(46) Kabanata

4 1 0
                                    

-CHAVIS POV-

Napangiwi ako ng magsitilian ang mga babae na parang hindi mapakali sa nakikita nila ngayon may iba na hindi mapigilang kagatin ang kaniyang neck tie ang dalawa naman ay naghahampasan na parang tanga.

"Grabe di ko inaasahan ito agad ang bubungad sa'tin, parang bumabalik tayo sa pagiging highschool ah" Tawang-tawa ang sabi ni Van sa'min.

"Parang hindi kana nasanay Van saka sa napakatagal na panahon ay madami ng nagbago... kagaya ng isa diyan" Mapanuksong sabi ni Neil sabay nilang tingin sa akin.

"Tss!" Bagot ko nalang naisabi.

Sa sobrang napakahaba at tagal ng panahon may mga nagbago na. Sabi ng nakakaramihan ay mas lalo daw akong naging malamig at walang pakialam sa paligid.

Mahirap iproseso at tanggapin ang biglaan pagkawala ni Manang na hanggang ngayon ay wala parin akong impormasyong nakukuha kung saan ba naglayas si Manang.

I know it's been passed 3 years from her sudden runaway get up at noong nagmamadali akong pumunta sa ibinigay na address ng pinsan ko at sa huli napadpad lang pala ako sa isang repair shop ng mga cellphone like are you kidding me?

Tinawagan ko ulit noon si Dominic kung pinaglalaruan ba niya ako pero sabi niya na sakto daw yung natrack niyang address at hindi siya nagkakamali.

Napabuntong hininga nalang ako habang winawaksi ang mga ala-alang na hanggang ngayon ay hindi parin mawala wala sa isipan ko. Sa sobrang tagal na din ng panahong walang Manang na bumubulyaw, sumisigaw at walang tigil na bangayan namin maghapon.

Kahit ma pride akong tao ay hindi ko mapigilang namimiss ang mga ganoong masasayang memoryang kasama ang panget na babaeng 'yon. Naging espesyal narin siya sa buhay ko at naging malaki ang epekto sa biglaang pagkawala niya.

Gusto ng pumutok sa pumupunong ala-ala at nakakadagdag problema sa isipan ko lalong lalo na 'yong babaeng iniwan lang ako na hubad baro sa kwarto.

Is this really what I deserved for being such bad person to everyone years ago? Is this what they called Karma? Eh napakabait ko kaya noon.

"Dude, ayos ka na ba talaga? magsalita ka naman diyan oh namimiss tuloy namin yung Chavis na bubulyawan agad kami kapag maingay, sasabay sa pakulo namin. Ibalik mo yung kaibigan namin woy!" Pagngawa ni Neil sa gilid ko.

Napahinto ako sa inis nila kaya ganoon din sila ay agad na napahinto. Tinapunan ko sila ng napakalamig na awra para mapalunok sila at sabay nag-iwas ng tingin.

Ang ayoko pa naman sa lahat ang napakadaldal ng bibig na bubungad sa aking tenga kasi dalawang taong malapit sa buhay ko ang sumira sa katinuan ko kaya huwag na silang dumagdag pa.

Iniwan ko ang mga gungong mabuti naman at di na sila sumunod pa kasi gusto ko munang mapag-isa ayoko pa ng panenermong makukuha ko sa kanila na wala namang silbi.

Kasalukuyan akong naglalakad sa gitna ng hallway patungo sa pang-umaga kong klase ng may biglang bumunggo sa balikat ko at nagmistulang tanga na bumulagta sa sahig.

Galit ko siyang tinitigan kasi sa dinami dami ba naman na madadanan sa pagiging ala runner sa marathon dito pa talaga sa pwesto ko.

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon