(3) Kabanata

24 2 0
                                    

-CHAVIS POV-

Chavis Lee Shun for 3 points! sigaw ng announcer galing sa itaas na nagmamasid sa aming laro


"CHAVIS! KYAAAAHHHH"

"ILOVEYOU MAHAL KONG CHAVIS!"

"BE MY BOYFRIEND, SHUN!"

"NUMBER 7!"

"ANG POGI SHIT! MAHIHIMATAY NA YATA AKOO"

"CHAVIS! CHAVIS! CHAVIS!"


Halos sa loob ng Basketball Court ay hindi na magkamayaw ang tili at sigaw ng mga tao na nanonood sa laro namin. Hindi ko muna sila pinansin, sineryoso at finocus ko nalang ang laro namin, paatras akong tumatakbo nung makashoot ako ng tatlong puntos sa shooting ring ng kalaban.


"Galing mo Captain!"

"Nice one Cap!"


Yan lang ang narinig ko sa mga kasamahan ko na parang baliw dahil kampante sila na mananalo kami ngayong Finals, nilingon ko sa itaas ang Score Board namin kung ilang puntos ang pagitan.

121-99

Napangiti ako ng konti dahil kita na talaga kung sino ang panalo at talo sa larong ito, pero hindi parin namin binababa ang focus namin kasi ayaw namin na makapuntos ang kalaban ng kahit tatlo  man lang. We are known as competitive hindi kami basta basta magpapatalo sa kanila ng ganon kadali.



Mabilis kong naagaw ang bola sa kalaban na mas lalong pagtili at sigawan ng mga Fan Club ko 'daw'.



"Captain dito!" Sigaw ni Van sakin, kaya mabilis kong ipinasa sa kaniya ang bola saka ako nag-abang ng timing para maka shoot ako ng tatlong puntos. Sana nga ma-shoot.




Ganito ang teknik namin sa paglalaro ng basketball, sila yung parang nagpapahabol ng bola sa kalaban at ako dito nakaposisyon at naghanda sa tamang oras para makapuntos ng tres.




Nasa harapan ko itong isa na binabantayan niya lahat ng kilos ko na parang nahahalata na niya kung ano ang mga teknik na ginagawa ko.


How clever but not that much.


1 minute left before this game end! and any minute we will know who will be our Champion for this Finals!

Pag-announce ng mga annoucer para mas lalong magsihiyawan at magsitilian ang mga tao sa loob ng court.



Kahit hinihingal at pawisan na kami sa kakatakbo ay wala lang yun sa amin, tumingala ako sa Timer kung ilang segundo nalang ang naiwan.

30 seconds left


"Captain!" Sigaw sa akin ni Neil na nasa kaniya na pala yung bola na pinapatalbog talbog niya habang tinutulak gamit ang braso nito para lang hindi maagaw ang bola saka niya ito ipinasa sa akin na mabilis ko namang nakuha.



PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon