Chapter 18 √

90 12 2
                                    

Kumakain na kami ngayon at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil nag aalala ako kay Elton. Argh, bakit kasi ang tigas nang ulo eh.

Hindi ko rin nakita si Vince dito sa baba. Ano kaya ang nangyari don?

"Doc, doc si sir Elton po ang taas po nang lagnat" may pag aalalang sabi ng kasama ni Elton sa room.

"Sabi ko na nga ba, bwesit kasi eh. Ang tigas nang ulo" sabi ko bago tumakbo at sinundan yung isang volunteer na kasama ni Elton sa room nila.

Habang nasa elevator ako ay panay tap ko sa sapatos ko sa sahig. Ganito ako kapag kinakabahan, hindi rin ako mapakali.

Nang markarating ako sa floor nila ay akmang papasok na ako sa room nila nang may pumigil sa akin, hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kanya. Isinandal ni Vince ang ulo niya sa balikat ko at ramdam ko ang init niya. Sh*t may sakit din ba to? Malamang Vein, may sinat na nga oh.

"May sinat ka, uminom ka na ba nang gamot?" agad na sabi ko. Tumango tango lang siya.

"Vein, I need you" sabi niya klarong klaro na may iniinda siyang sakit. Dahil sa sinabi niya ay bumilis ang tibok nang puso ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito.

"Pero Vince, kailangang kailangan ako ni Elton ngayon" mahinang sambit ko.

Inangat niya ang tingin niya sa akin. Nakita ko ang pagdaan nang sakit sa mata niya.

"May iba naman diyan eh, may ibang doctor naman diyan. Vein kailangan kita" lumamlam ang mata niyang nakatingin sa akin.

Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon pero kailangan ako ni Elton.

"Vince, ako kasi ang nakakaalam sa dapat gawin kapag nagkakaganyan si Elton eh. I'm sorry. Promise pupuntahan kita sa room mo. Promise, pagkatapos ko rito, pupuntahan kita." Saad ko. Mapait naman siyang ngumiti sa akin at tumango. Dahan dahan niya na rin ako binibitawan.

Ang sakit sa damdamin nang ginagawa niya ngayon pero isinantabi ko muna iyon dahil may taong nangangailangan sa akin. Pagkabitiw na pagkabitiw niya sa kamay ko ay agad akong pumasok sa room nila Elton.

Bumuntong hininga muna ako bago tumungo sa kanya.

Pagkakita ko sa kanya ay awa kaagad ang una kong naramdaman. Ang makakapal na comforter na nakatalukbong sa kanya ay hindi pa sapat sa lamig na nararamdaman niya. May heater na rin na nakaharap sa kanya pero tudo pa rin ang panglalamig niya.

Bago ko pinalabas ang kasama niya ay pinabihisan ko muna si Elton at pinapunasan. Kumuha ako nang malamig na tubig at bimpo para ilagay sa noo niya oara maibsan ang init niya at tuwing tatlumpong minuto ay binabasa ko na naman ito.

Pinakain ko na rin muna siya bago pina inom nang gamot.

Ilang oras na akong nag stay don nang mapagpasiyahan kong lumabas sana para puntahan si Vince, bumaba na rin kasi ang lagnat ni Elton.

Akmang aalis na ako sa kinauupuan ko malapit sa kama ni Elton nang hawakan niya ang kamay ko.

"Don't leave me" mahinang anas nito na nakapikit pa. Halata ang hirap niya sa pagsasalita pero pinipilit niya.

"Vein please don't leave me" saad pa niya.

Wala naman ako sa sariling napatango dahil na rin siguro sa awa. Bumalik na lamang ako sa pagkakaupo.

"I won't leave you" saad ko naman.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid niya. Nagising nalang ako nang may araw na na sumusinag sa mukha ko.

Nagising ako na nasa kama na ako at nakakumot. Paano ako napunta rito. Sh*t si Elton. Agad akong nagpalingon lingon para hanapin siya. Asan na yun?

"Breakfast in bed?" Sabi niya na may malawak na ngiti sa kanyang labi.

Pagkarating niya sa kama ay agad kong sinipat ang noo niya. Hayss salamat, wala na siyang lagnat.

"Wala na, ang galing nang doctor slash nurse ko eh" magiliw na sabi niya.

Napailing na lamang ako.

"Kain ka na, pa thank you ko na sayo sa pag aalaga mo. Salamat talaga ah, salamat at hindi mo rin ako iniwan" sincere na sabi niya. Napangiti na lamang ako.

Matapos kumain ay lumabas na ako ron para maghanda ngayong araw.

Nagbibihis na ako nang maalala ko si Vince.

"Halah, nakalimutan ko yung promise ko sa kanya. Sh*t, sh*t ka Vein" sabi ko sa sarili ko at sinabunutan pa ang ulo ko.

Habang naaaalala ko ang mukha niya habang sinasabi ang mga katagang kailangan niya ko ay nasasaktan ako.

Ang unfair ko sa kanya. Nung kailangan ko siya palagi siyang nasa tabi ko, pero isang beses na kinalaingan niya ako hindi ko man lang siya pinaunlakan. Argh. I'm sorry Vince.

D*mn, masyadong nafocus ang atensyon ko kay Elton.

---------------------

^_^

Opening My Heart Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon