Nagising ako nang maramdaman kong wala nang tao sa tabi ko. Nagpalingon lingon pa ako sa buong paligid.
"Vince" tawag ko sa kanya. Sh*t nasaan na yun?
Hinanap ko na siya kung saan saan pero wala talaga akong mahanap na Vince. Hindi ko na rin nakita ang maleta niya.
"Ahh, Vein si Vince nauna na" sabi ni John na mukhang galing cr pa. Napatango tango lang ako. Alalang alala ako sa kanya mula kahapon tapos ngayon ganito nalang. Haysss.
Hindi man lang nagpaalam. Kahit note man lang sana o text.
Nanlulumong bumalik na lamang ako sa room ko para mag ayos nang gamit para sa pagbalik namin sa Manila mamaya. Pagkarating ko ron ay wala na si Len at mga nakaayos na gamit niya nalamang ang naiwan. Nag breakfast siguro.
Nakabalik kami sa Manila, para akong lantang gulay. Pagod na pagod ako sa byahe kaya dumiretso agad ako sa condo ko, hinatid ako ni Elton dito. Nagpasalamat lang ako sa kanya tsaka ako pumasok sa condo ko.
Wala akong ganang makipag usap ngayon.
Pagkapasok ko ay agad kong tinungo ang kwarto ko at nahiga sa kama.
Nabalik na ako sa pagtatrabaho sa hospital. Naging busy ako sa mga linggong dumaan.
Namomroblema din ako kay Vince kasi simula nong medical mission ay napapansin ko na ang pag iwas niya sa akin. Nasasaktan ako kapag ginagawa niya yun.
Ang masakit pa kapag may surgery na isasagawa at dapat kaming dalawa ang magsasagawa ay tumatanggi siya. Kesyo daw busy siya, kesyo daw may iba pa siyang gagawin.
Kapag nagkakatagpo rin kami sa mga hallway nang Hospital ay nilalampasan niya ako na parang hangin. Ang sakit, sobra. Diko alam kung ano yung problema.
Kakatapos ko lang sa isang surgery, gabi na kaya nagmadali na akong umuwi nang makita ko si Vince na papasok nang Hospital. Babatiin ko na sana siya nang lampasan niya lang ako.
Huminga na lang ako nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad, pinipigilan ko ang pagtulo nang luha sa mata ko.
'Vein, intindihin mo nalang siya, baka may problema' pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
Naglalakad na ako papasok sa condo ko nang may tumawag sa akin.
"Vein" agad naman akong napalingon. Nagulat pa ako nang makita ko si Tria.
"Vein, can we talk?" Tanong niya.Napatango tango lang ako sa sinabi niya at sininyasan siyang sumunod papasok sa condo. Agad naman niyang naintindihan kaya pumasok na siya.
Binuksan ko na ang pinto at pinapasok siya.
"Upo ka, kukuha lang ako nang maiinom" sabi ko at dumiretso sa kusina para kumuha nang juice. Strawberry juice, her favorite.
Nilapag ko na ang juice at umupo na sa couch.
"Kamusta?" Sabay na sabi namin kaya medyo natawa kami.
"Ikaw na mauna" sabay pa rin na sabi namin kaya mas natawa kami.
"Ah, okay naman. Ano palang pag uusapan natin?" Diretsong saad ko. Wala ako sa mood makipagchika ngayon, pagod ako.
"Ahm..... Vein sorry sa disturbo ahh. Vein nandito ako para mag sorry sa nagawa ko sayo noon, alam kong matagal na yun, pero kasi hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako. Sinira ko ang pagkakaibigan natin. Nakokonsensya ako kasi nagawa kitang saktan, nagawa kitang pagtaksilan sa kabila nang pagiging mabuting kaibigan mo sa akin. I'm sorry Vein. I'm so sorry" sabi niya na tumutulo ang luha sa mata niya.
Mapait akong napangiti.
"Tria, sa totoo lang napatawad na kita. Tria, matagal na yun eh. At kilala mo ko, di ako yung taong nagtatanim nang galit sa isang tao. Tria kalimutan nalang natin yun." Sabi ko sa kanya. Tumulo na rin ang luha sa mata ko.
Na miss ko yung best friend ko. Nang marinig niya yun sa akin ay agad niya akong niyakap.
"Salamat, salamat Vein, promise magiging mabait na kaibigan ako sayo, kung pwede pa nating ibalik ang dating pagkakaibigan natin" saad niya sa pagitan nang paghikbi niya.
"Oo naman, best friend na ulit tayo" ako at mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Thank you, best friend" natawa naman kami pareho.
Nagkwentuhan pa kami nang ilang oras para wala lang nangyari sa aming dalawa. Balik kami sa dati. Ang saya lang at bati na kami. Kinuwento niya sakin yung pagbubuntis niya kay Eldon. Tawa lang ako nang tawa sa kanya.
Umuwi na siya pagkatapos non dahil late na rin. Para ako nabunutan nang tinik sa dibdib ngayong nagka ayos na kami ni Tria.
Dahil sa nangyari ay parang nakahinga na ako nang maluwag. Isa nalang talaga. Si Vince, kailangan ko na talaga siyang kausapin. Kailangan ko nang malaman kung bakit niya ako iniiwasan. Kung bakit ganoon ang trato niya sa akin.
-------------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomantizmOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...