(17) Kabanata

18 2 0
                                    

-CHAVIS POV-

"Hmm" Ungol ko ng pilit pinapatay ang alarm clock kong ayaw tumigil kakatunog.

Sa sobrang inis kasi ayaw tumigil ay kinuha ko ito sa bedside table ko saka inihaigs ng malakas kahit saan, nakapikit pa yung mata ko sa sobrang antok.

Wala namang pasok ngayon kasi sabado kaya minabuti kong matulog ng napakatagal, ayaw kong may makadisturbo sa mahimbing kong tulog. Hindi ko alam kung anong oras kami natapos ni Manang kagabi siguro mga hating gabi o di kaya madaling araw na namin napagdesisyonan na magpahinga.

Rinig ko na may kumatok sa aking pintuan binalewala ko lang ito dahil inaantok pa talaga ako tinatamad akong tumayo at buksan ang pinto.

"Arghh!" Irita kong sigaw sa walang tigil paring pagkatok sa aking pintuan.

Nakaka-imbyerna naman! Binulabog pa talaga ang mahimbing kong tulog, naiinis kong tinalukbong ang kumot sa aking uluhan.

Kitang natutulog pa yung tao! Umagang-umaga sinisira ang mahimbing kong tulog! kabwesit!

Hindi parin humihinto ang sobrang ingay na nangggagaling sa aking pintuan kahit inaantok at kunit noo ay mabilis akong tumayo at padabog na nilakad ang pagitan ng pintuan.

"What do you want!" Nakakunot noo at naiirita kong bulyaw kay Manang.

Nagulat naman si Manang sa pagsigaw ko sa kaniya, kita ko kung paano bumababa ang tingin niya na para bang kinikilatis ito napamulahan ng mukha si Manang kaya mabilis niyang ibinaling ang tingin sa gilid.

I can't help but to smirk, ngayon ko lang kasi nakita kung paano mamula ang buong mukha niya sa nasaksihan.

"K-Kakain na kasi, nakahanda na yung a-almusal mo sa baba at m-magdamit ka kaya noh?!"

Pautal-utal niyang sabi habang walang tigil yung pamumula ng mukha niya sa hiya at mabilis na umalis sa aking harapan. Naiwan lang ako sa may pintuan na nakangiti ng may pagkapilyo.

Napapahid nalang ako sa topless kong katawan, naka boxer short lang habang tinatanaw pa rin ang papaalis na si Manang sa malayuan nawala nalang bigla ang inis ko at napalitan ng pagka-pilyong ngiti sa aking labi.

She just saw my oh-so gorgeous abs and she's not even saying thank you for being generous? How rude!

Napapailing akong pumasok sa loob ng kwarto, napapahikab ako sa antok sabay kamot sa magulo kong buhok, lumapit ako sa bedside table at tinignan sa Iphone kung anong oras na ba.

8:30 AM

The heck! It's still early in the morning and I'm supposedly sleeping at this hour like fuck! Binulabog kasi talaga ni Manang ang mahimbing kong tulog, maliligo nalang siguro ako para mawala yung antok ko

Hinablot ko kaagad ang nakasabit na tuwalya at inaantok na pumasok sa loob ng banyo.

---

Kasalukuyan akong bumababa sa hagdanan habang hawak-hawak sa kabilang kamay ang Iphone ko, nag-vibrate bigla yung cellphone ko kaya mabilis ko itong tinignan kung kanino ito galing napakunot noo ako ng lumabas ay Unregistered Number agad ko naman itong binasa.

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon