Isang linggo na ang nakalipas nang huli kong nakita sila Elton. Isang linggo na rin akong kinukulit ni Vince. My ghad nakaka stress siya. Ang hyper. Sa isang linggo ay nakikilala ko na rin siya. Happy go lucky siya, masyadong madaldal pero pagdating sa trabaho ay masyadong seryoso. Siya at si Len ang nakakasama ko sa mga break time sa hospital.
Ang kukulit kapag nagsama na ang dalawa. Walang araw na hindi ako natatawa kapag nagtatalo sila. Walang laban si Doc kaya minsan ayon napipikon.
"Tok tok tok" napatingin ako sa pinto nang may kumatok.
"Come in" pumasok ang nurse na naging secretary ko na rin dito.
"Doc, may invitation pong pinapabigay sayo" sabi niya at inabot sa akin ang kulay violet na card.
"Sige, salamat" pagkasabi ko nun ay umalis na siya kaagad.
Dahil na curious ako sa laman ay binuksan ko ito.
Students of batch 20** -20**
We are inviting you to the reunion of batch 20**-20** on June 5 20** on saturday, starts at 7:00 pm.
We're expecting you to come at ****** university school ground, wearing your formal attire.
See you there!
- ****** university
Batch president."Reunion hah" napaigtad ako dahil sa gulat. Tiningnan ko ang nagsabi nun at kitang kita ko ang nakangising si Vince.
"Huwag ka namang sulpot nang sulpot nakakagulat ka eh, para kang kabuti" sabi ko at inirapan siya.
Tumawa lang siya.
"Kumatok ako, dika sumagot kaya tumuloy na lang ako. Binati kita pero di mo ako pinansin. Tutok na tutok ka diyan sa invitation letter na yan." Sabi niya kaya napairap nalang ako.
"Che, ano na naman bang ginagawa mo rito?" Tanong ko naiirata ako sa kanya.
Ngumisi siya at pinakita ang invitation letter na katulad nang sakin.
"E-invite sana kita. Pero meron ka naman pala kaya diko na kailangang pilitin kang sumama" aniya.
"Don karin pala grumaduate?" Tanong ko rito.
"Obviously" aniya na ngisi ngisi pa.
"Che, umalis ka na. May gagawin pa ako." Pagtataboy ko sa kanya.
"So ano? Pupunta ka?" Pangungulit niya.
"Oo malamang" sabi ko. Mas lalo siyang ngumiti nang sinabi ko yun.
"Be my date then, susunduin kita sa inyo ah, magpaganda ka hah, gwapo yung ka date mo kaya dapat maganda ka. Hahaha. See you around bye. " sabi niya nang nasa pinto na. Nakanganga akong nakatingin sa kanya.
Magsasalita pa sana ako para tumanggi nang sinarado na niya ang pinto.
Hayss wa-
"Hindi pwedeng tumanggi may utang kapa sa akin" pahabol na saad niya na nakadungaw sa may pintuan. Pagkatapos ay sinarado ulit ang pinto.
'Aistt, ang feeling talaga nang lalaking yun. Nakakainis' maktol ko.
Haysss. Napailing iling na lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa.
Edi pupunta ako ron. Kahit naman wala akong ka date pupunta pa rin ako, tsaka hello, walang sabi na dapat may ka date.
Pero buti na rin yung may kasama ako.
Natapos ang ginagawa ko sa Hospital kaya maaga akong naka uwi.
Nasa kama na ako nakahiga nang maisip ko ulit ang reunion na magaganap.
Pupunta kaya sila?
'Malamang pupunta, doon din kaya sila nag aral Vein, common sense naman' pangangaral ko sa sarili ko.
Aistt bakit ko pa ba iniisip yun. Kung magkikita, edi magkikita.
Hindi ko talaga maiiwasang hindi sila makita don, dahil alam kong pupunta talaga sila.
Eh baka busy diba? Hindi makakapunta.
Aist, ano ba Vein, stop thinking. Ano naman ngayon hah? Ano ngayon kung pumunta sila?
Pero handa na nga ba akong makita sila ulit? Sa ikalawang pagkakataon?
Argh, bahala na.
Basta mag e-enjoy ako sa reunion na yun. Period.
Kinakabahan ako dahil sa pagkikita na naman namin, pero lamang ang excitement sa sistema ko dahil makikita ko na ulit ang iba ko pangga kaibigan.
Think of the positive side Vein, yun ang isipin mo.
Yun nga, makikita ko na ulit sila. Lalong lalo na ang best friend ko.
___________________________
^_^
Guys, I just want to inform you na I'm currently editing the story.
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...