akong na ge guilty dahil hindi ko natupad ang promise ko sa kanya. Gusto ko rin sana humingi nang paumanhin sa kanya.

"Hey nakikinig ka ba?" Tanong sa akin ni Elton na nakapagbalik sa katinuan ko.

"Hah?" Walang kwentang sabi ko.

"Ahhh wala" aniya at umiling iling.
"Ahhm, ano..... sorry ah. May iniisip lang" sabi ko. Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Okay ka lang ba talaga girl?" Tanong sa akin ni Len nasa tabi ko.

May pag-aalinlangang tumango nalang ako.

'Nasaan ka na ba kasi Vince?' Argh.

Last day nang medical mission namin ngayon kaya kunti nalang yung nagpapacheck up. Mabilis lang din kami natapos kaya nakapagligpit kami agad.

So dahil wala na kaming ginagawa ay pwede na kaming mamasyal, pero ako nandito lang ako sa hotel, naghihintay na umuwi si Vince.

Nasa higaan ako nang room namin nag c-cellphone at nagbabakasakaling sagutin ni Vince ang tawag nang may kumatok sa pintuan. Dali dali naman akong bumangon upang matingnan kung sino ang kumatok at nagbabakasakali na ring si Vince yun.

Pagkabukas na paglabukas ko nang pinto ay bumungad sa akin si Elton na bihis na bihis. Nanlumo ako dahil akala ko si Vince na.

"Elton ikaw pala, may kailangan ka ba?" Pilit kong pinapasigla ang boses ko.

"Ahhhm.... Ano..." Ang tagal naman magsalita nito. Hawak hawak niya rin ang batok niya. Ganito siya noon kaoag kinakabahan.

"Pwede ba tayo mag usap?" Nag aalinlangang tanong niya. Ano naman pag uusapan namin? Napatitig ako saglit sa kanya bago ako tumango.

"Ahm, sige" maayos lang naman suot ko kaya lumabas na ako at dumireto kami sa rooftop nang hotel.

Pagkarating namin doon ay ang fresh kaagad na hangin ang bumungad sa akin na nakapagpakalma sa buong sistema ko. Kinakabahan kasi ako sa kung ano man ang pag uusapan namin, tapos nag aalala pa ako kay Vince.

"Aherm" agaw pansin ni Elton sa akin.

"Ayy sorry" napapahiyang sabi ko. Nadala lang ako nang kalikasan. "Ano pala pag uusapan natin?" Agad na tanong ko.

"Tungkol sa atin" agad ding sagot. Sa amin? Ano namang sa amin? Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?

"Ahm, I mean... Ano..."

"Ano?"

Lumunok muna siya at bumuntong hininga bago nagsalita. Parang nahihirapan siyang magsalita.

"Vein, una sa lahat sorry, sorry at niloko kita. Sorry sa lahat nang naggawa ko sayo noon. Sorry talaga Vein, kahit habang buhay akong mag sorry gagawin ko mapatawad mo lang ako, hindi ko naman hinihiling na patawarin mo ko agad.........

Natigilan ako sa sinabi niya at namuo ang luha sa mata ko. Hindi ko inaakalang ito ang pag uusapan namin.

"........ Vein, pinagsisihan ko na ang ginawa ko noon. Give me another chance, hindi ko sasayangin yun Vein. Just give me second chance, at gagawin ko ang lahat mabalik lang sa dati ang lahat. Maging masaya lang tayo ulit........

Tumulo na talaga ang luha ko dahil sa mga naririnig ko.

".......... Vein, bumalik ka na sa akin. Diko na kayang wala ka sa piling ko. Mahal na mahal pa rin kita Vein. Vein, please give me another chance to prove to you how much I love you"

"Elton" nasabi ko na lamang iyon sa pagitan nang mga hikbi ko. Nakita ko ang pamumuo nang luha sa mga mata niya.

"Vein, mahal mo pa naman ako hindi ba? Vein, diba? Mahal mo pa ako hindi ba?" Puno nang pag asang tanong niya sa akin. Patuloy lang ako sa kakaiyak. Tumulo na rin ang luha niya sa mata.

Wala akong mahanap na salita na sasabihin sa kanya. Pero nasabi ko na lang ang dapat noon ko pa gustong sabihin sa kanya.

"Mahal kita Elton...."

---------------------------

^_^

Opening My Heart Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon