(53) Kabanata

6 1 0
                                    

-GWEN POV-


Napapakamot ako ng ulo sa mga mali-maling naisusulat ko lumilipad kasi 'yong isip ko inaalala ang nakakahiya kagabi napapailing nalang ako pilit tinatanggal sa isipan ko ang nangyari kagabi.



"Okay class! Inayos ko ang seating arrangements niyo at mag mula ngayon ay ito na rin ang magiging permanent seat niyo hanggang sa dulo ng semester niyo" Biglang paalam ng professor namin para mapalingon kami sa harapan.



Nagsisimula na niyang tawagin ang mga pangalan kung sino ang magkakatabi sa upuan at ng matawag ang pangalanko ay agad naman akong tumayo saka umupo sa tinuro niyang mesa nasa may gitna ako sa ikalawang row.




Inayos ko ang pagkakalagay ng aking bag at saka pinagpatuloy ang sinusulat ko sa aking kwaderno hinayaan ko lang siya na magtawag sa mga pangalan ng iba ko pang kaklase.




May biglaan namang umupo 'tong nasa katabi kong upuan hindi na ako nagtangka na tignan siya dahil medyo busy pa ako kakasulat ng essay na ipapasa mamayang hapon hindi ko kasi nagawa kagabi.



"Ehem! Ehem!" Pasimpleng ubo ng katabi ko na agad ko namang tinitigan na halos ikanalaki ng mata ko, sana hindi ko nalang siya nilingon pa.




"Ano?" Masungit kong tanong sa kaniya habang nakataas kilay binalewala ko lang ang presensya niya saka bumalik sa ginagawa ko.




"Taray mo naman nay period ka ba ngayon? Grabe porke't lumevel-up lang ang hitsura mo hindi mo na ako papansinin? Nakakasakit ka naman ng damdamin ko Manang" Pagdadramang sabi ni Chavis para inis ko siyang binalingan ulit.



"Paki ko ba sa'yo ha Chavis? Saka huwag mo nga akong isturbohin kitang may sinusulat ako napaka isturbo mo naman" Mataray ko pa ring sabi sa kaniya na ikatawa niya ng mahina napapailing nakang ako sa kabaliwan niya.




"Na miss kaya kita, ako hindi mo man lang ba ako na miss kahit konte?" Pagsiko niyang tanong sakin para ma-inis ako lalo.



"Eh ano naman ngayo kung na miss mo ako? Wala din naman patutunguhan 'yang pagdadrama mong na miss mo ako jusko luma nayang ganiyang istilo hindi mo na ako maloloko at saka hindi kita na miss no! Asyumero ka!" Inis na bulyaw ko sa kaniya para mapahinto ito at seryoso akong tinitigan para mapalunok ako sa biglaang pag-iba ng mukha niya.




"Alam mo parang hindi na ikaw 'yong Manang na nakilala ko ibang iba ka na talaga gano'n na ba ang naging epekto sa'yo noong tumakbo ka papalabas ng restaurant noon? Sabihin mo nga sa'kin ang totoo Manang nagseselos ka ba sa paghahalikan namin ni Selene—" Putol niyang salita.




"—Hindi ako nagseselos saka bakit mo pa ba binabalik ang nakaraan dapat nga kinakalimutan na'yon saka wala kang pakialam kung bakit ako umalis doon huwag mo ng problemahin 'yon dahil labas ka na sa buhay ko" Seryosong sabi ko sa kaniya may mumunting sakit akong nakita sa mukha niya o baka namamalikmata lang ako.





PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon