(25) Kabanata

12 2 0
                                    

-CHAVIS POV-


Kakarating ko lang sa Campus na kasalukuyang nagpa-park ng itim kong Lamborghini. Tinanggal ko na ang seatbelt at padampot na kinuha ang aking bag sabay labas ng sasakyan, tinanggal ko ang aking shades saka patapon na ipinasok sa sasakyan.

Napapairap na lang ako sa mga studyanteng nagkalat sa entrance ng napakalaking double door ng skwelahan. May kaniya-kaniya silang dalang tarpaulins na parang magwewelga, alam niyo naman napaka-OA ng mga studyante dito specially girls and gays.

"Hayan na! Napakapogi talaga ni Chavis my labs ko!"

"Shit dzai! ang gwapo ni papa Shun! look oh!"

"Ang hot niya talaga kapag nakikita sa malapitan parang mamamatay na yata ako"

"Iihi na yata ako sa pantog ko sa sobrang pogi! Kainis kasi ang gwapo niya sa uniform natin!"

"Aalokin ko 'yan na magpakasal makikita niyo, diyan lang kayo"

Palabas tenga lang ang ginawa ko sa mga iba't ibang klaseng binubulong nila na halos maririnig ko ng napakalas sa tenga ko. Napapa-cringe ako sa bawat salitang naririnig ko galing sa mga bibig nila.

Alam ko naman na napakagwapo ko kaya hindi na dapat nilang ipagsigawan sa buong Campus because me, myself and I already know how handsome I am when I'm still a fetus in my mom's womb nahuhuli lang talaga sila sa balita, tsk! tsk!

Napahinto ako sa aking tinatayuan ng biglang humarang ang isang babae well, she's pretty though but not my type. Bagot ko siyang tinitigan habang ito ay nagpapakyut pa sa harapan ko with flapping her eyelashes like a stupid psychopath.


"What do you want from me, lady?" Walang gana kong tanong sa kaniya para mapangiti ito ng malapad.

"I was just thinking if..." Pabitin niyang sabi, napagulat ako ng konti ng lumapit yung mukha niya sakin with her matching cute face as if I care "...you will marry me and have a dozen babies, watcha think Honey?" Mapang-akit niyang sabi sakin habang kagat yung isang daliri niya.


"Honey, I don't want dozen babies I just want you..." Pabitin ko ding sabi sa kaniya para mapangisi siya na parang siya yung nagwagi but I'm not still finished yet "...to FUCKING LEAVE IN MY FUCKING FACE AND LEAVE ME FUCKING ALONE IF YOU STILL FUCKING LOVE YOUR LIFE!!"


Napakalakas kong sigaw sa kaniya habang nanlilisik ang dalawa kong mata, gulat na gulat yung mata niya at saka mabilis na nagtatakbo papailis sa harapan ko. Yung mga studyante na nag kalat naman ay nagkaniya kaniya ng takbo papasok ng skwelahan.


Marahas akong napabuntong hininga sa galit napakalakas yata ng confidence ng babaeng yun na tanongin ako ng napakawalang kwentang tanong at ako magpapakasal sa kaniya? I might just call Satan and pick me up than marrying her and have my child?that's no fucking way! she's not worth it for my sperm.

Nagsimula na akong lumakad papasok ng skwelahan at tinungo ang pang-una kong klase ngayong umaga. Pagkapasok ko palang sa loob ng classroom ay agad akong inakbayan ni Van at ginugulo ang buhok ko.


"Wow! Blooming mo ata ngayon Captain ah! diba? diba?" Asar na sabi sakin ni Tyler na sinanga-ayunin ang kalokohan niya.


"Gago! Ano ako buntis? Kung hindi ko lang kayo kabarkada baka kanina ko pa kayo pinag-uupakan nga siraulo saka badtrip ako ngayon kaya wag niyo akong asarin" Nasabi ko nalang saka ako umupo sa silya ko.


Kita ko naman na napapa-ohh silang apat sa sinabi ko at sabay nagsitanguan na parang mga ewan. Kinuha ko ang airpods ko para makinig ng kanta para naman mawala ang inis at galit ko sa nangyari kani-kanina lang.


"Badtrip ka pala bro? Ipasyal nalang natin 'yan mamaya sabi ng class president na may meeting mamayang hapon ang lahat ng professor, urgent meeting daw hindi ko alam basta! magsasaya tayo mamayang hapon! Yohoo!" Masayang sigaw ni Van habang nakataas yung dalawa nitong kamay sa ere.


"Ang tanong, sa'n naman tayo mamamasyal?" Sabat ni Neil sa kay Van.


"Tinataning pa ba 'yan Neil? Edi mag ro-roadtrip tayo or di kaya mag drag racing para malibang naman tayo" Sagot naman ni Van.


"Pass muna sa pag da-drag racing bro, ayos lang sakin na mag roadtrip tayo basta si Sky yung bibili ng pagkain natin" Dagdag din ni Tyler para mapatingin si Sky sa kaniya at agad itong binatukan agad namang napahawak si Tyler kaniyang ulo.

"Ako pa sinali niyo diyan! Kaniya kaniya tayong bili ng pagkain hoy! Hindi niyo ako tatay para pagbilhan ko kayo napakaswerte niyo naman and I don't share my foods to anyone keep that in mind" Mahaba na sabi ni Sky para mapahinto kami, madalang lang kasi magsalita ng mahaba si Sky kaya hindi kami sanay.


"Woah! Don't be a crybaby bro, okay we're sorry but not sorry HAHAHAHA" Ani Tyler saka sila nagtawanan na oarang mga loko loko.


Nahagip ng mata ko ang papasok na si Manang and as usual civillian na naman hindi daw kasi niya nadala yung uniporme niya naiwan sa bahay nila no'ng pinalayas siya sa kanila kaya T-shirt at pantalon na naman.


Hindi ko na pinansin ang mga kabarkada ko at nakatuon lang ang atensyon sa naglalakad na si Manang patungo sa kaniyang upuan. Nagtama ang aming mata kaya agad naman akong ngumiti pero agad din namang nawala ng mabilis niyang pinutol ang aming tingin.

Ano na naman kaya ang kadramahan niya? Tss! Mamaya kalang talaga sakin sa condo.

Kahit sa gitnaan ng leksyon ay pasimple simple akong tumitingin sa gawi kung saan nakaupo si Manang. Nakakabagot na kasi sa pagleleksyon ng propesor namin kaya kay Manang ko nalang ibinubuhos ang atensyon ko kesa sa pagleleksyon ng propesor namin.


Ngayon ko lang napansin na kaliwete pala siya magsulat, nakasubsob lang ako sa mesa habang tinitignan ang kilos ni Manang kung paano siya magsulat at ang pagkamot niya sa kaniyang ulo na parang mali yung naisusulat niya hindi ko tuloy mapigilang matawa ng mahina.


Ngayon ko din napansin ang mahaba at kulot nitong buhok yung kulot na buhaghag na parang walang ligo mga gano'n. Inilagay niya ang naiwang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tenga para mas lalo kong makita ang kalahati niyang mukha na nakaside view.


Matangos naman yung ilong ni Manang, napakakapal ng kilay na parang angry birds basta natawa nalang ako sa mukha niya at nasanay narin ako sa hitsura niya kung paano siya manamit kahit madami yung damit na kinuha ko para sa kaniya pero ang resulta hindi naman nagamit palagi kasi siyang nakapantalon at T-shirt.


Ano kayang hitsura ni Manang kapag nakasuot ng saya o di kaya dress, napatawa ako ng malakas sa hitsura niya sa isipan ko mas lalo tuloy siya pumanget kapag nagsusuot siya ng gano'ng damit hindi bagay sa kaniya natawan na naman tuloy ako.


"Ahm, Mr. Shun? May nakakatawa ba sa sinasabi ko?" Takang tanong sakin ng propesor namin para mapahinto ako at gulat ang mukha sa kahihiyan.


H'wag mong ipahalata na napahiya ka sa pagtawa mo Chavis!


Tumikhim ako saka umiling at sinabihan siya na magpatuloy sa pagleleksyon agad naman itong napatango at bumalik sa pagleleksyon. Sakto namang pagkalingon ko sa inuupuan ni Manang ay nakatingin rin pala siya sakin at ng napansin niya na napatingin din ako sa kaniya ay mabilis niyang binawi ang kaniyang tingin at ibinalik sa sinusulat niya.


Napakunot noo akong nakatingin sa kaniya pangalawang beses na niya ginawa sakin yun ah! Ano ba'ng problema nitong babaeng 'to bakit kapag nagtama yung mata naming dalawa binabawi din niya kaagad? Did I do anything wrong? I felt like she's avoiding our gaze and why?


Mamaya ka lang talaga sa akin Manang ka! Ako talaga tinitripan mo ah, humanda ka talaga sakin!


Hindi ko talaga mabasa ang galaw ni Manang parang napakabipolar lang, kanina pa nga sa labas ng Hotel nagbabangayan pa kami at pinapansin pa niya ako tapos ngayon? Pasalamat nga siya mapagbigay ako sa gwapo kong mukha tapos di niya susulitin yun? Hay nako Manang, napaka-choosy mo sa totoo lang.


A/N: Humahangin na naman ata HAHAHA, See you in the Chapter mga ka Bells!

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon