Chapter 16 √

92 10 0
                                    

Natapos ang unang araw nang medical mission namin na puro kantsawan ang nangyayari. Nakakainis na nakakahiya, parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil don.

Hindi na natigil si Vince sa mga pagsasabi niya nang mga pick up lines. Nakakainis lang dahil imbes na sawayin ko siya sa pinagsasasabi niya ay hinahayaan ko lang.

Because deep inside me, gusto ko rin ang mga pinagsasasabi niya.

Nagpipigil na lamang ako nang ngiti.

Sa pangalawa hanggang pang apat na araw ay okay naman ang lahat. Lahat seryoso na. Pero hindi pa rin nila ako tinitigilan sa pang aasar nila. Parang napapansin ko nga ang palamangan nila ni Vince at Elton eh.

Katulad nalamang kahapon.

----------------

Oh ghad ang init. Kahapon okay pa naman yung klima ahh, tapos ngayon sobrang init.

Init na init ako nun kaya nanghingi ako nang tubig kay Len.

"Len, pahingi naman ako nang tubig" sabi ko at nagpacute pa para bigyan niya ako.

"Tsk" kumuha na siya nang tubig nang may naglahad sa akin nang bottled water. Isa sa kaliwa at isa sa kanan. Tumingin ako sa naglahad nito at nakita ko si Elton sa kaliwa at Vince sa kanan.

Kanino ang kukunin ko rito? Tinitingnan ko lang iyon nang ibinigay ni Len sa akin ang tubig na hinihingi ko.

"Oh ayan, naghirap akong kunin yan kaya yan inumin mo. Huwag ka na mamili. Asoss haba nang hair mo te" saad  niya sabay kurot sa tagiliran ko. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Sorry boys may tubig na" sabi ni Len at hinila ako. Hayss savior. Ghad mas lalong uminit ah.

--------------------------

Minsan pa nag aagawan silang gawin yung pinag uutos ko kahit hindi naman sila ang inuutusan ko.

Nakaupo lang ako rito sa pwesto ko ngayon nang may dumating na kotse at pumarada ito malapit sa amin.

"Ayy si mayor"

"Nandito si mayor"

Dinig na dinig ko ang bulungan nila. Mayor? Lumapit ako ron lalo pa at ako ang head dito.

Nakita kong lumabas sa sasakyan ang isang hindi katandaang lalaki. Naka barong ito at naka eye glasses. Malawak din ang ngiti sa labi nito. Kasunod niya ay mga anak siguro niya dahil maypagka hawig sila.

Kambal? Unang lumabas ang lalaki at kasunod ang babae. May itsura sila at may ngiti rin sa labi nang lumabas. Nahawi ang daan papunta sa akin at dumaan doon ang mayor.

"Doc. Mendosa?" Patanong na sabi nito.

"Ako nga po" magalang na sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Mayor Roberto Perez" pakilala niya at inilahad ang kamay sa akin. Malugod ko naman itong tinanggap.

"Magandang umaga po mayor" saad ko.

"Ah, ito pala ang mga anak ko si Beatrice at-" hindi niya natapos ang sasabihin nang sumabat ang lalaking anak nito.

"Lucas binibini" pagpapatuloy nito sa sinabi nang ama tsaka naglahad nang kamay. Tinanggap ko naman ito pero diko inaasahan ang ginawa niya, hinalikan niya ang likod nang kamay ko at ngumiti sa akin.

Mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Aherm, Doctor Vicente Dave Marquez, mayor" biglang sulpot ni Vince sa tabi ko.

"Ohh, the famous doctor is here" saad ni mayor.

"Patawad kung nang iisturbo kami sa inyo, bumisita lamang ako rito" saad ni mayor at ngumiti.

"Wala po yun mayor" agad na sabi ko.

Iniskort nila si mayor habang naglilibot, si Elton ang nag entertain sa kaniya.

Nakaupo na lamang ako rito sa pwesto ko dahil wala na akong pasyente nang may lumapit sa akin.

"Hi" agad na bati nito na may ngiti. Si Lucas.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ihhhhhhh, bakit di ka namamansin" dinig kong sabi nang isang matinis na boses kaya napatingin ako ron. Parang kumulo ang dugo ko sa nakikita ko. Nakakapit sa braso ni Vince ang kapatid nitong kasama ko ngayon. 'Makakapit akala mo tuko' diko namalayan na napahigpit na pala ang hawak ko sa ballpen ko kaya nakaramdam ako nang hapdi.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila.

"Ahhh bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kaharap ko.

"Ahh wala naman, boyfriend mo ba yun?" Napaka straight forward naman nang isang to. Tinuro pa niya si Vince. Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Sh*t.

"Hah, h-hindi" sabi ko at nag iwas nang tingin.

"Good" sabi niya. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Umiling iling lang naman siya.

Nasa hapag kainan na kami dahil lunch na. Nagpadeliver nang pagkain si mayor.

Nasa pagitan ako ni Vince at Lucas. Nasa tabi naman ni Vince si Beatrice na katabi si Elton.

"Pakikuha naman ako nun Elton babe please" pabebeng sabi niya. Aisstt. Kanina si Vince ngayon naman si Elton. Grrr. Nanggigigil ako sa babaeng to.

"Huwag mo namang murderin yung pagkain, walang kasalanan yan" sabi nang katabi ko, si Lucas. Isa pa to, kanina pa ako kinukulit nito.

"Vince baby, pakuha ako nun pleaseeee...." Nabilaukan ako kaya dali dali naman akong binigyan nang tubig nang dalawang katabi ko. Bibigyan din sana ako nang tubig ni Elton kaso malayo. Ininom ko kaagad ang binigay ni Lucas. Nasa malapit na eh.

"Okay ka lang?" Sabay na tanong nang tatlo.

Tumango tango lang ako. Bwesit nakakahiya.

Baby? Talaga lang hah, bwesit naiinis talaga ako sa babaeng yan. Diko alam pero parang gusto kong manapak ngayon. Nabu bwesit ako. Kanina si Elton ngayon si Vince naman. Peste, bakit ba ako naiinis?. Grrr.

Natapos ang lunch na yun na badtrip na badtrip ako. Hindi ko rin pinansin sila Vince maghapon. Buti umuwi na yung kambal dahil kanina pa ako nabu bwesit sa kanila.

"Vein" tawag sa akin ni Elton.

"Hmm?" Tanging sagot ko.

"Ahm, galit ka ba?" Tanong niya.

"Bakit naman ako magagalit?" Sabi ko at nag walk out.

Nasa may lobby na ako nang hotel na pinagstayhan namin nang may humigit sa braso ko.

"Vein, galit ka ba?" Tanong ni Vince ang humigit sa akin.

"Hindi nga ako galit" medyo napataas ang boses ko. Nagulat siya don hanggang sa dahan dahang sumilay ang ngiti niya na ikinakunot nang noo ko. "Bakit ka ngumingiti ngiti dyan? Inis na anas ko.

"Nagseselos ka ba?" Tanong nito na may mapanuksong ngisi. Nagseselos? Wow lang.

"Nagseselos? Saan? Bakit naman ako magseselos?" Inis na inis na talaga ako.

"Nagseselos ka eh" tukso niya sa akin na ikinainis ko.

"Hindi nga ako nagseselos, don ka na sa Beatrice mo, nakakainis ka" nabulalas ko na lamang tsaka nag walk out. Nakakainis. Grrr.

----------------------

^_^

Opening My Heart Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon