(14) Kabanata

14 2 0
                                    

-GWEN POV-

Papasok pa lang ako sa entrada ng bahay ng mapasinghap ako sa gulat ng may sumaboy ng hindi kanais nais na amoy sa buong katawan ko. Napakabaho parang malansang isda ang baho parang masusuka yata ako dahil hindi ko makayanan ang baho.


"Ops! sorry, I thought you're garbage can magkamukha kasi kayo ng basurahan HAHAHAHA" Tumatawang sabi ni Erikka sa akin, nasa terrace ito ng bahay habang hindi matapos-tapos kakatawa nakahawak din ito ng balde.

"Ano ba talagang problema mong bruha ka! di na talaga ako makapagtimpi sayong maldita ka! kung gusto mo ng 1vs1 bumaba ka dito kung di ka duwag!" Galit kong sigaw sa kaniya sa itaas, nawala na ang pagtawa niya at napalitan ito ng galit na galit na mukha.


"Hindi ako bruha mas lalong hindi ako duwag! Humanda ka sakin kapag nakababa akong panget ka!!"


Pagalit niyang sigaw pabalik sa akin at umalis sa terrace siguro nagmamadaling bumaba sa pangalawang palapag.

Matagal na kasi akong nagtitimpi ng galit ko sa kay Erikka kasi noong bata palang kami ay halos araw-araw niya akong inaasar at pinagmamalupitan kasi daw wala akong laban sa kaniya kaya kahit anong pananakit ang ginagawa niya sakin kahit isa ay hindi ko siya tinangkang isumbong sa mama niya which is si Tita Maricell.


Ayoko ko na kasing palakihin pa ang gulo kaya hindi na ako nag-ingay pa kahit palagi niya akong sinasaktan hanggang ngayon pero ang magkaibahan lang ay yung noong walang laban na batang Gwen na palaging inaapi-api ay nagbago na ngayon.

Nagbabago naman kasi talaga ang isang tao kapag napapagod na at pilit binabago ang sarili kung anong naging sitwasyon niya noon para malutasan ang pagsubok at problemang kinakaharap niya gayun din ang sa akin.

Yung Gwen noon na palagi nilang inaapi, sinasaktan at pinagmamalupitan ay isa ng palaban, nilalaban ang tama, may sariling pananaw sa buhay at lalong-lalong hindi nagpapaapi sa lahat din naman ng bagay ay mapapagod din tayo dahil alam natin sa ating isipan na wala silang kakayanan na lumaban kapag nilabanan natin sila.


Katulad din yung ginawa ko sa loob ng Campus, hinahayaan ko lang sila na api-apihin ako at hindi lumalaban kasi alam ko sa sarili ko na sila yung mapupuruhan kapag nagkataon ay nanglaban ako, pero hindi rin sa pagkakataon na sila nalang palagi kapag nakalampas na sa limitasyon ko ang sobrang pagtimpi ay dun na ako lalaban at ipagtanggol ang sarili ko.


Kagaya niyo tao lang din naman ako nauubusan ng pasensya sa pagtitimpi kung ito ay nararanasan ng napakatagal sa pagtita ko sa bahay na'to.


Napabalik lang ako sa riyalidad ng may tumulak sa akin ng malakas para matumba ako sa lupa hindi pa ako nakakabawi sa pagtumba ko ay agad akong kinubabawan ni Erikka at marahas akong sinabunutan para mapasigaw ako sa sakit.

"Hayop ka talagang babae ka! Marunong ka na palang sumagot-sagot sa akin ah! Itong nababagay sayo! I'll fucking kill you bitch!" Galit na sigaw niya sa akin habang walang tigil akong sinabunutan at inuuntog ang ulo ko sa lupa.

Sinabunutan ko rin siya para napasigaw din ito sa sakit, isang malakas na sampal ang aking nakuha sa kaniya kaya hindi ko napigilan ang itulak siya ng malakas para mapaalis siya sa pagkakubaw sa akin.

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon