Chapter 2
"Welcome back Allisa Vein Mendosa" yan ang nakalagay sa banner ng makauwi ako dito sa bahay. Ang saya saya ko at nakauwi na rin ako rito sa Pilipinas.
It's been 14 years since I left Philippines. Naanyayahan kasi ako na maging isang student sa Yale kaya tinanggap ko. Ang laki na kasi nang opurtunidad na yun. Pangarap ko rin talaga yun, ang makapag aral sa Yale.
Yun din kasi ang pinunta ko sa condo namin ni Elton noon. Pero yun pa ang naabutan ko. Ang tagal na pala. 14 years... Wow..
Hayss I'm happy now. Nakapag move on nako.
Ngumiti ako sa pamilya ko at niyakap sila dahil na miss ko sila. Kakarating ko lang at ito ang bungad nila sakin. Ang saya lang.
"Kamusta na ang Doctor namin?" Tanong ni mommy. You read it right. I'm a doctor now. I spent my 14 years studying for my career at ngayong natupad na, I'm so grateful. This is my dream job.
"Better than before" I said with a smile.
"Aww, na miss ka namin" aniya at niyakap ako nang sobrang higpit.
"I miss you all too" sabi ko. Ayon sinunggaban na nila ako nang yakap lahat.
"Libre na check up namin ah", sabi ni tito na nakaani naman ng tawanan.
"Oo ba, basta ba may pagkain ako araw araw eh, okay na yun" biro ko rin sa kaniya. They laughed at my remark.
"Basta pagkain talaga" singit naman ng isang kaibigan ko.
Yeah, nandito rin ang mga kaibigan ko, especially my best friend, not Tria.
Ang saya saya ng naging celebration, all the people I love are here, celebrating for my success and arrival.
Kantahan, tawanan, sayawan at kwentuhan. Na miss ko to. Maging masaya kasama ang pamilya ko at mga kaibigan ko. And I'm so thankful na palagi silang nakasuporta sa akin, sa lahat nang desisyon ko at ginagawa ko ay nakasuporta sila sa akin lahat. At sobra sobrang grateful ako dahil don.
Sa lahat ng paghihirap ko sa mga nakaraang taon ay nasuklian, ang mga iyak ko dahil sa pangungulila ko sa kanila ay naibsan. And I didn't regret all my decisions in life because it made me who I am today.
Pagkatapos ng celebration sa pagdating ko at sa success ko ay nagkapaalaman na, nagsiuwian na sila pati mga friends ko.
Pagkatapos ay nagtungo na ako sa kwarto ko and did my routine at pagkatapos ay sumalampak na ako sa kama para magpahinga.
Nakakapagod na araw, pero napakasaya naman.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod simula pa nang nasa eroplano ako.
---------------------------------------------
Kinaumagahan ay nagpunta agad ako sa hospital na pagtatrabahuan ko.Nandito na ako ngayon sa hospital na pagtatrabahuan ko. Madaming hospital ang gustong kumuha sa akin lalo na at graduate ako sa Yale bilang cum laude. Pero ang Hospital na to ang gusto kong pagtrabahuan.
Hindi naging madali ang pag aaral ko ron lalo na at wasak na wasak ako ng mga oras na yun. Kailangan ko pang mag adjust sa bagong paligid.
"Ms. Mendosa, thank you for accepting our offer to you" sabi nang manager nang Hospital na ito.
Naging practical na ako sa pagpili ng Hospital na pagtatrabahuan ko dahil may plano akong magpatayo ng sarili kong hospital kaya kailangan ko ng malaking sahod upang makapag ipon.
I just smile and nod to the manager.
"So Ms. Mendosa, you can start here on monday. Alam kong kababalik mo lang dito sa Pilipinas kaya alam kong gusto mo pang maglibot. Alam kong masyadong maaga para magsimula pero kailangan namin ang isang tulad mo sa hospital na ito" sabi ni Mr. Chu.
"Okay Mr. Chu, thank you. But I need to go. May kailangan pa akong asikasuhin. See you on Monday then." sabi ko at nakipag kamay sa kanya.
Mr. Chu, the one who owns and manage the hospital, he's a doctor too, a surgeon to be specific.
"See you on Monday" sabi pa niya at tinanggap ang kamay ko.
Pagkalabas ko sa opisina niya ay bumungad sa akin ang amoy ng alcohol at iba pa. Maraming nurse, doctor at pasyente.
Naglakad ako palabas ng may sumigaw sa may emergency room.
"Tulungam niyo po ako. Yung alaga ko po. Please tulungan niyo ako" hindi na sana ako makikialam ngunit wala man lang doctor o nurse na lumapit dahil parehong busy kaya napailing na lang ako at lumapit sa pasyente.
Agad kong chineck ang binata. May lumapit na nurse at tinanong ang ginang na nagsisigaw kanina. Hindi na ako nakinig pa at pinagtuonan nang pansin ang pasyente.
Mukhang nabagok ang ulo nito dahil may bukol. Dumudugo rin ang kaliwang braso niya. Mukhang galing sa isang aksidente.
"Ma'am excuse me po? Kayo po ba yung bagong doctor?" Usisa nang nurse sa akin.
"Yes" saad ko at pinagpatuloy ang pagche-check sa pasyente. Tumulong na rin sa oag che-check up ang nurse ng matapos niyang kausapin ang ginang. Kung may bali ba at kung ano ano pa.
"Doc, motorcycle accident" inform sa akin ng nurse.
Tinapos ko na ang panggagamot ko at lumabas na sa emergency room.
"Nurse, kayo na bahala diyan. Okay na siya. Ipalipat niyo na siya sa private room" sabi ko.
Hayss. Sa lunes pa sana start ng trabaho ko pero di ko naman kayang pabayaan lang yun. Nagliligtas ako ng tao, kaya kung may maitutulong ako, tutulong ako sa abot ng aking makakaya.
Bago ako umalis sa hospital ay pinuntahan ko muna ang pasyente.
Chineck ko siya at okay naman. Tiningnan ko ang mukha niya. Parang may kamukha siya.
"Doc, salamat po" untag sa akin ng ginang kaya napalingon ako sa pwesto niya na nasa tabi na pala ng kama. Diko napansin.
"Wala po iyon, trabaho ko po iyon, aalis na po ako. Tawagin niyo lang po ang nurse pag may kailangan kayo" sabi ko at tipid na ngumiti.
"Sige po doc, salamat po ulit." aniya.
Naglakad na ako papalabas. Pipihitin ko na sana ang pinto pabukas ng bumukas na lang ito nang kusa at napatigil na lamang ako sa aking kinatatayuan ng dahil sa aking nakita, gulat na gulat akong nakatingin sa kanya. Mukhang nagulat din siya at dahan dahang umawang ang bibig niya.
I didn't expect to meet someone I least expecting to meet.
----------------------
^_^
So ayon na nga guys, hehehe hope you like it.
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...