(45) Kabanata

10 1 0
                                    

-GWEN POV-


Saan ba nilagay ni Kevin ang mga pinamili naming mga plato, kubyerto, baso saka tasa. Naglilinis kasi ako sa bagong nilipatan kong bahay hindi naman ito sobrang laki, maliit lang parang apartment.



Halos sa sobrang tagal na din ng panahon ay si Kevin ang naging sandalan ko sa lahat ng oras at problemang kinahaharap ko kaya napakalaki ang pasasalamat ko sa kaniya.




Bumalik na lahat yung ala-ala ko mga dalawang buwan ang nakakalipas napanguso talaga ako ng hindi naman ko naman pala nobyo si Kevin nagsinungaling lang, aish!




Sinabihan ako ni Kevin na sa condo niya nalang ako patutuluyin agad ko naman siyang tinanggihan marami na siyang naitulong sa akin at may hiya pa naman akong natitira sa sarili ko.



Ayoko masyadong maging pabigat sa kaniya dahil narin sa mga magagandang loob niyang pagtulong sa akin lalong lalo na noong pagbayad niya sa hospital kung saan naging tahanan ko mga isang taon bago ako nagising.




Oo, isang taon akong nagising sa pagkaka-coma at sa pagkawala ng memorya ko sa malakas na pagkabagok sa ulo ko noong nabangga ako ng truck.




Iisa lang ang rason kung bakit ako napunta sa agaw buhay na sitwasyon noon at hanggang ngayon ay parang kailan lang 'yung insidenteng pilit ko ng kinakalimutan.




Napakasakit pala umibig akala ko masarap sa feeling kabaliktaran lang pala ang lahat.




Iwinaksi ko na ang naghahalong imahe sa isipan ko ayoko ng maalala pa lahat ng iyon gusto ko ng malagay sa limot at mamuhay na mapayapa at normal na buhay na walang mapanakit sa puso kong sawi sa pag-ibig.




It's been 3 years at ayoko na din maalala lahat ng mga negatibo o mga masasayang ala-ala na lumalangoy sa malalim kong pag-iisip.



"Ay kabayo!" Napasigaw ako sa gulat ng may nag 'boo' galing sa likuran ko.




Mabilis ko itong hinarap at ang napakalawak na ngiti at puting ngipin na halos pantay lahat kulang nalang mag endorse sa Colgate itong si Kevin.





"Bakit mo ba ako ginugulat ha!" Inis ko siyang hinampas sa braso, tinawanan lang ako ng loko. Aba!





"Kanina pa ako kumakatok saka tumatawag sa pangalan mo hindi mo naman ako binubuksan kaya pumasok nalang ako, tulala ka ng makita kita parang ang lalim ng iniisip mo kaya ginulat nalang kita" Walang halong kasinungaling sagot niya.





"Ikaw ha porke't malaki ang utang na loob ko sayo hindi naman siguro tamang pumasok ka sa apartment ko saka ni-lock ko kaya 'yon paano mo nabuksan?" Curios kong sabi sa kaniya.





"Aray tagos puso ah, saka I have my ways" Aniya saka ako kinindatan, napairap nalang ako sa hangin.






PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon