Nang una ko siyang makita sa operating room ay nahihiwagaan na ako sa kanya. Alam niyo yun parang curios na curios ka sa isang tao. Yun yung naramdaman ko nang makita ko siya. Kaya ayon nang mabigyan nang pagkakataon ay sinunggaban ko na agad.
Kinapalan ko na ang mukha ko at nakipag usap sa kanya. Sa una ay nahihiya pa ako sa mga kinikilos ko kasi naman para akong feeling close sa kanya, pero akala ko maiirita siya pero hindi, hinayaan niya lang ako.
Nakilala ko siya bilang isang mala anghel na babae, maganda, mabait, lahat lahat na. Pero sabi nga nila ay walang perfect na tao, lahat may flaws.
Nang malaman ko ang tungkol sa ex niya na niloko siya dahil na rin sa kwento niya. At nakita ko kung paano siya umiyak nang e-kwento yun ay naisip ko kaagad na hindi ko na hahayaang mangyari yun, hundi ko siya hahayaang masaktan ulit. Po-protektahan ko siya. Yun agad ang pumasok sa isip ko dahil angga katulad niyang tao ay hindi deserve na masaktan nang ganoon.
Dahil sa sinabi niya ay tuluyan na akong sumaludo sa kanya. Kahit sinaktan na siya, di man lang siya nanakit para ipaghiganti ang ginawang panloloko sa kanya.
Ang sarap niya magmahal, na kahit may nagawa ka, mas nananaig ang pagmamahal niya sayo. And I want to feel that kind of love.
Ang tanga tanga lang nung mga nanloko sa kanya. Hinayaan nilang saktan ang taong katulad niya. Kumulo rin ang dugo ko dahil sa Elton na yun. Magkakilala kami ni Elton pero hindi kami ganon ka close. Nagbabatian lang kapag nagkikita.
At nang malaman ko ang ginawa niya parang gusto ko siyang bugbogin. Gusti ko siyang saktan. Parang gusto kong ako yung gumanti para kay Vein.
Lumipas ang panahon ay masyado na akong napalapit sa kanya dahil na rin sa promise ko na tutulungan ko siya. Nang dahil doon ay namalayan ko na lamang na nahuhulog na pala ako sa kanya.
Akala ko magiging madali lang ang lahat, pero hindi pala. Nang makita ko kung paano siya mag alala kay Elton ay para akong nabuhusan nang malamig na tubig. Napaisip na lamang ako. Mahal niya pa ba talaga yun? May pag asa pa ba ako?
Mas lalo akong nasaktan nung pinili niya si Elton na alagaan kaysa sa akin. Napatawa na lamang ako nang mapakla, dahil sino ba ako? Sino ba ako para alagaan niya? Sino ba ako sa buhay niya?
Hiniling ko na lamang nun na sana tuparin niya ang pangako niyang pupuntahan ako para maalagaan ako. Pero ilang oras akong naghintay ay hindi siya dumating. Ang sakit, ang sakit sakit nang nararamdaman ko. Umasa ako eh. Asang asa ako na pupuntahan niya ako. Iniisip ko pa lang na alagaan niya ko ay parang ang sarap na sa pakiramdam.
Kaya kinaumagahan non ay umalis ako para mag inom, nakita ako ni Beatrice don kaya sinamahan niya ako. Hindi naman ako nagpakalasing nun. Nang bumalik ako sa sasakyang hiniram ko ay nakita ko ron ang cellphone ko.
Pagbukas ko ron ay nagulat ako sa dami nang text at missed calls niya sa akin. Kaya dali dali akong umalis sa lugar na yun para puntahan siya. Nakaramdam ako nang saya dahil dun kasi nalaman ko na nag aalala siya sa akin.
"Hayy nako Vince, buti nandito ka na. Kanina pa nag aalala si Vein sayo" sabi ni John kaya napangiti ako. Nag aalala siya sa akin. Kaya agad ko siyang hinanap, may nakapagsabi sa akin na nasa may garden daw siya. Ngiting ngiti naman akong pumunta don.
Pero nawala ang ngiti ko nang makita ko sila ni Elton don. Parehong umiiyak. Sa tanong ni Elton kay Vein na mahal pa ba niya ito ay mas tinuon ko ang atensyon ko.
Humihiling ako na sana hindi na, na sana hindi na niya mahal si Elton.
Pero nabasag ako nang marinig ko ang sagot niya.
"Mahal kita Elton" dahil don ay tuluyan na akong nawasak. Wala na ba talaga akong pag asa? Tumulo na ang luha sa mata ko at nanikip na narin ang dibdib ko. Ang sakit. Ang sakit sakit kaya tumakbo ako pabalik sa kotse ko at nag drive pabalik sa bar. Uminom ako nang uminom.
Nandoon pa rin si Beatrice, sinamahan niya akong magpakawasak.
She even give me advice and appreciate it kasi yun yung kailangan ko. Yung may taong nag che-cheer up sa akin. May taong dadamay sa akin.
Nang makauwi naman ako sa condo ay naging masaya ako sa saglit na panahon at nabuhayan ang pag asa sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pag aalaga niya sa akin nung gabing yun. Nasabi ko rin ang nararamdaman ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at bumungad sa akin ang mala anghel niyang mukha.
"Vein, mahal kita. Pero kailangan ko nang iwasan ka para hindi ako tuluyang mawasak pa. I'm sorry Vein. I love you" sabi ko at hinalikan siya sa noo sa huling pagkakataon.
Mabigat man sa loob ay umalis na kaagad ako ron. Masyado na akong nasasaktan dapat ko na itong itigil, dapat ko nang wakasan ang nararamdaman komg sakit. Okay na sa akin na makita lang siyang masaya, masaya kang siya magiging masaya na ako. At buo na ang desisyong iyon.
Sa mga araw na lumipas ay sa bar ang punta ko. Umiinom, nagpapakawasak, nagbabakasakaling mawala ang sakit na nararamdaman ko.
Sa mga araw na yun ay si Beatrice ang laging kasama ko. Binibigyan niya ako nang payo, naging mabuti siyang kaibigan sa akin. Hindi naman siya masamang tao, maarte lang talaga. Naging kaibigan ko siya sa mga panahong yun. Dinadamayan kaya sobrang thankful ko.
Iniiwasan ko na si Vein, at tuwing ginagawa ko yun ay nasasaktan ako dahil na rin sa reaksiyon niya. Nakikita kong nasasaktan siya sa mga ginagawa ko. Nasasaktan din naman ako. Nakikita kong naiiyak siya pero pinipigilan niya lang.
Sa mga araw na yun ay akala ko mawawala ang sakit at mababawasan ang nararamdaman ko para sa kanya pero kabaliktaran ang nangyari, mas lalo ko pa siyang minamahal.
Ngayon ay sobrang saya ko nang malaman ko na mahal niya rin ako. Napakasaya ko. Diko alam na yun pala ang nangyari nun. Ang tanga ko. Ngayon alam ko nang mahal niya rin ako ay hindi ko na siya bibitawan pa.
Napakasarap pakinggan ang mga katagang yun sa bibig niya. Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na to. Worth it ang sakit na naramdaman ko dahil wala akong mapaglagyan sa sayang nararamdaman ko ngayon.
I'm so happy she let me enter her heart. I'm so happy that she open her heart again for me.
"I love you Vein, thank you for opening your heart again and letting me enter."
"I love you too my Vince"
------------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...