Nasa office ako nang hospital ngayon. May sarili kasi akong opisina rito. Pagkarating ko ay may nurse na agad na sumalubong sa akin para sabihin ang schedule ko. And after 10 minutes lang ay may operation akong pupuntahan kaya pinag aaralan ko ngayon ang kaso nang pasyente.
Nalaman ko rin na ang anak ni Elton ay mamaya na makakalabas. Good for him.
Kakalabas ko lang galing sa operation. It took 4 hours to finish kaya saktong lunch break na rin.
"Good job to us, Doc Mendosa" Bati sa akin ni Doc. Vicente Dave Marquez. Famous Doctor sa Hospital na ito. Magdadalawang taon na nga siya rito pero ito ang dami nang nag re request na magpa opera sa kanya.
"Good job to us Doc" sabi ko rin at ngumiti sa kanya. Gwapo siya, matangkad at dalawang taon lang ang agwat sa edad ko. I'm 28 so basically 30 na siya. Walang girlfriend pero ready to mingle naman daw sabi niya.
"So, let's have a lunch?, my treat" pag aaya niya.
"Sure" saad ko. Tatanggi pa ba ako. Libre na yun eh.
Naglalakad na kami palabas nang hospital, nagdecide kasi siya na sa labas na kumain kasi sawa na daw siya sa pagkain sa cafeteria dito sa hospital.
He's a jolly person kaya madali lang makisama sa kanya. Mabilis kang magiging komportable sa kanya.
Nasa may front desk na kami nang hospital nang may tumawag sa akin.
"Doc. Mendosa" kaya nilingon ko ito. Nakita ko siyang papalapit sa akin kaya nginitian ko siya.
"Nurse Len" saad ko. Siya yung nurse nang anak ni Elton.
" Doc, buti naabutan pa kita. Good afternoon by the way Doc Marquez" saad nito at nginitian ang katabi ko. Medyo namula pa siya nang ngumiti sa kanya si Doc Marquez.
"So ano yung kailangan mo nurse?" Tanong ko.
"Len nalang po Doc, hehe. Ahm ano po yung pasyente niyo po si Eldon. Lalabas na po ngayon. Gusto daw po kayong personal na pasalamatan nang yaya at daddy niya. Kung pwede po" mahabang litanya nang nurse -este Len.
Nagdadalawang isip ako na pumunta kasi parang natatakot akong humarap ulit kay Elton. Pero kailangan kong maging professional. No personal feelings at work.
"Sure where are they?" Saad ko at ngumiti.
"Ahm, okay lang ba Doc Marquez?" Pagpapaalam ko rito.
"Vince nalang. Ito naman masyadong pormal. Sure why not. Sama nalang ako" saad pa niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya bago kami naglakad papunta sa kwarto ni Eldon.
Habang papalapit kami sa kwarto ay kinakabahan ako. Diko alam kong bakit. Ang bilis nang tibok nang puso ko.
"Are you okay Doc Mendosa?" May pag aalalang tanong ni Vince.
"Ahm, yeah" tugon ko sa tanong niya kahit may kaba akong nararamdaman.
"Ahh, are you sure? You look pale." Aniya.
"I'm okay, pagod lang siguro" pagpapalusot ko.
Tumango tango na lamang siya.
"Tok tok tok" kumatok si Len kaya napunta sa pinto ang atensyon ko.
Mabilis naman itong pinagbuksan nang yaya ni Eldon."Ayy nurse Len, doc. Pasok kayo" saad nito kaya pumasok na kami. Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad kaagad sa akin si Elton, Tria at Eldon. They're laughing, masaya na nga sila. I force a smile bago tumikhim para makuha ko ang atensyon nila.
Lumingon naman sila kaagad sa amin. Nagulat pa si Tria nang makita ako. Si Elton naman ay mas lumawak ang ngiti.
"V-vein" utal na sabi ni Tria. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Aherm, ahm sir, ma'am. This is Doc. Mendosa and Doc. Marquez" pakilala ni Len sa amin. Parang gusto kong umiyak dahil na miss ko si Tria pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Ahm, ma'am, sir. I'm glad natulungan ko kayo sa pagpapagaling nang anak niyo. Eldon be a good boy okay? Para hindi ka na mabalik dito." Saad ko nalamang dahil ayaw kong maging awkward ang sitwasyon.
"Vince," saad naman ni Elton. Magkakilala sila?
"Elton, bro" sabi nang katabi ko at nag apir pa sila.
"So, kamusta naman Eldon?" Tanong nito sa binata. Magkakilala nga.
"Better tito, tito? Is she your girlfriend? She's pretty bagay kayo" sabi ni Eldon kaya nabilaukan ako sa sarili kong laway.
"Ahh haha hindi pa eh. Soon siguro" kaya napatingin ako kay Vince na pulang pula ang mukha.
"Ahm, kung wala na kayong kailangan. Pwede na ba kaming umalis? We're having lunch" magalang na sabi ko.
"S-sige, salamat ulit." Elton.
"It's my job" ako at tipid na ngumiti.
"Aherm, so ano? Aalis na kami may lunch 'date' pa kasi kami" saad ni Vince. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Pinagdiinan pa ang date.
Napailing iling na lang ako. 'Lunch date huh', ang feeling din pala nito.
Tumingin ako sa kanila at kita ko ang pagkuyom nang kamao ni Elton. Nakita ko rin ang mapanuksong tingin ni Len, at Eldon. Napailing iling nalang ako.
"Sure sige, enjoy kayo" saad ni Tria. Hindi na ako nag atubili pa at lumabas na. Pagkalabas na pagkalabas ko ay sumandal ako agad sa pader para kumuha nang suporta. Sh*t bakit nandito pa rin yung sakit. Nanghihina ako, parang pagod na pagod ako.
Habang nasa loob ako ay para ako sinasakal. Nasusuffocate ako. Huminga ako nang malalim bago ako tumayo nang maayos dahil lumabas na si Vince.
"Lets go?" Yaya niya na may masiglang ngiti.
"Lunch date huh?" Sabi ko at naunang maglakad.
He chuckle a bit before walking beside me.
"Yeah, Tara" aniya.
Napailing na lang ako. Grabe to bago ko lang siyang kakilala eh pero ituting niya ako ay matagal na kaming magkakilala.
Wala rin naman akong reklamo. I admit it, I'm comfortable with him kahit bago lang kaming magkakilala.
---------------------
^_^
Ayonnnnn na nga.... Sana nagustuhan niyo.
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...