(7) Kabanata

18 2 0
                                    

-CHAVIS POV-

Bagot na bagot na ako sa lesson dahil una palang ay alam ko na lahat ang itinuturo nila. Hindi na ikinakaila na ang aking pamilya ay kilala sa buong mundo. Napakataas ng status namin sa buhay kung baga noong kapanahunan ay maihahantulad na isang maharlika.




Ayoko ng pag-usapan pa ang mga ganiyang bagay, hindi kasi ako palakwento sa buhay ko saka tinatamad akong magkwento napakahaba haba pa ng ikukwento ko.




Napaob-ob nalang ako sa aking mesa habang nakikinig ng kanta sa airpods ko, ipinikit ko ang dalawang mata hindi na ako nakinig pa sa tinuturo ng professor namin dahil kabisado ko na lahat ang bawat module na sinasabi niya.




"Maganda ba'to Van?" - Neil

"Maganda naman pero mas maganda at ubod ng kasexyhan itong nakita ko, tignan mo" - Van

"Mga manyakis" rinig kong pabulong ni Tyler sa dalawa.


"Dude, punta tayo mamaya sa Chinese Restaurant, natatakam ako sa ramen nila...tignan niyo naman oh" - Sky




Napapairap nalang ako sa mga loko kong kaibigan lalong lalo na itong patay gutom na si Sky na puro laman ang isip na mga masasarap na pagkain ewan ko ba bakit hindi nagbago ang gahaman niya pagdating sa pagkain eh napapakain naman siya ng tatlong beses sa isang araw sa kanila, di lang pala tatlong beses sa isang araw. Di ko na alam kung ilan.




Hindi na ako nakatulog ng mapayapa sa sobrang ingay at lilikot nitong katabi ko, binuksan ko nalang yung instagram ko dahil nababagot na ako sa silid, hindi pa kasi umingay ang bell para makauwi na kami ng matiwasay.




Nag-iiscroll lang ako para mawala ang pagkabagot ko, hindi na ako nagulat na aabot sa milyon-milyong pumuso sa bawat isang letrato na pinost ko. Hirap talaga kapag sobrang kapogian ano? Lahat nahuhulaming sa kapogian ko. tsk! what a life.




"Ano yun hija?" Tanong ng prof namin na nasa labas ng silid ang nahtatanong siguro.




Halos lahat ng pares na mga mata ay nakatingin sa prof saka sa kung sino man yung nasa labas sa may bandang pintuan.




Tinatamad akong makipagtingingan din sa kanila, nakahiga na yung ulo ko sa lamesa habang nagtitingin parin sa instagram kung ano ang mainteresan sa mata ko. Nilingon ko ng kaunti ng pumasok ang isang babaeng nakayuko at sabihin na nating napaka plain manamit in short manang kung manamit.




Nakapantalon ito na maluwag sa binti niya, nakasuot ng t-shirt na may nakaprintang 'Love me' na pinaresan ng pulang jacket. Inayos pa nito ang malaking salamin sa kaniyang mata.




Napakunot yung noo ko dahil parang familiar ang babaeng nasa gilid ng aming prof na pinapakilala ang sarili nito. Hindi ko matandaan kung saan kami nagkita, malilimutin kasi ako pagdating sa mga pagmumukha.

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon