Chapter 17 √

96 10 0
                                    

Ikalimang araw na ngayon sa ikalawang linggo. It means malapit na kami umuwi. Miss ko na ang syudad.

Naging busy kami sa nakaraang araw, inis na inis din ako sa mga araw na yun. Nakakabanas yung kambal. Yung lalaki palagi akong kinukulit. Yung Beatrice naman, masyadong maarte nakakaainis na ang sarap sabunutan.

Buti na nga lang at wala ang kambal ngayon. Nakakainis talaga, araw araw akong binubwesit. Kinukulit pa ako ni Lucas na makipag date sa kanya. Aisshh.

Nililigpit na namin lahat nang gamit na nagamit namin ngayon araw. Ibabalik na namin ito sa hotel.

Mukhang uulan pa ngayon ah. Nasa kalagitnaan kami nang pag aayos nang mga gamit at paglilipat nito sa hotel nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya ang iba ay dali daling binitbit ang mga gamit para hindi maulanan dahil baka mabasa at masira.

Susulong na dapat ako sa ulan para tumulong sa paghahakot nang gamit nang may pumigil sa akin, hinawakan niya ang braso ko para mapigilan ako sa akmang pagsugod sa ulan.

"Dito ka lang, ako na ang tutulong baka magkasakit ka pa" sabi ni Elton at sumulong na sa ulan para tumulong.

Nag alala naman agad ako dahil hindi siya sanay na maulanan at nagkakasakit siya kaagad kapag naulanan siya.

"ELTON, BUMALIK KA DITO, BAKA MAGKASAKIT KA, HINDI KA PWEDENG MAGPA ULAN" sumenyas lang siya sa akin na okay lang siya at tinungo ang mga gamit na dapat hakutin.

"ELTON, ANO BA? BUMALIK KA RITO. BASANG BASA KA NA, MAGKAKASAKIT KA SA GINAGAWA MO. ALAM MONG NAGKAKASAKIT KA KAAGAD KAPAG NAULANAN KA" sigaw ko pa rin para marinig niya. Pero para wala lang sa kanya. Alalang alala na ako rito dahil last na nag pa ulan siya noon ay napakataas nang lagnat niya na kailangan na naming dalhin siya sa hospital.

Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Ang tigas talaga nang ulo eh.

"ELTON, ANO BA. MAKINIG KA NAMAN OH. ANG TIGAS NANG ULO MO. BUMALIK KA NA DITO SABI EH" sigaw ko. Pero ayon pa rin siya patuloy sa paghahakot. Argh, susulong na sana ako nang may pumigil ulit sa akin. Si Vince.

"Hayaan mo siya, gusto niya yan eh. Wala ka nang kasalan kung may mangyarian sa kanya." Sabi niya sakin habang nakatingin kay Elton.

"Hindi, hindi pwede, magkakasakit siya. Hindi siya pwede maulanan eh. Bitawan mo ko, tutulungan ko na sila para mas bumilis" alalang alala nako rito at diko kayang tumunganga nalang.

Akmang susugod na ako sa ulan nang mas hinigpitan pa ni Vince ang kapit sa akin.

"Dito ka na lang ako na ang tutulong, baka magkasakit ka pa" malamig na sabi niya at walang pasabing lumusong sa malakas na ulan at kinuha ang natitirang gamit.

Pabalik na sa pwesto ko si Elton kaya kumuha na ako nang tuwalya para sa kanya. Dalawang towel ang kinuha ko para kay Vince ang isa.

Pagkarating na pagkarating niya sa pwesto ko ay agad ko siyang binatukan bago binigay ang tuwalya sa kanya.

"Alam mo, napakatigas nang ulo mo hah, ang tigas tigas nang ulo mo. Pwede ba makinig ka naman Elton. Alalang alala ako sayo eh. Kasi alam mo na man na kahit kunting ulan na dumampi sayo ay lalagnatin ka na agad. Iwan ko kung anong ka OA-han ang diyan sa katawan mo at nilalagnat ka nalang kahit kunting dampi nang ulan. Tapos ngayon? Ano? Lumusong ka sa ulan. Hindi lang basta ulan, malakas na ulan. Oh pano kung magkasakit ka niyan hah. Alam mong magkakasakit ka pagkatapos niyan. Huwag ka naman magpabaya dahil may mga taong nag aalala sayo. Nakakainis ka Elton. Nakakainis ka, Argh. Huwag mo kong isturbuhin kapag nagkasakit ka talaga" mahabang sermon ko sa kanya kaya kita ko na natigilan siya, unti unti namang kumurba ang labi niya. Kinagat niya pa ang labi niya para pigilan siguro amg pag ngiti niya. Naiinis ako sa nakikita ko.

"Anong nginiti ngiti mo diyan? Masaya ka pang may pinag alala kang tao" sabi ko sa kanya. Nakakainis talaga.

"Hindi ko lang inaasahan na sobra ka pa rin palang nag aalala sa akin" sabi niya at hindi na napigilan pa ang pagtakas nang ngiti sa labi niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. At inisip ko yung mga pinaggagagawa ko. Aisht, sh*t parang napasobra ata yung react ko.

"Tumigil ka nga, magbihis ka na ron" inis na sabi ko at tinalikuran siya. Pupuntahan ko pa sana si Vince para ibigay ang isa pang towel sa kanya nang hindi ko na siya nakita pa.

Ngayon ko lang din na realize na baka magkasakit din si Vince lalo pa at sumulong siya sa ulan.

Aist, nakakainis.

Nalilito na ako sa nararamdaman ko.

Todo todo ang pag aalala ko kay Elton ano na ba tong nararamdaman ko?

Tapos ngayon nag aalala rin ako para kay Vince.

Aist, nakakalito.
----------------------

^_^

Opening My Heart Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon